CHAPTER 63

1.3K 157 5
                                    

Jaydee's POV


"Thank you for that wonderful performance, LANY!! More songs will be performed later but before that let us hear some messages from Jaydee's Ate's, Ms. Sela, Ms Abby, Ms. Brei and Ms. Lara." Saad naman ni ate Sheki at sabay na lumakad ang apat papalapit saamin.


"Paano ba namin 'to sisimulan?" Natatawang tanong naman ni ate Abby.


"Jaydee, mula bata palang kayo ni Gabrielle, kilalang kilala ko na kayo. Parang noon lang ang liit liit mo pa, well ngayon medyo lumaki ka naman." Ate Sela joked at nagtawanan naman sila. "De joke lang, noon ang liit mo pa pero ngayon kinasal kana." Dagdag pa ni Ate Sela.


"Si Brei rin naman 'di lumaki pero kinasal na sila ni Lara." Biro naman ni Ate Abby at agad naman siyang nakatanggap ng hampas mula kay ate Brei.


"Lakas ng trip ni Abby, wag mong gayahin yan Jaydee." Ate Brei joked "Pero ayun, kaming dalawa ni Lara sobrang happy kami for the both of you kasi who would've thought na after 3 years of being apart kayo parin ang magkakatuluyan." Saad naman ni Ate Brei.


"I know that was hard." Dagdag naman ni Ate Lara. "As you all know guys, Jaydee and I had a deep talk nung kakabalik palang ni Frances and I'm so happy na sinunod mo kung ano ang gusto ng puso mo." Saad naman ni Ate Lara.


"Married life may be a hard one pero palagi lang kayong magkaroon ng communication. Pag may misunderstanding kayo, pag-usapan niyo agad at wag niyo ng patagalin. Lagi lang kaming nandito sa tabi niyo as your ates, mahal namin kayong dalawa!" Saad naman ni Ate Abby at isa-isa na silang bumeso saamin.


"Thank you for that wonderful message! Now let's hear from 3 of Jaydee's closest friends since they were in highschool. Gabb, Laney and Amy." Pagpapakilala naman ng MC sa tatlong tukmol kong kaibigan.


"Nagpatali kana, paano pa tayo mambababae niyan at magbabar?" Bungad na biro naman ni Gabo.


"Ate Ella oh!" Sigaw naman ni Frances sa ate niya at agad naman nitong sinamaan ng tingin si Gabo.


"Joke lang eh hehe. De congrats talaga sainyong dalawa, hindi namin akalain na kayo rin pala ang magkakatuluyan." Saad naman ni Gabo.


"Oo nga, matinik kasi 'tong si Jaydee eh. Hindi mo aakalain na yung first girlfriend niya mismo ang magiging asawa niya." Saad naman ni Amanda. "Nukss first love never dies yan? Joke pero nandito lang kami sa likod niyong dalawa palagi." Dagdag pa nito.


"Oo nga kahit dalawa likod ni Jaydee." Biro naman ng kupal na si Laney hahahahaha kahit kelan talaga. "Joke lang, sama agad ng tingin mo Jaydee hahaha. Hay nako Frances inagaw mo na yung katandem ko sa sayawan pero sige okay lang basta ikaw hahahaha." Biro pa ulit ni Laney at tinawanan naman siya ni Frances.


"Ayown lang love lots, mahal namin kayong dalawa. Lagi lang kaming nandito para sainyo, gawa na rin kayo ng inaanak namin at sana kamukha ni Frances." Saad naman ni Gabo kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Ayaw mo ba na maging kasing pogi ko? Yawa ka Gabrielle bumalik ka na nga sa pwesto mo." Biro ko naman sakanya, nagpeace sign nalang ito at bumalik na silang tatlo sa upuan nila hahaha.


"Thank you for that wonderful message, now for the last one, the lovely sister of Frances. Ms. Ella Pinlac." Saad naman ni Ate Sheki.


"Wooohhh grabe ang bilis, ikinasal na ang bunso namin, naunahan pa niya ako na ate niya hahaha." Bungad naman ni ate Ella at nagtawanan naman sila


"Gusto mo sunod na tayo sakanila eh!" Sigaw naman ni Gabo at nagtilian naman ang mga audience hahaha ang cute eh.


"Next year nalang Gabrielle, wag ka dyan, mambabae ka muna." Saad naman ni Ate Ella at mas lalo naman silang nagtawanan.


"Mambabae kana Gabo hahahahaha teluk mo kasi eh." Asar ko naman sakanya at nagpout lang ito kay ate Ella.


"Pero ayun nga, you two enjoy being married muna bago kayo mag-anak hehe. Lagi lang akong nandito para sainyong dalawa. Always put God on the Center of your married life. Frances, bawas-bawasan mo na ang pagiging selosa at pagiging sadista kay Jaydee, baka magsawa sayo yan, ikaw din." Saad naman ni ate Ella, tinanguan nalang siya ni Frances.


"Ayun lang, mahal na mahal ko kayong dalawa." Saad naman ni Ate Ella at bumeso pa saamin.


"Ingatan mo ang kapatid ko ha." Bulong naman niya saakin bago tuluyang bumalik sa pwesto nito.


Kinuha na namin ang mic sa Mc.


"Guys, thank you for coming lalo na't hindi kami sa Pilipinas kinasal. We truly appreciate each one of you. Our Families and Friends." Saad naman ni Frances.


"Let's enjoy the rest of the night, let's eat and drink!" Saad ko naman at dinala na ang mga foods sa kada table. Tinuloy na rin ng LANY ang pagtugtog habang kami ay kumakain.



------------------------------






































































Good evening

FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now