Chapter Two: Dark Helmet

8 0 0
                                    


​"O Darci. " Si Christoph nang sinagot niya ang cellphone.

Tinatawag niya si Kapitan sa palayaw kapag sila lang ang nag-uusap.

​"Christoph, nasaan ka?" aning Darci.

Dinaanan daw siya nito sa quarters niya pero walang sumasagot sa katok nito.

​Off niya noon kaya nagdesisyon siyang maagang pumunta sa bayan para patingnan ang cellphone niya.

​"Saglit lang ako dito." Aniya nang malamang magpapasama sana ang kaibigan.

Napansin niya kasing tila palaging mabilis na nadidiskarga ang baterya ng cellphone niya kaya hinintay niya talaga ang off niyang iyon.

Napakalayo kasi ng city proper sa kampo.

​"Okay. Hindi naman ako nagmamadali. Daan ka nalang sa bahay." Si Darci nang malamang importante ang dinayo niya doon.

​Sandali niyang tinitigan ang cellphone niya.

It was sleek and slim.

Magaan din sa kamay.

Kabibili lang niya sa latest na model ng sikat at mamahaling brand ng cellphone na iyon. 

Kahit medyo mahal, alam niyang tumatagal dahil subok na. Wala siyang naging problema dati.

Kaya babalikan niya ang tindahang nagbenta sa kanya.

​Nagulat siya nang biglang may humablot ng T-shirt niya mula sa likod.

​Napalingon siya at nakita ang isang lalaking naka-leather motorcycle jacket at pantalon na itim.

At may suot na helmet din na pangmotorsiklo na madilim ang tint ng nakababang visor kaya hindi niya aninag ang itsura.

​Sa sobrang gulat at lakas ng paghatak nito sa kanya ay muntik na siyang mawalan ng balanse at mabitiwan ang cellphone niyang hawak.

Kaya naman natulala siyang napatingin lang dito.

​Lalo siyang nagulat nang biglang hinablot ng naka-helmet na lalaki ang cellphone niya.

​Doon niya napagtantong snatcher ito.

​Nakita siguro nitong mamahalin at nakalantad ang hawak niya kaya nagtangka.

​'Malas mo. Pulis ang napili mong biktimahin ngayon.'

​"Walang hiya!"

Naibulalas niya at hinuli ang kamay nitong humablot sa cellphone niya.

​Hindi niya napigilang manggigil at higpitan ang hawak sa lalaki kaya muntik na nitong nabitiwan ang cellphone niya dahil sa sakit. 

'Kapal nito. In broad daylight and in public, he made his attempt to do crime!'

Binawi niya kaagad ang cellphone niya.

​Pero laking gulat niya nang hinead butt siya ng lalaki gamit ang matigas na helmet nito.

​Hindi niya inaasahan iyon.

​At sa sobrang lakas ng tama, parang nahilo siya.

Naramdaman nalang niyang may tumulong dugo sa noo niya.

Otomatiko niya iyong pinunasan ng kamay.

​Doon niya napansing gusto muling kunin ng  lalaki ang cellphone niya.

​Hindi niya ininda ang sakit na naramdaman sa noo at agad ibinulsa ang cellphone niya para tuluyang magapi na ang lalaki.

This time Christoph was serious to apprehend the criminal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Honestly, she was NOT my TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon