CHAPTER 50

1.3K 198 20
                                    

Frances' POV


Nag-ayos na ako ng aking sarili para sa meeting mamaya. Siya dapat ang makikipag meeting but guess what, nandun nanaman siya sa mga babae niya.




*Flashback*


"Make sure na magtatagumpay yung investment mo ha, dahil kung hindi, isusumbong kita sa daddy mo." He said at unti-unti akong hinalikan.


"Kiel, stop." I calmly said. Agad naman niya akong itinulak dahilan para mapaupo ako.


"Asawa kita, may karapatan ako sa ayaw at sa gusto mo. Bakit ba hanggang ngayon hindi mo parin ako natututunan mahalin!" Sigaw niya naman at agad na lumabas ng kwarto namin. Ilang minuto pa ay narinig ko ang pagstart ng sasakyan niya. Hindi ko na napigilan ang luha ko ng marealized kong sinaktan niya nanaman ako. Ganyan siya kapag hindi niya nakukuha yung gusto niya, sinasaktan niya ako.



Ilang minuto rin akong nagstay sa kwarto at nakatulala bago pa ako naligo at naghanda para sa meeting.



*End of Flashback*




Bumaba na ako at sumakay sa mini cooper ko, eto parin yung binigay na sasakyan sakin ng parents ko at ni Jaydee, buti nga hindi nila naisipang ibenta nung nangangailangan ng pera ang magulang ko eh. Hindi naman kami nagpunta sa ibang bansa, lumipat lang kami sa ibang lugar para hindi kami mahanap ni Jaydee at Gabo.




Nakarating na ako ng Building ng mga Garcia's. Malakas ang pakiramdam ko na magkikita ulit kami pagkatapos ng apat na taon.


Sumakay na ako sa elevator at bumaba sa floor na ibinigay saakin nung nakausap ko about sa meeting.


"I have a meeting with the owner of the company today." Saad ko naman doon sa babaeng nasa labas ng room.


"You must be Mrs. Hernandez." Saad niya naman at tumango nalang ako.


"Please wait, Mrs. Hernandez. I'll just tell my boss na nandyan na kayo." Saad naman nung babae ay pumasok na sa opisina. Hindi siya ganun katangkad pero maganda ito. I bet, secretary siya ng boss.


"You may come in." Saad naman nito pagkalabas niya sa office nung boss.


Pumasok na ako at hindi nga ako nagkamali, siya na nga ang nagpapatakbo ng company nila. She looks so successful.


"Have a seat." Walang ganang saad nito at tumingin saakin saglit pero agad na nagbalik ng tingin sa computer niya. Ang dami kong gustong sabihin, marami akong gustong iexplain pero natatakot ako na baka hindi niya ako maintindihan.


"Jaydee-- It's been so long--" Panimula ko naman pero agad niya itong pinutol.


"Let's talk about the bussiness. Saang branch mo gustong mag-invest?" Saad naman niya.


"Sa Moa gusto ng asawa ko." I said-- nakita ko naman na medyo nagulat ito ng marinig niya yung sinabi ko.


"Fine, sign all the papers and we're done." Saad niya naman at tumayo na-- kumuha ito ng tubig sa ref niya while ako ay pumipirma na sa mga papers. Agad ko namang inabot sakanya matapos kong pirmahan.


"We're done." She said at tumayo na.


"You can now leave--" Dagdag pa nito. Paano kung ayaw kong umalis Jaydee at gusto pa kitang kausapin?


"Pero Jaydee, can we talk--" Hindi niya nanaman pinatapos ang sasabihin ko.


"I still have a bussiness meeting on China, I need to leave now. Umalis ka kung kelan mo gustong umalis." Saad niya naman, agad ko itong nilapitan at hinawakan sa wrist pero inalis niya rin yun agad.


FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now