Until We Meet Again

19 13 14
                                    


It was one sunny afternoon when we heard the school bell rung. I and Emma immediately stood up and bid our goodbye to ma'am Ida.

"Bilisan mo Pinky, baka maunahan na tayo nina Mario doon sa malaking puno ng bayabas." hila hila nito ang kamay ko habang bitbit naman niya sa kabilang kamay ang lunchbox naming dalawa. Mas binilisan pa nga namin ang pagtakbo.

Nang marating namin ang malaking puno ng bayabas, basta na lamang itinapon ni Emma ang kanyang bag sa damuhan at mas mabilis pa sa unggoy na umakyat doon.

"Dahan dahan Emma, baka mahulog ka." paalala ko naman rito na nakasunod din sa pag akyat. Kaagad naming pinitas ang malalaking bunga ng bayabas at isinilid iyon sa bulsa ng aming palda.

Saktong pababa na kami nang magsidatingan sina Mario kasama ang mga barkada nito.

"Kayong dalawa na naman? Malalagot na talaga kayo, isusumbong ko kayo kay lolo." sigaw nito habang papalapit sa kinaroroonan namin.

Dahan dahan namang lumapit si Emma sa akin at pasimpleng bumulong. "Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo tayo." Ngumiti ako dito't marahang tumango.

"Isa..."

"Dalawa..."

"Tatlo!!"

Sa isang iglap lang ay narating na namin ang malaking kalsada na dinadaanan ng mga motorsiklo. Sapo sapo ko pa ang aking dibdib dahil halos hindi na ako makahinga sa sobrang hingal. Nang magkatinginan kami ni Emma, 'di na namin napigilan ang mga sariling mapatawa ng malakas.

Naging bisyo na namin ni Emma ang gumawa ng kalokohan. Bagama't magkalayo ang aming mga tahanan, hindi iyon naging hadlang sa aming pagkakaibigan. Kapag walang pasok, tumatakas kami ng bahay at doon magtatagpo sa malawak na manggahan ni Mang Isko, ang tiyuhin ni Emma. Doon kami palaging naglalaro ng bahay-bahayan.

Pareho kaming nasa ika anim na baitang. Ang pinagkaiba lang namin, si Emma matalino samantalang ako heto't may utak nga, mukhang hindi naman gumagana.

"Pinky, gisingin mo na ang kapatid mo." narinig kong tawag ni mama mula sa kusina. Kaagad naman akong tumayo at sinipa ang nakababata kong kapatid na himbing na himbing pa rin sa pagtulog.

"Ma, ayaw naman gumising." reklamo ko.

"Aba'y gisingin mo na yan, mahuhuli na kayo sa klase."

Muli kong binalingan ang kapatid. Ayaw mong gumising ha. Tingnan natin kung hindi ka magigising dito.

"Araaaayyy!"

Tawang tawa naman akong tumayo matapos ibalibag sa kapatid ang dalawang unan subalit napawi lahat ng ngiti sa aking mga labi nang makita ang paparating na si mama na may bitbit na walis tambo.

Mukhang galit na galit ito. "Ikaw, ano na namang ginawa mo sa kapatid mo ha?"

Kaagad akong humakbang paatras at nagtago sa likod ng pinto.

"Ginising ko lang naman po yan, umiyak na lang bigla." katwiran ko. Tiningnan ko naman ang kapatid na pipikit pikit pang nagpupunas ng luha at sipon. Hindi ko tuloy napigilang tumawa ulit dahil sa hitsura nito.

Dahil sa 'di napigilang pagtawa'y nakatikim tuloy ako ng nanunuot na kurot mula kay mama.

Hindi pa man ganoong sumisikat ang araw, sinimulan na naming magkapatid na baybayin ang daan patungo sa aming paaralan. Medyo malayo kasi ito mula sa aming tirahan. Nang makarating sa krosing, nag iwan ako ng kapirasong papel doon bilang patalandaan na nauna na ako kay Emma, para hindi na siya saakin maghintay doon.

"Pinky, saan ka mag aaral pagkagraduate natin?" biglang tanong ni Emma isang araw habang binabaybay namin ang daan pauwi.

"Hindi ko pa alam, ikaw ba?" tanong ko naman pabalik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until We Meet Again (One-Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon