-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-"TEKA LANG IRENE! Let me explain!" sambit ko habang hinahabol si Irene. Hinawakan ko ang braso nya at pwersadong pinaharap sa akin.
"What?! I saw it all, Nathan. You two... Kissing! What explaination would you still say?!" naluluhang wika nya at pinipilit na kumawala sa hawak ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na classmate ko lang si Lyca! Classmate lang!" saad ko habang pilit na pinipigilang makawala sa hawak ko.
"Yeah right! A mere classmate which you kissed!" sigaw nya sakin at tuluyang nakawala sa bisig ko. Tumalikod sya sakin at nag lakad palayo.
Hinabol ko siya at yinakap patalikod. "Irene naman oh, pag usapan natin to! Gumawa lang naman kami ng project eh!"
Humarap siya sakin at tinignan ako sa mata. Ang mukha niya'y basa sa luha, buhok ay sabog at ang suot niyang palamuti sa mukha ay nasira dahil sa nagka-karerang luha na lumalandas pababa sa kanyang leeg.
Hinaplos ko ang kanyang mukha, akmang papahiran na ang luha nang binalikwas niya ito.
"Project?" Pa- sarkastiko niyang sagot at tumawa. Ang kapaitan ay nadidinig da kanyang boses.
"So, it's called Project: Kiss, now? Unbelievable," pagpatuloy nya. Naka awang ang kanyang mapupulang mga labi at tinignan ako na tila ako na ang pinaka hangal na tao sa mundo.
"Irene–" Sasabihin ko na sanang hindi ko ginusto iyon. Na hindi ko siya niloko.
Na biglaan akong hinalikan ni Lyca habang gumagawa kami ng project.
Ngunit hindi ako napagbigyan ng tsansang ilathala ang katotohanan nang dumikit ang kanyang kamay sa aking mukha at ang dati'y tahimik na hallway, napalitan ng nakakangilong tunog ng sampal.
Na sa lakas, napatabingi ang ulo ko.
Napahawak kaagad ako sa namumulang pisngi habang sinasalubong ang matatalim niyang mata. Gusto nang kumawala ng mga luhang kanina ko pa hindi pinahihintulutang bumagsak.
"I really thought you were different, Nathan. I thought wrong," Sambit niya habang pinapalis ang mga galit na luhang kumawala sa hawla ng kanyang mga mata.
Tila ang oras ay bumagal, ang pusong durog ay tila bumagsak sa tanawin ng kanyang dismayado at galit na mukha.
Sa unti-unti niyang pagtalikod sa akin ay tila may itinarak na balisong sa aking dibdib, sa kanyang pagtalikod ay ang kanyang pagtalikod sa aming nakaraan, sa mga alaala, sa aming pag-iibigan. . .
Na nasira sabay ng pagkasira ng kanyang tiwala sa akin.
"HOY! RENEE, NATOY! BUMALIK NA KAYO RITO! KAYO NA RAW SABI NG MAGTU TULI!" Rinig kong sigaw ni Aling Bebang habang galit na humahakbang papalapit sa akin, ngunit wala na akong pake.
Gusto kong tumakbo at sundan siya, gusto ko siyang yakapin at patunayang wala talagang lokohan ang naganap ngunit tila napako ang mga paa ko sa semento habng tinatanaw ko ang likod niyang papalayo. . .
Papalayo hanggang naging isang tuldok at nawala.
"At ano naman ang iniiyak mo d'yan, aber?" Napatingala ako sa pinanggalingan ng boses, Si Aling Bebang pala.
Hindi ko siya pinansin at tinanaw muli si Irene, papasok sa kulay pulang tent na nilabasan ng mga batang kasing-edad ko.
Hinawakan ko ang aking pisngi nang maramdaman kong basa. Kumawala na pala ang mga taksil kong luha, kasabay ng kanyang pag iwan sa akin. . .
Sinundan niya ang aking tanaw at dinuro pa ito. "Oh, kita mo, mas nauna pa sayo si Renee! Natatakot ka sa tuli ha? " Tumawa siya inilabas ang cellphone tsaka ako kinuhanan ng litrato.
"Abaa! Ise send ko ito kay mare, anak niya takot matuli! Ha ha ha!"
. . . At sa puso kong sawi.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Thanks for reading!
YOU ARE READING
One shots
Randoma compilation of short stories i wrote. *Picture is from Pinterest. Credits to the rightful owner.*