03

156 5 0
                                    

Napamulat ang mga mata ko sa sunod sunod na katok na narinig ko galing sa pinto ng kwarto ko. Napakunot pa ang noo ko ng marinig ko ang boses ng Mommy ko

"Catherine! Xing lai!" sigaw ni Mommy

Chinese translation: Wake up! (to waken)

Kahit hindi ko pa naimumulat ng maayos ang mga mata ko ay bumangon ako sa higaan ko at saka binuksan ang pinto

Nakita ko ang matatalim na tingin saakin ni Mommy kaya napabuntong hininga nalamang ako

"Ano? Hihilata ka nalang buong araw?!" pasigaw na sabi saakin ni Mommy

"Mommy, napuyat po ako kakaaral kagabi" tamad na sabi ko

Napangisi naman saakin si Mommy na akala mo'y nagbibiro ako

"Nagpapakatalino ka diyan sa paaralan na 'yan, wala ka naman mapapala diyan! Yuchun!" sabi niya

Chinese translation: Stupid

Napakamot naman ako sa ulo ko "Mom, tungkol nanaman ba 'to sa Ateneo na 'yan? Ayoko—"

"Zhukou! Hindi ka kakain ngayong araw!"

Chinese translation: Shut up!

Napapikit nalamang ako sa sinabi ni Mommy. Oo, kaya niyang hindi ako pakainin ng isang araw o kahit mahigit pa. Kapag galit siya saakin hindi niya ako papakainin o hindi niya ako palalabasin ng bahay

Dahil doon ay maghapon lang din akong nagkulong sa kwarto ko. Hindi ako kumain ng kahit ano. Buti nalang at mayroon naman akong tubig dito sa kwarto ko. Noon ay iniiyakan ko kapag ganito ang ginagawa saakin ng mga magulang ko, pero ngayon? Natatawa nalang ako. Daig pa nila ang buang

Habang busy ako sa hahanap ng related resources sa ginagawa kong mini thesis ay biglang tumunog ang cellphone ko

Kinuha ko ang cellphone ko habang hindi inaalis ang paningin sa laptop ko. Nang mabuksan ko na ang cellphone ko gamit ang fingerprint ko ay doon ko binigyan ng atensyon ito

Napakunot ang noo ko ng mayroong nag notif saakin na "You have a new friend request!" sa facebook. Kapag ganito ang nag nonotif saakin ay hindi koi to tinitignan, ngunit ngayon ay bigla akong na curious. Gusto kong malaman kung sino ang taong iyon

Nang buksan ko ang facebook app ko ay doon ko nakita kung sino ang nag send saakin ng friend request

Zade Smith sent you a friend request

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Hindi ko ito inaaasahan. Sa dami daming humahanga at nagkakagusto kay Zade ay sigurado akong maraming nag a-add sakanya sa facebook. Pero saakin, ang isang Zade Smith na mismo ang nag send ng friend request!

Bago pa man ako nakapag desisyon kung iko-confirm ko pa iyon ay naisipan kong i-stalk muna ang account niya. Napataas ang kilay ko ng makita ang profile picture niya. Nakaupo siya sa damuhan habang hawak hawak ang gitara niya. Tipid lamang ang ngiti niya ngunit ang gwapo pa rin niyang tignan. Nililipad pa ang ilang hibla ng buhok niya na mas nagpaka cool sa itsura niya

Sa kulay ng buhok at kutis niya ay halatang may lahi nga siyang amerikano. Dahil nga kilala siya sa school ay marami na akong naririnig na tungkol sakanya. Halata naman na may lahi siya, sa apelyido niya palang

At, ang hindi niyo alam ay 3rd year college pa lamang siya. Yes, 3rd year college, nursing student.

Napakunot ang noo ko nang makita ang simple at isang word lang na bio niya sa facebook

Pure.

Hindi ko alam kung mayroo'ng special meaning o wala ang bio niya, pero nakuha nito ang atensyon ko. Nang tignan ko ang ilang pictures niya ay kakaunti lamang iyon. Bilang lang sa kamay, ang iba pa ay mga picture lang ng dagat

Our Different Dimension (Accountancy Series #2)Where stories live. Discover now