008 - MANANG PRINSESA

5.5K 247 39
                                    

Sumapit na ang lunes at nakaimpake na lahat ang dadalhin ni Asteria. She did not even bother to pack most of her stuffs that seemed to be useful. Her maids even helped her to pack some books but she insisted that Mangas and novel is out of her interest. Ang hinangkot niya lang na mga kagamitan ay damit at mga pampaganda.

Yes, she precisely does not know how to use make-ups since it looks weird on her. But her maids suggested that it was useful.

Now... Are you wondering where she is now?

Dahil medyo malayo ang lokasyon ng Royal Possession Academy, she was treated like a VIP. Ine-expect niya na sa karwahe siya sasakay pero hindi niya inaasahan na sasakay siya sa Limousine Car. Ang loob ay mas presko kumpara sa karwahe at mas mabilis pa ang pagpapatakbo kumpara sa kabayo.

Annanias and Sapphira on the other hand, ay kinompronta ang kanilang anak tungkol sa cellphone. It was obvious that Shania is a complete gadget addict and her parents were restricting her from much usage. Dahil sa radiation daw, lumabo na ang mata nito. Akala pa naman ni Shania na malabo na talaga ang mata ng babae simula ng ipinanganak siya.

She was all alone... Inside the car, having so much thoughts. Kabado siya pero not as nervous na parang nasa isa siyang korte kung saan aaminin ang lahat ng kanyang kasalanan. In her past life, she hates the government the most because some nobles in there are corrupt. And she was even framed in the court that she was using drugs... At dahil dun, nagtagumpay ang plano ni Deianira na mawasak ang kanyang repyutasyon.

She was completely bored... Gusto niya makinig ng kanta kaya nagpatugtog siya ng isang musika na naka save sa playlist ni Shania.

NOW PLAYING : HATSUNE MIKU (SENBOZAKURA) PIANO VERSION, COVERED BY : Pianominion.

Ang malakas na pagtugtog ng piano ay nakapagpagising ng kaluluwa ni Asteria. Bawat paglapag ng daliri nito ay agresibo na naabot ang nota ng nasa oras. Na tila ang musikero ay galit ngunit naipapahiwatig ng maayos ng ninanais ng piyesa.

Inilihis niya ang paningin sa naka bukas na bintana ng limousine at iginawad ang atensyon sa paligid. The fresh breeze from the air gives her chills. And it looks like her school is not really an ordinary one like her maids described.

Siguradong napapaligiran ng puno ang kanilang iskwelahan. Not to mention, the way seemed to be more cleaner than she expected. Iilang oras lang siya nakatunghay sa labas until the limousine paused it's own engine.

"Manong, nandito na po ba tayo?" she asked. Itinigil niya na din ang pagpapatugtog ng musika.

"Opo madam... Nandito na po tayo." magalang na saad ng matanda na nasa 65 pataas.

"Huwag mo na akong pagbuksan ng pintuan. I can manage to open this thing on my own." Saad ni Asteria. When she lightly pushed the limousine's door, hindi niya mabuksan ito kaya ang ginawa niya ay buong lakas niya na binuksan ang pintuan.

She was truly amazed at the limousine. However, the door seemed to be complicated to be opened. Nakalabas na si manong driver at inaabangan siya sa labas.

"UGH, MANONG! BUKSAN MO NGA!!" Gigil na sigaw nito. Parang tinusok ng krayom ang tainga ni lolo. Mahina ang kanyang pandinig ngunit naging sensitibo ito sa pag sigaw ni Asteria.

Manong is even wondering how can a fragile looking girl like Shania could scream like a beast. Sinunod na lang ni Manong ang utos nito at walang kahirap hirap na nabuksan ang pintuan. Namumula sa hiya si Asteria dahil ito ang unang beses na nakita ng isang tao na kinain niya ang kanyang sinabi.

Hindi na siya sasakay sa ganyang klase ng kotse!

Inilabas lahat ni Manong ang sampung maleta ni Shania. Kakaladkarin niya sana ito para makapasok sila ngunit Asteria grabbed his arm. She did not know na sobrang aggressive ng pagkakahablot nito to the point na nanghingi ng paumanhin si lolo.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon