BLIND

123 6 2
                                    

BLIND

Inalalayan ako ng boyfriend ko pababa ng hagdan at pansin kong pinaupo niya ako kinapa ko naman ang mesang nasa harap ko at doon humawak.

"Babe ano ba ang ibibigay mo?"tanong ko sa kanya tsaka pinahid ang pawis na tumutulo sa noo ko.

Hindi ko pa naman natapos ang pag bahid neto ay naramdaman kong may panyong dumadampi sa balat ko.

Hayts ito talagang nobyo ko ginagawa lahat ng bagay kahit kaya ko pa namang gawin.

"Kilala mo ba ang SB19?"

"Naririnig ko ang mga kanta nila sa TV pero hindi ko pa sila nakita at hindi ko sila makikita"

Pano mo makikita Shane kung bulag ka? Ni mukha nga ng lalaking minahal mo ay hindi mo nga nasilayan.

"Hey your imperfections makes you beautiful"naramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko.

"Para icelebrate ang 5th anniversary natin pupunta tayo sa concert nila"

Kamusta nga ba ang isang lalaki toh bilang isang kasintahan? Wala akong masabi ginagawa niya ang lahat para sa akin kahit sabihin na nating marami ang kumukwesyon kung bakit ako? Isa lang naman akong bulag na tao,Di hamak may mga magagandang babae jan na kompleto at nakikita siya pero masaya akong ako ang pinili niya.

Ma swerte ako and I think that he's my lucky star sabi pa niya sa akin noon 'Im not a star but I can be your Mistar' ang corny pero Keri nalang.

Dumating yung araw ng concert nandito ako sa isang upuan na pakiramdam ko ay isolated ako kasama ko ang kapatid kong alam ko ay fan ng SB19 inihatid lang ako dito ng boyfriend ko pero agad rin siyang umalis.

Inisip ko kung bakit pero sabi ng kapatid ko ay babalik din daw agad.

Nag Enjoy ako sa kaka dinig ng mga sigaw ng ilang fans pero mas nag enjoy ako sa mga boses na kay gandang naririnig ko nakakpanghinyang lang at hindi ko makita kong sinong kumakanta.

May kaparehas nga ng tinig ng kasintahan ko pero binalewala ko nalang ang naisip ko na yun pero mas nadagragdagan rin ang kutob ko dahil isa rin sa member nila ang kaparehas ng pangalan ng nobyo ko.

"AND FOR THE LAST SOLO PERFORMANCE HERES JUSTIN DE DIOS!"

Laking gulat ko tawagin ang pangalan ni Jah Hah? Siya mag peperform? Bakit?

"This song is dedicated to my girl Shane hindi mo man nakikita ang mukha ko pero ipaparamdam ko sayo na kompleto ka hindi ka kulang at mahal kita mahal na mahal"

Your the one who never lets me sleep~♪
To my mind down to my soul you touch my lips~♪

Naramdaman kong papalapit ng papalapit sa akin ang boses niya hangang sa kinuha niya ang kamay ko at inalalayan akong umakyat sa entablado.

Your love is like the sun that lights up my whole world~♪
I feel the warmth inside~♪

Tumutulo ang luha ko dahil sa saya hindi ko maintindihan lahat ng nang yayari ngayun.

Natapos ang kanta at niyakap niya ako sabay sabing...

"Youre Blind but I love you"

Sb19 One Shot StoriesWhere stories live. Discover now