034 - GIVING UP

598 34 0
                                    

Maiingay na tawanan, puno ang kalsada ng mga tao habang nasa sulok ang isang dilag na nakatakip ng itim na belo. Ang kanyang kakaibang buhok ay nakatago at balot na balot itong bumisita sa isang bahay na luma. Sa unang tingin ito’y nakakatakot pasukin, pero hindi nagdalawang isip si Annalise na pumasok dito.

Sa ikalawang palapag, dinala siya ng kanyang mga paa sa unang silid at binuksan ang pintuan. Bumungad ang maliit na kuwarto habang nakahiga ang isang babae na nababalutan ng kumot.

"Nandito ka na naman?!" sigaw ng dilag na medyo bata bata. Ang kanyang puting buhok ay lalong humaba at ang balat nitong makinis dati ay nababalutan ng sugat.

"Pagbati sayo binibini. Bakit naman masama ang iyong gising?" umupo si Annalise sa pinakamalapit na upuan at duon umupo.

"Sino ba namang hindi magagalit?! I can't stand being in this kind of place. There's no wifi, cellphone and manga books to read!" sigaw ng babae.

"Huwag ka mag alala, bigyan mo pa ako ng sapat na oras para makuha ang aking lakas. Pag nakakuha na ako ng sapat na kapangyarihan, ibabalik agad kita sa iyong mundo."

Ginawaran siya ng matalim na titig ng babae. "Then... What about me in the future? Am I doing well?"

"Oo, huwag ka mag alala. Maayos na maayos ang takbo ng buhay mo sa orihinal mong oras."

She sighed in relief at kumuha ng panipit para sa mahaba nitong buhok. Inayos din nito ang bestida saka kinuha ang kamay ni Annalise.

"Sa baba tayo mag-usap, maghahanda ako ng agahan. Wala pa atang laman ang iyong tiyan kaya dito ka na magpalipas ng oras." Hindi na tumanggi si Annalise sa alok ng dalaga at sabay na bumaba ang dalawang babae papunta sa kusina.

━━━━━❘༻༺❘━━━━━

Habang nasa garden si Ione, hindi niya mapigilan na mapatitig sa sariling cellphone. Napapagod na siya sa sariling bangungot. Paulit-ulit na parang sirang plakang pelikula ang pagtakbo nito sa sariling utak.

"Ione... Anak.... Tama na ang iyong ginagawa. Kami din ng papa mo ang may kasalanan kung bakit ka nasa kumplikadong sitwasyon. Patawad kung hindi namin nagawa ng maayos ang pagiging magulang." her mother keeps whispering the same words while her dead body was tied up in the chair. Covered in her own blood while her head was palced on her lap.

Binura na lahat ni Ione ang kanyang social media at napagdiskitahan na lakas loob umamin kay Shania. Dumapo na ang huwebes pero nung mga nakaraang araw ay hindi niya masikmuraan ang pakikitungo ni Shania sa kanya.

Napapansin niya na tuwing kakausapin niya si Zioquel ay agad na makikisingit si Shania sa kanilang usapan. Nung umakto sila sa kanilang project, halos mabutas na ang katawan niya sa sobrang lakas ng titig nito sa kanya. Tuwing nagtatagpo ang kanilang landas sa cafeteria ay nagpaparinig ito tulad ng –

"Nakakaamoy ako ng mabaho Sienna."

"Hays, ang sakit ng ulo ko. May nakita akong basura."

"Alam mo ba Sienna, malakas ang radar ko sa mapagpanggap na tao. Kaya kung ako sayo, tingnan mo din ng maayos ang paligid mo."

"Agad na umiinit ang ulo ko sa isang tao na mukhang pamilyar ang presensya. Ang sarap buhusan ng kumukulong tubig."

She feels like Shania is the real Evil Queen but in highschool version! Alam din ba nito na siniraan niya si Shania through social media. Nagdadasal siya na sana hindi niya mapansin. Ayaw niyang dumapo ang kamay ni Shania sa kanyang pagmumukha lalo na't kung ang presensya nito sa isang tao ay nagiging bayolente.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon