#01 • /flashback/ •

Habang naglalakad ako sa loob ng silid-aralan ay may hinahanap ang mga mata ko kundi ang paperclip, kailangan ko kasi talaga nun dahil ipapasa ko ang assignment ko. Nang makita ko paperclip na nakaipit sa papel ni Ezra.

Ayaw kong kausapin si Ezra dahil napaka-papansin niya sa akin kaso lang wala akong choice kaya nilapitan at tinanong ko 'to, “May paper clip ka pa ba?”

Tumingin pa siya sa akin bago sumagot, “Wala na, kay Shasha ako humingi.”

“Thank you!” sabi ko sabay punta kay Shasha.

Nang makarating ako sa upuan ni Shasha.

“Sha, may extra ka bang paperclips?” tanong ko sakanya at umiling siya bilang sagot. “Aight, thank you.”

Kaya bumalik na lang ako sa upuan ko nang madaan ko ang upuan ni Ezra ay tumingin siya sa akin.

“Ano, meron?” tanong niya.

“Wala na daw, e.”

Tinaggal niya yung paperclip sa papel niya at inabot sa akin, “Oh sa'yo na 'yan.”

“Huwag na, sa'yo na 'yan, kailagan mo rin 'yan.” Sabay tulak sa kamay niya.

“Hindi, sa'yo na 'yan.”

“Sure ka?” Kinuha ko sa kamay niya ang paperclip. “Thank you.”

“You're welcome, kiss muna.” Turo niya sa pisngi niya.

“Gago!” sigaw ko.

Binato ko sakanya ang paperclip at napasok sa loob ng uniporme niya.

Kinuha niya agad sa loob ng uniporme niya sabay abot ulit sa akin, “Ito naman hindi mabiro.”

Mars, I Have Chika.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon