CHAPTER TWENTY-THREE

5 0 0
                                    

Alex's POV.

"Anong nangyari? B-bakit ganon? Ganon na lang ba yon?" Kasabay ng pagbagsak ng luha ko ang muling paglakas ng ulan.

"Alex! Ano ba! Pumasok kana nga umuulan na!" Inis na tugon nya.

"Hindi, hindi ako aalis sa harap mo kung di mo sasabihin ang totoo. Bakit ganon? Ambilis naman ata...."

"Alex, please don't do this to your self, be hap—"

"How can I be happy? H-how can I be fucking happy, when my happiness is leaving me, huh? How?!" Sigaw ko sa kanya. Nakakagago!

"Look, listen, You don't deserve me—"

"And she deserves the whole you? Ganon ba?" I chuckle even though the tears are still on me.

"I-I still love her..." He whispher.

I nod and smiled bitterly.

"I only see you as my playma—"

I slapped him, hard! "Huh? You only see me as your fucking playmate? After—huh! After fucking me? After taking my virginity? You only see me as your playmate? Damn you Axcel James! Damn you!" I scream out of anger.

Playmate? Putangina! Laro lang sa kanya lahat? Ang sakit, ang sakit na, sobra! Pero walang mapaglagyan yung galit ko dahil sa narinig ko.

"Kinginang yan, naglalaro ka lang pala. Sana sinabe mo, edi sana nag ready ako." I sarcastically said.

"Sorry..."

"Sorry for? Making me broke in to peices? Sorry for, all your lies about how damn you're inlove with me? Sorry for  taking my virginity and says that I was just your fucking playmate?!!"

"Hindi kona kaya alex, sorry," pagkatapos ng mga katagang iyon ay tinalikuran niya na ako.

Hinayaan ko siyang maglakad patungo sa kotse niya at hinintay na makaalis ito.

Pagkaalis niya ay kusa ng bumagsak na akong napaupo sa parking lot. Lumalakas pa lalo ang ulan at nababasa na rin ako kahit na may bubong dito sa pwesto ko. Hindi ko inalintana ang ulan at dahan dahan kong niyakap ang sarili.

Halos nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha na pauliy ulit na bumabagsak mula sa mata ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari, bakit ang dali para sa kanyang itapon lahat?

"Ma'am, Ayos lang po ba kayo?" Hindi ko namalayan na lumapit na pala sakin ang guard ng condo.

Marahan akong tumayo, pinahid ang mga luha at ngumiti kay kuya.

"U-una na po a-ako." Hirap akong magsalita dahil sa pilit kong umakto ng normal sa harap niya.

"Sigurado po ba kayo?"

Marahan akong tumango sa kanya at pilit na inayos ang sarili ko.

Wala sa sarili akong naglakad pabalik sa unit ko. Hindi kona iniinda ang sakit ng pag kalaglag ko sa hagdan at pagka dulas ko. Mas nangingibabaw ang sakit sa puso ko.

'Bakit? Bakit ganon?'

Nag tuloy ako sa loob at dumiretso sa cr.

Pinilit kong maglinis ng sarili dahil sa dumi ko sa katawan dahil na rin nabasa ako ng ulan.

Walang tigil sa pag luha ang mga mata ko. Pilit kong kinakalma yung sarili ko.

"Axcel..." Mahinang usal ko dahil sa sakit na dinadamdam ko.

Good PlayerWhere stories live. Discover now