Kabanata 18

60 2 0
                                    

"I'LL be here before lunch," Claus said as he kissed me on my cheeks while we're both standing beside his car in the parking area of the company.

Nakapalibot ang mga braso niya sa baywang ko at parang wala pa atang balak na bitawan ako. Ngayon ang unang araw namin sa trabaho after our one week leave. Kahit ako ay parang nagdadalawang-isip ring bumitaw sa kanya but I know that he won't initiate our parting so that would be my job to do.

Alam ko namang natatakot lang siya na bumalik kami sa dati once we separate ways again. Pero sinisiguro kong hindi na iyon mangyayari pa.

Halos tatlong taon na kaming kasal ni Claus, pero pakiramdam ko sa isang linggo namin sa Maldives ay kakakasal pa lang namin. That week was the first time we actually became a real couple—and I intend to keep it that way.

"Come on, babe! You have a meeting at ten," malambing kong paalala sa kanya.

Claus groaned as he placed his head between my neck, inhaling my scent.

"I don't want to work," he whispered.

Natatawa ko naman siyang inalayo sa 'kin. I'm sure if someone from his office heard him, namimilog na ang mga mata niyon.

How can Claus Zco—the workaholic boss, not want to work?

"We'll see each other later, okay?" Bahagya ko pang kinurot ang pisngi niya bago siya dahan-dahang itinulak pagilid para mabuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya.

"Go on, mali-late ka na sa meeting mo," pagtataboy ko sa kanya habang pilit siyang pinapapasok sa sasakyan.

"Fine, I'll be back before lunch." Tumango ako sa sinabi niya at pinanood siyang magsuot ng seatbelt. I chuckled when he turned to me with his lips protruding, asking for a kiss which I immediately obliged.

"Ingat ka," paalam ko sa kanya bago lumayo sa sasakyan. Bahagya pa akong kumaway habang pinapanood iyon palabas ng basement.

Umikot ako para sana pumasok na sa opisina pero agad rin akong napaatras nang makaharap ko si Tim. He was glaring at me as if I've done something wrong.

"You changed your number," bungad niya. Nagmamadaling umikot ang paningin ko sa paligid at halos mag-panic na nang wala akong makitang kahit isang tao. It was understandable since working hours na nga naman, but at this moment I would be more than willing to promote whoever comes down right now.

"Natatakot ka ba sa 'kin, Elle?" tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago siya binalingan ng tingin. He looked so haggard. The dark circles under his eyes were very prominent na mahahalata talagang wala pa siyang maayos na tulog.

Automatic na umatras papalikod ang mga paa ko nang mag-umpisa siyang maglakad palapit sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit sobrang takot ako sa kanya ngayon. Ang balak ko lang naman ay iwasan siya para hindi na kami magkaproblema pa ni Claus but while he was standing here right in front of me with those sharp glares, hindi ko alam kung siya pa nga ba ang Tim na kilala ko.

"Tim, napag-usapan na natin 'to—"

"You banned me from entering your subdivision. Kahit sa hospital room ni Tito Samuel ay hindi ako pwedeng pumasok? Elle . . ." Pinilit kong pumirmi sa kinatatayuan ko nang muli siyang humakbang palapit sa 'kin. Pero nang akmang kukunin niya ang kamay ko ay agad akong umiwas sa kanya.

"What are you doing, Tim?" mariin kong tanong sa kanya habang pilit na inilalayo ang sarili sa kanya.

"Elle!" My eyes widened in shock and fear as he shouted my name. He looks livid. Namumula ang mga mata niya at mukhang puputok na ang litid sa may noo habang titig na titig sa 'kin.

"Tim—"

"Magda-dalawang buwan, Elle," putol niya sa sasabihin ko sana.

"Magda-dalawang buwan pa lang tapos kung makalingkis ka sa gagong 'yon, talo mo pa ang pokpok—" Agad kong naramdaman ang hapdi sa palad ko sa pagtama pa lang ng palad ko sa pisngi niya.

Ngumisi siya sa 'kin bago tiningnan ang mga daliri niyang ginamit sa pagpunas ng dugo mula sa sulok ng labi niya.

Now, I can clearly see the difference between this man and my husband.

Noon pa man ay mahina na si Tim. Ni hindi niya ako nagawang ipaglaban sa harap ng Daddy niya noon at mas gugustuhin pang hayaan akong alipustahin at ang pamilya ko. He's selfish and self-centered. He's everything Claus is not.

"Ano? Mas magaling ba sa kama ang asawa mo—"

"Oo!" walang pagdadalawang-isip kong sagot sa kanya. Agad na umasim ang mukha niya at akmang hahakbang pa ulit papalapit sa 'kin pero agad akong umiling at inilagay ang kamay ko sa pagitan namin para hindi siya tuluyang makalapit.

"Don't you dare come near me, Tim," mariin kong babala sa kanya.

"I'm done asking nicely, Tim. Get out of my life."

I thought he'll finally understand how serious I am with this. Akala ko ay maiintindihan niya na ang gusto kong mangyari.

I wanted him out of my life. I wanted him out of my and Claus' life. Gusto ko na lang maging normal ang buhay ko. Ayaw ko nang may tinatago, ayaw ko nang manakit.

Ayaw ko nang saktan si Claus.

Pero laking gulat ko nang bigla nalamang siyang humalakhak. He laughed so hard as if I told him the biggest joke he ever encountered. I watched him do that until he finally stopped and faced me with a menacing expression.

"Sure," aniya sabay kuha ng cellphone niya mula sa bulsa.

"Then . . . let's have this out too." I watched him press things from his phone bago niya iyon iniharap sa 'kin.

My eyes squinted as I tried to see what he was trying to show me. He pressed a button on his screen and my eyes widened as I immediately snatched his phone away from his hand after the clip played.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahanap ang delete option.

How dare he do this to me?

Hindi ko alam ang tungkol dito!

"Hayop ka!" sigaw ko sabay balibag ng cellphone niya sa kanya pagkatapos ko iyong i-delete.

"Do you think I don't have a copy of that? I'm not stupid, Elle," nang-uuyam na saad ni Tim.

I'm ruined.

Almost Over (SP #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon