CHAPTER TWEENTY

5 0 0
                                    

Alex's POV.

Ilang araw na ang lumipas matapos ang gabi na may nangyari samin ni Axcel. Hindi ko pinag sisihan ang ginawa ko dahil mahal ko siya, kahit na hindi na ako sigurado kung ako parin ba. Nag mamadali akong kumilos sa araw na 'to para makapasok ng maaga. Naalala ko ay may quiz kami kay Ms. Abuan.

"Look who's here." Pag kapasok na pag kapasok ko palang sa campus ay ang nakakairitang boses na ni Yvonne ang narinig ko, kainis!

Wala na sana akong balak pansinin siya dahil maganda ang mood ko dahil sa date namin ni Axcel last night. But she suddenly grab my left arm.

"Did he taste you already?" Seryosong tanong niya. Hindi ko maiwasang hindi mag taka sa tanong niya. How did she know?

"What?"

"Bakit ayaw siyang ibalik sak—"

"Because he is mine." I cut her off and take back my arm to her.

"He's not yours, He. Is. Mine!!"

"But, that was before Yvonne, you left him, don't you remember it?" I sarcastically said.

"B-but that w-was for our future!"

"Future? Or para sayo? You know what, you should stop dreaming about having him again. Because I won't let him go kahit na ano pang gawin mo." Im ready to turn my back to her but she grab me again.

"Im still the queen Alexxandria, I'll make your life a living hell. Im telling you!" Madiin niyang sabi.

"Well, live your evil attitude to hell because that's where you belong. Queen of the damn." I smirk and start walking.

Hindi ko binigay ang sarili ko kay Axcel para pakawalan at mapunta ulit sa kanya. Ngayon pa na nag paplano na kaming magpakasal?

Naisip namin na pagka graduate namin ay don lang kami magpapakasal. Ilang b'wan pa ang meron kami para sa preparasyon. I even meet his parents, and I'm lucky that it's fine with them.

Hindi pa ako nakakalampas ng gym ay nakita ko si Janine sa di kalayuan. Pagka tapos nung hapon na yon ay hindi kami nag pansinan. Alam kong gusto niya akong kausapin, ako lang 'tong lumalayo. Hindi ako galit sa kanya, pero ewan ko. Siguro eto na ang tamang oras para pakinggan siya.
I exhale a large amount of air before I go to her.

"A-alex..." She whispered.

"If you wan't to explain, I'll let you. If you don't want to, it's fine with me though."

"No, no, no! I'll explain e-everything." She sounded nervous.

Everything? What does she mean?

Naupo ako sa isang bench na meron sa gym namin. Pinili ko yung sa hindi kami makikita agad.

"Y-yvonne is my c-cousin. T-the—"

"Wag kang mautal, hindi ako galit."

"Sorry. Matagal naging sila. Hindi ako sigurado pero alam kong umabot sila ng ilang taon... M-mahal na mahal nila ang isa't isa bago dumating si Andrei..."

"Who's that Andrei?" I cut her just to ask, who's that.

"Si Andrei ay ex ni Yvonne bago pa maging sila ni Axcel. Nagkaroon ulit sila ng relasyon dalawa habang sila ni Axcel. Yes she cheat. Her reason is for her future. Anak sa labas si Yvonne kaya hindi siya matanggap ng pamilya namin, noon. Sumama siya kay Andrei para gumanda ang buhay niya."

"Bakit iniwan niya si Axcel? Kaya naman siyang buhayin non ha?" Singit ko ulit.

"Ayaw niya, dahil mahal niya si Axcel ayaw niyang isipin nito na pine-perahan niya ito, kaya mas pinili niyang sumama kay Andrei."

"Bakit pa siya bumalik?"

"To get Axcel's back."

Asa siya!

Hindi na ako kumibo at nag paalam na kay Janine na mauuna na sa classroom. Ilang minuto lang ay sumunod na siya ay saktong dating ni Ms. Abuan ay agad kaming nag quiz. Si Axcel ay busy sa pag oorganize ng program na gaganapin bukas.

Mabilis na natapos ang oras ni Ms. Abuan at second subject na. Ganun parin ang nangyari hanggang sa mag break time na. I decided to go first sa council's office para ayain si Axcel. Habang papunta ron ay pinag titinginan ako ng mga kapwa kong studyante. Hindi ko na pinansin at mas binilisan pa ang lakad dahil gusto ko ng makita si Axcel.

Ngunit hindi ko inasahan ang makikita ko ron. Si Axcel at Yvonne nasa gitna ng room magkahalikan. Hindi agad ako nakagalaw kahit na gusto kong igalaw ang katawan ko para tumalikod sa kanila ay 'di ko agad nagawa. Nang bumagsak ang luhang kanina pa nag uunahan sa mga mata ko ay doon lamang ako nahimasmasan. Agad akong tumalikod sa kanila at patakbo na lumayo sa council's office.

Ang sakit, ang sakit sakit. Parang sinaksak ng isang daang libong karayom ang puso ko.

Axcel....

Akala koba, m-mahal mo a-ako?

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang tumatakbo palayo, hindi ko alam san ako makakarating basta gusto kong lumayo.

Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng gym, kung saan ko nalaman ang lahat. Mas lalo akong nasaktan ng maalala ang mga naganap sa lugar na ito.

"Ahhhhh! Damn you Axcel! Damn you! W-why you did this to me?! Whhhy!!!" I scream as loud as I can. Walang mapaglagyan ang sakit na nasa loob ko. Mahal ko si Axcel pero ang sakit. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba.

Kailangan kong kayanin, naniniwala akong, ako ang mahal niya.

Muling lumandas ang luha saking mga mata at dahang dahang napaupo sa damuhan. Hindi ko alam kung paano ko haharapin to. Ang sakit.

"A-axcel..." Halos mabingi ako dahil wala akong ibang naririnig kundi ang pag iyak ko lamang.

Nagpasya na akong umuwe dahil hindi ko ata kakayanin kung makikita ko pa si Axcel. Gusto kong ipahinga ang sarili ko, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

Kinuha ko ang cellphone ko ay idinial ang number sa bahay para magpasundo kay manong. Ilang minuto pa akong nag hintay sa garden bago dumating si manong. Pilit kong tinatatagan ang sarili ko dahil ayoko ng umiyak.

Hindi na kami hinarang ng guard at nag tuloy tuloy ang byahe pauwi sa amin.

Ilang tawag at text ang nareceive ko mula kay Janine at Axcel ganun na rin sa iba kong ka blockmates. Ngunit kahit isa sa mga yon ay wala akong balak na replyan.

Pagkarating sa bahay ay agad akong bumaba ng sasakyan at hinanap si manang.

"Kapag may tumawag o kaya naman ay nag hanap sakin paki sabi na wala ako dito. Salamat manang." Diretsong sabi ko sa kanya.

"Iha, ayos ka lamang ba?" Nag aalalang tanong niya. Ito ang iniiwasan ko dahil sa twing di ako okey at tinanong ako ng ganito ay lalo lamang akong naiiyak.

Agad na namuo ang mga luha sa 'king mata, kaya't dali dali akong tumalikod at umakyat sa kwarto.

Ibinuhos ko ang lahat ng sakit na kanina pa gustong kumawala sa unan ko. Hinayaan kong mapagod ang sarili ko sa pag iyak at mag kusang makatulog.

Good PlayerWhere stories live. Discover now