Till Death (A one shot story)

15 2 0
                                    

A/N: Ito na ang ikalawa kong one shot story at posibleng mayroon pa rin na mga errors kayong makikíta. Kung isa ka sa magbabása nito, maraming salamat sa inyong suporta. Mahalaga ka araw-araw at mahal ko kayo palagi!

Hanggang saan ka dadalhin ng tinatawag mong pagmamahal?

Ito na ang pinakahihintay kong araw na kung saan maaaring magbigay ng pagbabago ng buhay naming dalawa. Ang araw na hindi ko aakalaing darating dahil sa hirap na aming pinagdaanan. Inihanda ko na ang bulaklak at singsing na aking ibibigay sa kanya habang inaayos ang kwelyo ng suot kong polo.

“Kinabahan ako, pero kailangan kong lakasan ang aking loob. Kaya ko ito, kaya ko ito!”, pangungumbinsi ko sa aking sarili habang binabagtas ang daan papunta sa bahay ni Chloe, ng nobya ko.

Hindi ko maiwasan na ako’y mapraning dahil unang beses ko itong gagawin. Mga luha sa aking mata ay nagbabadyang magpatakan dalá ng labis na takot sa maaaring kahinatnan.

Natatanaw ko na ang kanilang bahay at napansin kong maraming tao ang nandoon pero hindi ko na lamang pinagtuunan pa ng atensyon. Itinabi ko ang sasakyan at ilang beses munang huminga ng malalim bago tuluyang bumaba. Nanginginig man ang aking mga paa ay pinilit ko pa rin na humakbang kahit pa ito rin ay nanghihina. Sa bawat hakbang na aking ginagawa ay binabalikan ko sa aking isipan ang mga karanasan na magkasama namin na pinagdaanan. Lahat. Masaya man, masakit o malungkot. Lahat.

Nakarating na ako sa kanilang bahay na hindi ko namamalayan at kíta ko ang tingin ng mga tao sa akin pero mas minabuti kong huwag na lamang din itong pagtuunan pa ng atensyon. Mas nanaig sa akin ang kagustuhan na makita ang aking nobya kaysa ang magsayáng ng oras sa kanila.

"Oh, nandiyan ka pala Bryle, ngayon ka lang ulit napabisita rito sa amin. Noong isang araw ka pa niya hinihintay”, ani ng nanay ni Chloe.

"Oo nga po eh, pasensya na po at marami lang akong iniisip nitong mga nakaraang araw. Nasaan nga po pala siya ngayon? Akin siyang sosorpresahin”, tanong ko sa kaya na mahahalata ang pagkasabik sa aking boses.

“Nasa may sála siya Bryle, tara samahan na kitá at siguradong matutuwa iyon na bumisita ka”, nakangiting usal niya at naunang maglakad papunta sa kinaroroonan ng girlfriend ko.

“Chloe nandito si Bryle, gusto ka kumustahin at makausap”, ani ni Tita nang makarating kami sa sala.

“Ah Tita, may gusto lang po sana akong sabihin kay Chloe at baka kapag pinalipas ko ang pagkakataon na ito ay baka hindi na ulit ako magkaroon pa ng lakas ng loob na isatinig ito.” Pagpigil ko sa mga sasabihin pa niya dahil alam kong anumang oras ay hindi ko na alam ang aking gagawin.

“Ganoon ba iho? Sige, akin din munang sasabihan ang mga bisita na lumabas saglit para masabi mo ng ayos ang mga gusto mong sabihin sa anak ko.”

“Dito na lang po kayo Tita, huwag niyo na rin po sila palabasin. Nais ko po na maging saksi kayo sa mga sasabihin ko sa anak niyo.” Mabilis na usal ko ng akmang lalabas na sila sa sála.

Ngumiti na lang ang nanay ni Chloe, hudyat na dapat na akong magsimula sa mga sasabihin ko.

“Chloe, my life, my baby, my love, and my future wife”, panimula ko at bigla na lamang akong natawá dahil alam ko na kung maririnig niya ito ay kaniyang sasabihin kung gaano ako ka-corny. “Alam kong marami na tayong pinagdaanan, laban na magkasama natin na naipanalo. Mga muntikan ng pagsuko, sakit na nagbigay sa atin ng dahilan upang mas maging matatag. Mga pangyayaring tila naglagay sa atin parehas sa desisyon na maghiwalay na lamang. Pero tingnan mo ngayon, magkasáma pa rin tayo. Hindi mo alam kung gaano nagbago ang buhay ko simula ng dumating ka, binago mo ako. Ginawa mo akong mabuting tao. Binigyan mo ng liwanag ang buhay kong akala ko noon ay mananatili na lamang sa dilim.” Lumuluhang usal ko dahil aking naalala ang mga panahon na sobrang saya naming dalawa.

Till DeathWhere stories live. Discover now