Chapter 07

19 6 0
                                    

Chapter 07

Pagkarating ng umaga ay niyaya ko agad si Astarielle na umuwi. Noong una ay ayaw niya pa dahil gusto niya pa raw maligo kasama ako at mamayang hapon pa naman daw ang pag-check out ng hotel pero sinabi ko sa kaniyang may importante akong pupuntahan.

Alam kong nagtatampo siya pero wala akong pakialam, mamatay siya kakatampo riyan!

Hanggang ngayon ay hindi ako makatingin nang deretso sa kaniya dahil sa nangyari kagabi.

“Where were you last night? Hinanap kita kagabi pero hindi kita makita,” sabi niya habang nasa biyahe kami pauwi.

Kanina niya pa 'yan tinatanong pero nag-iiba ako ng topic. Malapit naman na rin kami sa mansion nila. Nagpapasalamat na lang ako at hindi niya in-oopen ang nangyari kagabi.

Hindi ko na naman siya sinagot dahil nakikipag-away ako sa utak ko. Pupuntahan ko ba siya? O hahayaan na lang? Kapag pumunta ako, baka mahirapan lang rin akong umalis. Pero kapag hindi ako pumunta, babaliwin niya na naman ako kakaisip sa kaniya. Damn!

Napapreno ako ng biglaan nang may humawak sa kamay ko.

“Ouch!” Napatingin ako kay Astarielle nang mauntog siya dahil sa biglaang pagkakapreno ko.

“Shit! Are you okay? Damn, sorry!” aligagang sabi ko saka hinawakan ang mukha niya at tinignan kung may sugat ba ang ulo niya.

Napatigil ako nang mapatitig ako sa mukha niya, pero agad ko rin siyang binitawan.

“I think you should call your driver na lang, magpasundo ka na lang since malapit naman na tayo sa mansion niyo,” sabi ko.

“Hey, are you okay? Do you want me to drive na lang since you looked tired?” tanong niya.

“No, just call your driver to drive you home,” sagot ko habang nakahawak sa sintido ko at nakapikit.

Mabuti na lang at sinunod niya ang sinabi ko.


After 5 minutes, her driver just arrived, so she said her goodbye to me. She kissed my cheek before she went outside.

Nang masigurado kong nakaalis na sila, agad kong iniliko ang sasakyan ko.

Kung hindi ko 'to gagawin, lalo ko lang mababaliw ang sarili ko. I know this is hundred percent wrong but I don't care. I feel like my life is miserable right now!

Pagdating ko sa dagat ay tulad ng nakasanayan, tahimik at payapa ang paligid. Pero hindi 'yon naging sapat para maikalma ko ang sarili ko.

Agad kong inilabas ang sasakyang pandagat ko at dumiretso sa kubo. Pagdating ko do'n ay tahimik ang paligid, mukhang wala siya.

Pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang mga corals na nakuha namin ni Celeste noong huli kaming sumisid. Napalingon ako nang marinig kong humampas ang tubig. Paglabas ko ay nakita ko siya roon, lumiwanag ang mukha niya nang makita ako.

“Iori!” Mabilis siyang lumapit sa kubo kaya umupo ako sa gilid saka umupo siya sa tabi ko.

“Pasensya na at ngayon lang ako nakarating,” bungad ko sa kaniya.

Ngumiti siya, “Ano ka ba? Sabi ko sa 'yo, ayos lamang 'yon sa akin. Naiintindihan kong limitado ang inyong oras.”

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ko alam kung bakit pero parang naririnig ko ang tibok ng puso ko dahil sa bilis nito.

Tumikhim ako para mabasag ang katahimikan.

“G-gusto mo bang turuan ulit kita ng ibang salita sa amin?” tanong ko. Parang hindi ko maramdaman ang kamay ko na nakapatong sa sahig dahil nagmamanhid ang mga ito.

Ocean's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon