#02 • /flashback/ •

"Huh? Para saan 'tong ice tea?" binigyan kasi ako ni Ezra. Ang weird.

"Wala lang, ayaw ko ng inumin, sayang naman kung itatapon ko lang," sabi niya habang kumakain ng siopao.

"Baka mamaya dinuruan mo 'to? Eww."

"Hindi nga." sabay hila sa kamay ko na may hawak na ice tea, uminom siya. "Ayan, walang dura 'yan, p'wede bang mabait lang ako?"

"Thank you, ang bait mo talaga!" plastik kong sabi.

"Ka-plastikan." sabay kurot sa pisngi ko.

Simula nung binigyan niya ako ng ice tea, every exam may free ice tea ako. Ang weird pero okay na rin dahil libre juice ni Ezra.

Mars, I Have Chika.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon