Prologue

13 6 0
                                    

PROLOGUE

JAY'S POV

Bagsak ang mga balikat ko habang tinitignan ko si Krista na nakahiga sa kama niya. She looks at peace, like an angel sleeping. She looks untroubled pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala.

Dalawang araw na simula noong huli kaming nagkausap. Dalawang araw ko na rin siyang sinusubukan na i-text at tawagan pero wala akong natanggap na kahit ni isang reply kaya napag-desisyunan kong puntahan siya sa kanilang bahay.

I now understand why.

Simula noong huli kaming nagkausap ay hindi na siya nagising. Hanggang ngayon, mahimbing pa rin ang tulog niya na animoy nakulong siya sa paraisong pinuntahan niya sa kaniyang pagtulog. Hindi siya patay. She is still alive and breathing.

"Hindi namin nagawang kontakin ka kasi ayaw namin na mag-alala ka. Akala kasi namin napagod lang siya ng sobra kaya tulog pa rin siya pero hindi pa rin siya gumigising eh." Nakayuko ang kapatid niyang lalaki nang sabihin ang mga salitang iyon sa'kin. Kasalukuyan kaming nakapalibot kay Krista at hindi maitago sa mga mukha ng kapatid at mga magulang niya ang pag-aalala.

I am terrified right now pero sinusubukan kong magmukhang positibo sa harap nila. Alam kong magigising siya. Kailangan kong maniwala.

"Baka sobrang napagod lang 'ho si Krista sa pagsusulat. Baka ilang chapters din ang isinulat niya bago siya natulog kaya dala na rin ata 'yan sa stress", I said in a cheerful tone. I tried to be cheerful. Kailangan kong maging positibo. I have to believe na gigising siya anytime.

"Sana nga, hijo. Sana nga", sagot ng papa niya at ipinatong saglit ang kamay niya sa balikat ko.

Muli na naman akong napatingin kay Krista at kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti siyang dumilat. Unang dumapo ang mga titig niya sa'kin bago siya tumitig sa pamilya niya.

"Sabi sa inyo eh", masayang sabi ko sabay upo sa tabi ni Krista. Nakangiti na rin ang mga pamilya niya at sinang-ayonan ang sinabi ko pero nagtaka ako sa titig na iginawad ni Krista sa'kin.

She's staring at me as if my existence is unknown to her, as if I am a stranger in her life. She looks puzzled.

"Baby, bakit? Are you hungry? Tara na, bumangon ka na para makakain ka na". I did my best to sound untroubled but she never moved. Instead, she looked at me with confusion drawn to her face. I could see it in her eyes. I could see it clearly that she's questioning herself about my presence in her room.

Baka nagde-daydream pa siya.

"Sino ka?" she asked.

I was dumbfounded by the words that came out of her mouth. Napatingin siya sa kapatid at mga magulang niya bago siya tumingin ulit sa'kin.

I faked a laugh. "Baby naman! Wag ka ngang magbiro diyan. Hindi 'yan nakakatuwa ah". I let out a fake laugh again pero hindi nagbago ang expresyon sa mukha niya.

Sinubukan ko siyang hawakan upang mayakap ko sana siya pero natigilan ako nang umatras siya. Nagkatinginan kami ng kapatid niya at nabasa ko sa mukha niya na hindi rin niya inaasahan ang inasta ni Krista.

"Hoy! Umayos ka nga. Boyfriend mo 'yan. Wag ka ngang umarte diyan. Naiwan ata 'yang utak mo sa mga nobelang sinulat mo eh!" sabi ng kapatid niya.

"Boyfriend?" she asked. Tumingin siya sa'kin at ganoon pa rin ang expresyon sa mukha niya. Naramdaman ko ang unti-unting panlalamig ng mga kamay ko. Pakiramdam ko rin ay may nakabara sa lalamunan ko. What she's showing is not act.

"Yeah, ako nga 'to. Si Jay."

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko nang umiling siya at mas lumayo mula sa'kin.

"Hindi ko siya kilala, Kuya! Bakit siya nandito?!" she angrily shouted.

"Krista, ano bang pinagsasabi mo? Boyfriend mo si Jay. Mahigit tatlong taon na nga kayo", paliwanag ng papa niya.

Tila may nakabara sa lalamunan ko. Wala akong makapa na mga tamang salita. Tila napipi ako.

Ngayon lang ito nangyari sa kaniya. Maayos pa nga kaming nag-usap two days ago. Masaya pa kami. Sweet pa kami sa isa't-isa. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako makilala. Nagkaroon ba siya ng amnesia? Pero imposible naman kasi na magkaroon siya ng amnesia. Wala naman siyang head injury as far as I know. Wala siyang history sa mga aksidente in the past. She was very healthy. Why?

"Baby naman. Hindi 'to nakakakatuwa ah", sabi ko at saka ngumiti ako sa kaniya. Sinubukan ko ulit na lapitan siya pero bigla siyang tumalon mula sa kama upang makalayo sa'kin.

"Hindi nga kita kilala! Lumayo ka sa'kin!" sigaw niya sa'kin. Tumingin siya sa mama at papa niya. "Bakit nagpapapasok kayo ng mga estranghero dito sa bahay?!"

"Baby...." tanging nasabi ko saka napatayo ako. I took a step forward pero sumigaw siya ulit.

"Stay away!"

I don't understand why she can't remember me. Nakikilala niya naman ang parents at kapatid niya pero bakit ako hindi?

Hinablot niya ang cellphone na hawak ng Kuya niya at may pinindot-pindot. Sinubukan itong agawin ng Kuya niya pero hindi niya ito binitiwan.

"Ano bang ginagawa mo?! Nababaliw ka na ata eh!" sigaw ng Kuya niya.

"Pinapapunta ko ang boyfriend ko!"

Nanghihina ang tuhod ko at sumasakit ang sikmura ko. Ang bigat na ng pakiramdam ko. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Nababaliw ka na talaga! Nandiyan ang boyfriend mo oh! Nasa harap natin!" sigaw ulit ng Kuya niya sabay turo sa'kin. Napatingin siya sa'kin pero puno ng galit ang mga tingin niya.

"Anak, nananaginip ka pa ata eh. Nandiyan na si Jay oh", mahinahong sabi ng mama niya.

"Baby, nandito ako", mahinang sabi ko. Napalunok ako at saka napatingala upang pigilan ang mga luha ko na nagbabadya ng bumagsak.

"Hindi! Papunta na yung boyfriend ko kaya umalis ka na dito."

Dumako ang tingin ng mga magulang at kapatid niya sa'kin. Alam kong napapansin na nila na naiiyak na talaga ako pero bahala na.

Ilang saglit pa, may kumatok sa pintuan ng kwarto niya at kaagad siyang lumapit doon upang buksan. Lahat ng mga tingin namin ay nakasunod sa kaniya at inaabangan kung sino ang bubungad sa'min.

"I'm sorry if I am sweaty kasi galing pa ako sa pagjo-jog and nag-text ka bigla kaya I had to go here---"

"Jakeyyyy!" masiglang putol ni Krista sa lalaking nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto niya at naglambitin siya sa leeg nito. "Sabi ko na nga ba dadating ka eh!"

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil sa nakikita ko. Ramdam ko na ang unti-unting pag-init ng tenga ko at parang gusto kong manuntok.

Napatingin uli sa'kin ang parents niya pati na rin ang kapatid niya at halata sa mukha nila na nahihiya sila sa'kin. Ilang saglit pa, nagkatinginan kami sa lalaking yakap-yakap ni Krista at halata sa mukha niya na naguguluhan rin siya sa nangyayari.

It's Jake. Her ex-boyfriend.

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon