CHAPTER 11

1.2K 81 4
                                    


CLAIRVOUYANT POV

"BILISAN NYO NA DYAN!, AALIS NA TAYO!!." Sabi ko sa dalawa, nasa labas ako ng bahay inaantay sila.

"Eto na eto na!!, grabe ka naman makasigaw, kala mo naman ay tatakbuhan ka ng pinagawan mo ng armas." Sabi ni hydra.

"Hoyyy!! antagal tagal nyo namang mag asikaso ni tina, baka nga may ginagawa na kayo eh." Sabi ko sa kanya na nakagisi.

"Oyyy anong pinag sasabi mo dyan?." Tanong ni tina.

"Ang malisyosyo mo naman shin, kung ano-ano pinag iisip mo." Sabi ulit ni tina.

"Wala naman akong ibang sinabi ahh, nagtanong lang, masyado kang defensive." Sabi ko ng nakangisi.

"Oh sya tama nayan, pumunta na tayong bayan para makuha na  ang mga pinagawa ni clair na armas." Pag iwas ni hydra.

Nakangisi naman ako sakanila, yieee shipp ko sila hahaha, habang nag lalakad nakangiti lang ako kase sa mga nangyari, isang linggo na ang nakalipas ay kaya ko na kaagad gamitin ang kapangyarihang lupa, pati ang passive neto, kaso yung steel at sand nalang ang kulang , dalawa palang ang nagagamay ko, ang plant at gem palang.

Nagising nalang ako sa pag iisip ko ng may narinig akong mga iyak, pagtingin ko ay mga batang palaboy na kinakawawa ng mga masasamang etherion, naginit naman yung dugo ko sa mga nakita ko dahil kinakawawa ng 4 na tao yung dalawang bata, di ko na natiis pinuntahan ko na ito.

"Ahh mga kuya pwede nyo po bang lubayan na ang mga bata?." Tanong ko ng magalang.

"Bakit sino ka ba ha!! Ke payat payat mo lang naman tas ipagtaanggol mo tong mga batang gusgusin, baka gusto mong idamay ka namin." Sabi nya saakin.

"Kuya binabalaan ko na kayo ayoko makasakit, pero kung isa pang bastos sa bibig mo di ko na hahayaang makatayo ka pa." Sabi ko ng malumanay.

"Hahahaaha papatawa ka ba bata?, ikaw bubugbugin kami?, baka tawagin mo lang mga magulang mo para magsumbong, sige uwi ka na bata tas iyak ka sa mama mo, hahaha." Sabi neto, at nag pintig ang tenga ko, pasensyahan tayo dinamay nyo pa mga magulang ko ha.

"Ganon ba pasensyahan nalang tayo ha!, atsaka nga pala baka di ko masiguro na mabubuhay ka pa mamaya dahil dinamay mo ang mga magulang ko." Sabi ko sabay hawak sa balikat nya.

Nagraka naman sya bakit ko sya hinawakan sa balikat, di na ako nag patumpik-tumpik pa at binalutan ko sya ng mga crystal mula paa hanggang leeg.

Nakita ko namang nagulat sya at ang mga kasama nya.

Aalis na sana sila ng paluputan ko sila ng mga baging na may mg tinik. Kaya ayon ngawa sila ng ngawa dahil sa sakit.

"Anong sabi ko kanina?, diba sinabi ko na umalis nalang kayo pero inunsulto nyo ko at di lang yon dinamay nyo pa ang mga magulang kong patay na." Sabi ko at tinignan yung nangdamay kala mama.

"Ngayon, kayo ngayon ang maghihirap dahil sa mga ginawa nyo." Sabi ki ng naka ngisi.

Tinapat ko ang kamay ko sa tatlo na nakapulutot sa baging, kinuyom ko ang kamao ko at biglang humigpit ang pagkapit dito, iyak naman sila ng iyak dahil sa sakit, umagos narin ang mga masasaganang dugo nila sa sahig,sinabihan ko naman sila tina na takpan ang mga mata ng mga bata parq si nila makita ang mga ginagawa ko.

Nagimatay naman ang tatlo dahil sa pagod at sa sakit na naramdaman nila, di ko naman sila papatayin papahirapan lang ang kaso mahihina lang ang mga to. Tinangal ko na ang mga baging na nakapulupot sa kanila, nagsibagsakan naman ang mga katawan nila.

Tinignan kong muli yung mukha ng nanginsulto sa mga magulang ko, halatang takot na takot sya saakin.

"Handa ka na bang mamatay?." Tanong ko sa kanya, ilang lagok na ang ginawa nya perp di ko sya kakaawaan.

THE LOST NECROMANCER (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now