Chapter One: Getting on my Nerves

20 0 0
                                    



​"Ano ba itong kapitbahay na'to?!" si Christoph nang napatingin siya sa orasan sa silid niya.

"10:30 na ng gabi a."

Napakalakas pa din kasi ng tunog na nagmumula sa isa sa mga bintana sa likod na building na halos katapat ng silid niya sa Officer's quarters.

​Bilang isang commissioned officer sa Philippine National Police at miyembro ng elite group na Agapay, si Lieutenant Christoph Agbayani ay may sariling bachelor's pad sa building na iyon.

​Buti na lang at tinatapos pa niya ang presentation niya para sa report niya bukas kundi ay iinit ang ulo niya.

​Napaisip tuloy siya kung ano ang pinapanood nito.

Tagalog.

"Pelikula?" pero may narinig siyang kumakanta ng isang theme song ng popular na anime noon.

​'Comedy show?' dahil may mga tumatawa din.

​Tinuloy niya ang pagtipa sa keyboard niya nang narinig ang isang pamilyar na tinig.

'Si Aga Muhlach ba iyon?'

​Tapos ito ay nagsasalita na parang may deperensya at may kausap na batang babae.

​"Ah! Iyong in-adapt nilang pelikula na Korean at napalabas sa Metro Manila Film Fest dati."

Nangiti niyang sabi. ​

​Nakita niya ang trailer nito noon nang nanood siya ng sikat na movie series na Sci-Fi sa sinehan.

Sumikat ang tagalog movie na iyon at madaming nagandahan pero hindi niya magawang panoorin dahil alam niyang malungkot ang istorya.

He knew that it was about an injustice.

Corruption.

Mga bagay na kinakaharap niya araw-araw at pinaglalabanan.

Kaya nga siya nanonood ng mga pelikula para makalimutan ang realidad kahit sandali lang.
Naalala niya ang mga binabad niyang damit kanina.

Baka mamuti ang mga iyon sa bleach na ginamit kaya nilabas niya muna sa maliit na veranda sa likod silid niya na nagsisilbing labahan at sampayan din ng mga damit niya dahil wala siyang washing machine o dryer.

Tiningnan niya ang mga bintana sa katapat na building na katapat ng bintana ng silid niya.

Mga madidilim ang mga ilaw pero alam niyang sa ikalawang bintana na mga labing-apat na talampakan ang layo sa kinatatayuan niya nanggaling ang ingay.

Sandali niyang tiningnan.

Wala siyang maaninag.

"Alam kaya niyang medyo iskandaloso ang lakas ng volume ng speakers niya?" napailing niyang sabi.

Sigurado siyang opisyal din ang umuokopa ng silid na iyon.

Pero wala siyang maalalang bagong officer na dumating sa kampo.

Binanlawan na lamang niya ang mga binabad.

​"Ganoon pala ang nangyari." Si Christoph nang natapos niya ang pagsampay sa huling damit na kanyang nilabhan.

Parang napanood din niya ang pelikula kasi kahit nakinig lamang sa mga dialogo ng mga artista.

Malungkot nga, dahil maliban sa mga nag-iiyakang narinig, namatay din ang bidang si Joselito o ang karakter na ginagmapanan ni Aga Muhlach na hindi man lang napatunayang inosente noong nabubuhay pa.

Honestly, she was NOT my TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon