14

114 2 0
                                    

"This is my friend Catherine Liu, siya 'yung sinasabi ko sa'yo kahapon. Ikaw na ang bahala kung saan mo siyang station iaasign" pormal akong pinakilala ni Jet sa Manager ng resto nila

Ngumiti ako sa manager kaya nang ibaling niya saakin ang paningin niya ay ngumiti rin ito saakin. Base sa itsura nito ay mukhang napaka propesyonal niya talaga sa trabaho niya at mukhang nasa 30's lang din ang edad niya

Inilahad niya saakin ang kamay niya kaya agad ko naman itong tinanggap at nakipag shake hands sakanya "Nice to meet you Catherine. I am Jude Espenosa, the assigned manager here in Blue Jack's Naga City branch" nakangiting pagpapakilala niya

"Pleasure to meet you too, Sir Jude" sabi ko

"Sir Jude ikaw nalang ang bahala dito sa friend ko ha?" sabi ni Jet kaya nilingon ko naman siya at napataas ng kilay "I need to go somewhere, hindi na kita masasamahan dito buong araw girl" sabi naman saakin ni Jet

"I'll just wait you Ms. Catherine at my office" napabaling ulit ang tingin k okay Sir Jude at ngumiti ito saakin "Take care Sir Jet" sabi niya naman kay Jet

Pareho lang kaming tumango ni Jet kay Sir Jude at saka kami nito tinalikuran upang pumunta sa opisina niya. Ibinalik ko ang paningin ko sa kaibigan at pinagkunotan ito ng noo

"Saan ka pupunta?" tanong ko

Napataas naman ng kilay si Jet "Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa lakad ko girl?" tanong niya at natatawa pa

Tinarayan ko naman siya "Akala ko naman dito ka lang ngayong buong araw" sabi ko

Napangiwi naman si Jet at mas lalo lamang natawa "At anong gagawin ko dito, aber? Manonood sa'yo maghapon habang nagtatrabaho ka? Duh girl?! Sana alam mo 'yung 'Me time and landi time'" maarteng pagkakasabi niya at hinawi pa nito ang imaginary long hair niya

"Sana all talaga madaming time lumandi 'no?" sarkastikong sabi ko sakanya

Natawa naman ulit siya at maarteng tinakpan pa ang bibig niya habang tumatawa "True ka d'yan bakla! Kaya kung may lumalandi na sa'yo, kumagat ka na! Lalo na kung Zade ang pangalan, hmmm yummy ror!" pang aasar niya kaya nawala naman ang ngiti sa labi ko at pinandilatan siya. Kahit ang totoo ay nang marinig ko lang ang pangalan ng lalaki ay hindi nanaman normal ang tibok ng puso ko

"Mas mabuti nga talaga kung umalis ka na. Hindi na maganda ang lumalabas sa bibig mo" sabi ko

"Oo na girl aalis na!" pasigaw na sabi niya naman saakin at maarteng inayos ang pagkakasabit ng Chanel bag niya sa braso niya "Pero pag isipan mo si Zade ha? Super yummy!" pahabol niya pa ngunit hindi pa man ako nakakapag protesta ay patakbo na siyang lumabas sa exit door ng resto

Napabuntong hininga nalamang ako at napailing sa kabaliwan ng kaibigan. Ng makaalis na nga si Jet ay saka naman ako pumunta sa opisina ni Sir Jude. May iilang workers rin dito sa resto na ngumingiti naman saakin. Napaisip ako na hindi ko nga pala alam kung saan ang opisina ni Sir Jude!

Nang inikot ko ang paningin ko ay saktong nakita ko ang isang lalaki na siguro'y hindi naman nalalayo ang edad saakin. Abala siya sa pag alis ng mga pinggan at baso sa lamesa na ginamit ng customer kanina. Unti unti akong lumapit sakanya at ng maramdaman niya ang presensya ko ay tumigil siya sa ginagawa at binalingan ako

Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata niya kasabay ng paglunok niya nang tumama ang mga mata namin. Dahil sa naging reaksyon niya ay malawak akong ngumiti. Pakiramdam ko'y natakot at nagulat siya sa biglaang paglapit ko sakanya

"Ahm.. Hi? Sorry kung naistorbo kita. Tatanong ko lang sana kung saan ang office ni Sir Jude?" nakangiting tanong ko sakanya

Ngunit hindi pa rin nagbabago ang reaksyon niya at nakatulala pa rin saakin. Nawala ang ngiti sa labi ko ng unti unti'y umaawang na ang bibig niya

Our Different Dimension (Accountancy Series #2)Where stories live. Discover now