Ay, Barbie

22 4 0
                                    


-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

“FRIAH!!”

Napatalon ako sa gulat nang may biglang sumigaw sa tenga ko. Naramdamam ko agad ang malagkit na inuming natapon sa maputi kong blouse.

Pinanlisikan ko agad ng mata ang taong may kagagawan ng kamalasang 'to.

“Bakit ka ba sumisigaw! Natapon tuloy yung Frapp ko!” Sambit ko habang pinupunasan ang kalat sa damit ko kahit na alam kong hindi ko na makukuha ang mantsa nito.

Umirap siya and pumitik. “Para ka kasing tanga, eh.” Umupo siya sa tapat ko.

“Tatlong beses na kitang tinawag kaso mukhang busy ka sa pag de-daydream mo d'yan kaya ginising lang kita sa reyalidad na hindi kayo magkakatuluyan ni Radge kailanman!” Tumawa siya na parang si Maleficent at hinampas pa ang balikat ko.

Napangiwi agad ako. “Ano ba! Tsaka pano mo nalaman na– Ay! Wala kang narinig, okay?!” Nanlaki ang mga mata ko.

Bat ba ako nadulas?!

Dahan dahang namuo ang pilyong ngiti sa kanyang mukha at dinuro ang mukha ko. “Kitams? Pati yung dila mo, binubuking ka! HAHA!”

Bumusangot ako at umirap. “Oh, edi sige na! Ini-imagine ko ang buhay mag-asawa namin ni Radgie-beybie ko, happy ka na?” Sarkastikang sagot ko.

“R-radgie-beybie? Langya, ang korni! HAHA!”

Ang sarap yata ng buhay ni Carol. Tawa lang ng tawa at walang problema sa buhay.

'Di gaya ko na pinro-problema kung paano ako lalapit kay Radge nito. Pano naman kase, nakautot ako ng malakas sa classroom noong nakaraang araw tapos sa harap niya pa!

Ni hindi na nakisama ang utot ko at nilabas pa ang nakaka hilakbot na baho niya kaya naiyak ako.

Nag absent ako kahapon dahil sa kahihiyan at may balak pa sanang umabsent muli ngayon kaso hinabol ako ng walis ni Mama sa buong bahay kaya ayun tuloy, pumasok ako.

Hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Radge!

Sumubsob ako sa lamesa ko impit na napasigaw sa inis. Ginulo ko ang buhok ko at napahilamos na lang sa mukha.

“Paano na ako ngayon? Huhu...”

Nang nahimasmasan na si Carol, pinatong niya ang kanyang kanang kamay sa ulo ko at nagsalita.

Kinukumpas kumpas ang mga braso na tila ay may binubugaw na langaw. “Kung hindi ka nautot sa klase malamang kayo na ni Ra-haaajs!” Hinampas ko siya.

Saktong natamaan sa ulo kaya kumpyansa akong naalog ko ang utak nito at titino na sa pag iisip!

“Tumigil ka nga! Para ka namang nagri-ritwal dito, eh!” Yung boses niya kase pakanta na parang may sinasambit na ritwal.

Baka akalain pa nilang nasapian ako ng kung ano pag may nakakita sa amin.

Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto and bumulaga sa mata ko ang tumatawang Radge Alejandro kasama ang mga tropa niya.

Shiz, nandito na siya!

Agad akong tumayo para sana magtago kaso napansin agad ako ni Ruben, isa sa mga ka-tropa ni Radge. Sumipol siya at dinuro ako.

“Pumasok na pala si Bomba, guys! HAHA, kumusta ang tiyan mo, Friah? Wala ka na bang... Diarrhea?”

“That rhymed, mah man! HAHA!”

Umusbong ang tawanan sa paligid galing sa mga kaklase kong hindi ko namalayang nandito na pala. Naramdaman ko ang init ng dugong bumubulusok sa mukha ko.

Lupa, kainin mo na ako, now na!!

“Hoy, tumahimik kayo, ha! Ma'am, bullying, oh!” Sumbong ni Carol sa babaeng kakapasok lang sa room.

Striktang binalingan ng tingin ni Ma'am sina Ruben at malakas na hinampas ang kanyang laging dalang meter stick sa teacher's table.

“Shut up everyone and settle down!” Dumagundong ang kanyang boses at nag echo sa apat na sulok ng room kaya agad kaming nataranta at umupo na.

“Good.”

Grabe. Nakakatakot talaga si Ma'am kapag gal– 'Di ko na natapos ang iniisip ko nang bigling dumilim ang paligid na nasundan naman ng mga nakakabinging tili ng mga babae– maliban sa akin.

Pati si Ma'am ang lakas ng sigaw. Ang aarte, brown-out lang naman yan!

Napatakip tuloy ako sa magkabilang tenga ko dahil kung hindi, pakiramdam ko mabibingi na yata ako sa mga maaarteng taong 'to!

Tumayo ako at pumalakpak ng todo sabay cheer nung biglang nagbalik ang liwanag sa paligid.

“Wooh! Bumalik na ang ilaw kaya tumigil na kayo sa pagiging biik~♪”

Kanta ko kaso may tumili na naman nang pagkalakas-lakas. Na sa lakas ay sunod sunod na nabasag ang mga bintana at mga bumbilya ngunit bago pa mawala ulit ang ilaw, naaninag ko sa Radge na mariing nakapikit at tumitili.

Kasabay ng pagkasira ng eardrums ko ay ang pagka windang ng buong sistema ko at nagpakawala ng sigaw.

“CRUSH KO?!!”

Narinig kong tumawa si Carol sa tabi ko.

“Ay, barbie ang labs mo, teh. HAHA!” Bulong niya na nagpawarak ng puso ko.


-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

One shotsWhere stories live. Discover now