Chapter 15

1.5K 50 5
                                    

Veil P.O.V

   Nandito ako ngayon sa kwarto ng asawa ko si Kylie. For f*cking eight years wala parin siya. I know na mali ang ginawa ko. I cheated to my wife.

Gusto ko nang makita ang asawa ko pero wala akong magawa. Gusto kong manghingi ng tawad sa kanya kahit na alam kong hinde kapata-patawad ang nagawa ko.

Nagawa kong pagtaksilan ang asawa ko. Nagawa kong saktan siya. Pinagsisihan ko lahat ng kagaguhan ko nuon. I want her back.

Totoong minahal ko si Sandra. Sa loob ng isang taon na naging kami hinde naman iyon patago dahil alam din ng pamilya ng asawa ko at pamilya sa asawa ko upang hinde sinabi dahil ayaw kong saktan siya.

Nang makilala ko ang asawa ko ay nangako akong hindi siya sasaktan na hinde ko siya pagtataksilan dahil mahal na mahal ko siya.

Pero hindi ko nagawa ang pangako ko.

Sa loob ng dalawang taong pagsasama namin ng asawa ko ay naging masaya ako pero minsan hindi dahil alam kong niloloko ko ang asawa ko. Pagmasaya siya masaya nadin ako.

Hindi ko alam kong bakit nagpataksilan ko ang asawa ko. Hindi ko alam kong bakit ko nagustuhan si Sandra. Sandra was caring, kind, sweet at palaging umiintindi sa akin.

Katulad siya ng asawa ko na kapag may problema ako nandyan siya para madamayan ako.

Sa mga oras na makita kami ng asawa ko na naghahalikan ng kapatid niya ay parang tumigil ang mundo ko.

Masakit makita ang asawa ko na umiiyak ng dahil sa akin.

Nung nakita ko siyang tumakbo palabas ng condo ay hindi ko siya nagawang pigilan. Namamanhid ang tuhod ko.

Nahuli kami ng asawa ko. Puro tanong ang nasa utak ko sa mga oras na yun.

Anong mangyayari ngayong nahuli na kami ng asawa ko?

Iiwan ba niya ako?

Iiwan na ba ako ng asawa ko?

Kamumuhian niya ba ako?

Magagawa niya bang pakinggan ang paliwanag ko?

Patatawarin ba niya ako?

Puro tanong nalang ang nasa utak ko sa mga oras na yun. Gusto ko maging masaya na nahuli kami ng asawa ko ayy magiging malaya na kami ni Sandra.

Pero hindi I love my wife more than Sandra.

Hindi ko mapigilang umiyak habang pinagmamasdan ang litrato ng asawa ko.

Ito yung araw na kinasal kami. Kahit na hindi pa kami nakapagtapos ng pag-aaral ay pinakasalan ko na siya kasi ayaw kong may-umagaw sa kanya dahil akin lang siya.

Kusang tumulo ang luha ko galing sa mga mata ko. Sa loob ng walong taon ay nanirahan na ako mag-isa sa bahay namin ng asawa ko.

Nakapagtapos ako ng pag-aaral pero hindi ko alam kong pinagpatuloy ba ng asawa ko ang pag-aaral niya.

Umalis siyang dala-dala ang mga gamit niya. Hindi niya pinakinggan ang paliwanag ko pero alam kong kahit kailan hindi na.

I know she hated me. Pero wala akong pakiaalam gusto ko lang bumalik siya sa akin at kung magkita man kami pangakong hindi ko na siya pakakawalan pa.

Matagal na din kaming tapos ni Sandra. Tinigil na namin ang lahat ng meron sa amin dahil mahal ko pa ang asawa ko.

I'm a business man and a Mafia Boss. Ginawa ko na lahat para lang mahanap siya. Sa loob ng walong taon ay inayos ko ang sarili ko. Pinatatag ko ang loob ko kahit na alam kong mahina ako dahil sa pagkawala ng asawa ko.

Mayaman ako. Gwapo. Hinde ako mabait maliban sa asawa ko. Sa kanya lang ako palaging ngumingite dahil nakikita ko ang mahal ko. Pero naibigay ko ang ngite ko kay Sandra.

I miss my wife so much. Halos mabaliw ako kakahanap sa asawa ko. Siguro hindi ko siya mahanap-hanap kasi siya na mismo ang kusang tinatago ang sarili.

Kahit na may asawa siya o anak babawiin ko siya. Dahil akin lang asawa ko.

Kylie my wife where are you? I want to see you badly.

Kahit na alam kong mahirap ay patuloy ko paring hahanapi ang asawa ko. Gusto ko kapag birthday ko nandyan siya.

Kung hindi ko kaya niloko ang asawa ko anong mangyayari sa amin?

Magkakaroon ba kami ng anak?

Kung hindi ko pinagtaksilan ang asawa ko siguro ngayon ay kada uwi ko sa trabaho ay may sasalubong sa aking mga angel. Siguro may mga anak na kami ngayon. Kung hindi ko siya niloko katabi ko sana siya sa kama pagtulog. Tawaging akong 'mee' at maging malambing sa akin.

Gusto ko lahat mangyari iyon pero wala na. Wala.

Kung maibabalik ko lang oras gagawin ko. Para lang bumalik kami sa dati ng asawa ko gagawin ko lahat.

Patawarin mo ako Kylie. Sana mapatawad mo ako. Isa akong Monterong ipinanganak hindi maging isang mahina kundi maging isang palaban.

At lalaban ako para sayo. Gagawin ko lahat maibalik ko lang.

Sorry kung pinagtaksilan kita.

Sorry kung hindi ko naitupad lahat ng pangako ko.

Sorry dahil sa akin nasaktan kita.

Sorry dahil yung future na pinlano natin nawala nalang bigla na parang bula.

The Possessive TripletsWhere stories live. Discover now