Roleplay HeartBreak
WANTED RS! SINO GUSTO?
Dyan nagsisimula lahat.
Gaya namin nagsimula sa maghanap hanggang sa magtanungan through chat.
Ako: Hi
Siya: Hello :)
Ako: Nakahanap ka na ba ng kaRS?
Siya: ahmm.... di pa.. gusto ko sanang tayo na lang?
Ako: Sige ^_^
Siya: Really?? Thank you :*
Sabi nila for fun lang daw ang RS pero bakit ganun kung gaano kasaya ganun din ang kapalit na sakit. Sino naman ang mag-aakala na mahuhulog ako sa isang laro?
Naalala ko pa nun tuwing gigising ako sa umaga mga messages at post niya agad ang tinitignan sa wall ko dahilan para mabuo araw ko. Gabi-gabi mag-kausap kami, parang totoo ang lahat ng meron kami.
Inaamin ko naging masaya ako kahit alam kong darating ang panahon na matatapos ang laro na to.
Alam ko rin na ako lang ang masasaktan sa huli pero ano naman ngayo? Kung kapalit naman nito ang sandaling nakaramdam ako ng kasiyahan.
Hindi naman masamang maging masaya diba?
Parang nasanay ako na nandyan siya kasi araw-araw ko siyang hinahanap,inaabangan ang mga post at messages niya para sa akin.
Hanggang sa isang araw naramdaman kong parang kakaiba na ang nararamdaman ko towards him pero hinayaan ko lang. Inisip ko na lilipas din ang nararamdaman kong kakaiba para sa kanya.
Kahit ganun hindi ko parin mapigilang mahulog sa mga salita niya na alam kong para lang yun sa RP ko.
Bakit ang hirap pigilan mapamahal sa isang taong tulad niya na ubod ng kasweetan?
Di ko namalayan na unti-unti ko na siya minamahal.
Natatakot akong aminin sa kanya na mahal ko na siya. Natatakot kasi ako na mawala siya sa akin.
Para sa akin, okay na ang meron kami, hindi man totoo atleast masaya ako. Hanggang sa dumating ang punto na takot na akong maiwan,natatakot ako na baka masaktan ako kaya iniwasan ko siya.
Siya: baby /hug u/
Ako: bakit?
Siya: bakit ang cold mo iniiwasan mo ba ako?
Dahil sa tanong niya matagal ako nakareply dahil iniisip ko na sasabihin ko ba sa kanya na mahal ko siya at umiiwas ako sa kanya dahil dun. Pinangunahan ako ng takot kaya tanging reply ko sa kanya ay hindi
Kaso tuwing iniiwasan ko siya mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko at mas lalo ko siyang hinahanap.
Iniwasan ko siya hanggang sa napagod na siyang suyuin at lambingin ako. Ilang araw din na di kami nag-uusap at....
Mas nasaktan pa pala ako sa nabasa ko.
*post in a group in facebook*
Kyung*****
Post: 9:30 Dec. 8,2013
Wanted RS! Yung hindi magsasawa na mahalin ako !
*posted 4 minutes ago*
Naghanap agad siya ng bago at napalitan na niya ako. Ang tanga-tanga ko kasi, nasa akin na nga pinabayaan at pinakawalan ko pa, nilalambing na nga nag-iinarte pa.
Nasasaktan ako kasi nakikita kong masaya sila, kung ano man kami noon mas higit pa sila doon. Naging isa akong stalker na tinitignan ang mga post na dati para sa akin ngayon para na sa iba.
Mahigit na limang buwan at sila pa rin, di ko inakala na magtatagal sila ng ganun. Siguro lumaban ang babae at dahil minahal siya lalo ni *****.
Minsan iniisip ko...
Kung lumaban kaya ako at hindi ako sumuko? Masaya sana ako ngayon at sana hanggang ngayon kami parin.Edi sana di ako nasasaktan na makita ang picture ng OP nila na magkayakap at masaya ( OP means operator or ikaw talaga not the one that u roleplay).
Sa sobrang takot kong masaktan hindi ko napansin na tinapon ko na pala ang natatanging kasiyahan na meron ako.
In a last post tinag ko siya at binuhos lahat ng hinanakit ko.
Irene ***** ⇨ kyung*****
Post: 10:24 May 7 2013Miss na miss na kita baby . Its almost 6 months na di ako nagparamdam sayo. Hanggang kailan kaya ako iiyak at magsisisi na pinakawalan kita? Araw-araw akong nasasaktan tuwing nakikita kong may mahal kana na iba pero iniisip ko na kasalanan ko naman eh pinakawalan kita.
Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Sana ingatan mo ang bago mo wag mo siyang sasaktan kung sasaktan mo siya kukurutin kita hanggang sa matauhan ka hahah.
Pero kidding aside sana alagaan ka niya gaya ng ginawa ko nung tayo pa. Wag kang magsasawa na sabihin sa kanya na mahal mo siya.
Goodbye baby and im so thankful na nakilala kita at naparamdam mo sa akin paano magmahal. Thank you so much, i love you.
- PAALAM
*posted 1 minute ago*
Kaya simula noon di na ako nagroleplay. Pero isang araw na pilitan ako dahil sa pinsan kong makulit kaya bumalik ako sa pagroroleplay.
Ngayon im happy to be with my boyfriend almost 1 year na kami. Nakilala ko rin siya sa RPW lumaban ako sa relasyon namin kaya naging matatag kami. Niligawan niya ako OP to OP at kilala na rin siya nina mama ngayon.
Ang RPW ay isang napakalaking laro kapag di ka matutong lumaban at maglaro pwede kang bumagsak,matalo at masaktan. At ganun din sa totoong buhay matuto tayong lumaban at wag pakawalan ang taong mahal natin dahil lang sa takot tayong masakatan o maiwan. Kasi ikaw at ikaw lang din ang masasaktan sa huli.
*****
A/N: base on true event po yan, yung characters . Haha nakilala ko lang sila sa fb..
Nainspire ako sa nangyari sa kanila kaya gumawa ako ng one shot.Hope na appreciate niyo ang story na ginawa ko. ^^
Comment and vote ^^
BINABASA MO ANG
Roleplay HeartBreak (one shot)
Teen FictionRPW also known as Roleplay World kung saan tumatambay ang mga roleplayers or RP kung saan pwede mong iroleplay ang inidulo mong artist. Pwde kang makipagkaibigan at maghanap ng karelastionship o RS. May isang rule sa RPW ang di ko sinunod nung nagka...