Narration 1
As soon as she received Ryker's message, Rebecca leaves the restaurant immediately.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong nakarating siya sa meeting place at hindi inaasahan na halos wala man lang ni isang tao o fans niya ang sumalubong sa kanya. She was a superstar after all. A fashion model and a writer. Nanibago siya sa ambiance ng lugar na dinatnan. Or maybe, the people did not know her. But that is impossible.
The waitress plastered a smile when she saw her entering the place.
"Good morning Ms. Rebecca," bati sa kanya ng waitress na tinanguhan lamang niya.
Her eyes roamed around the whole area and as she finally saw Ryker, she walks towards his direction.
"Now tell me, what is it that you want to say to me?"
"Hey." Tumayo si Ryker at inalalayan siya sa pag-upo. Gaano ba kaimportante ang bagay na gusto nitong sabihin at talagang pinapunta pa siya ng binata? She has no idea.
"Bakit pinapunta mo ako rito?" seryosong tanong niya. Ryker gave her an awkward smile.
"Can we eat first? Kanina pa kasi ako nagugutom."
Literal na napanganga siya. Ganoon ba talaga kaimportante ang sasabihin nito at nakalimutan nito pati ang pagkain?"Hindi ako nagugutom. Ikaw na lang ang um-order."
"Then sabayan mo ako sa pagkain. Awkward naman kung ako kumakain habang ikaw ay nakatingin lang sa akin."
"Ryker please. Kung ano man ang sasabihin mo tell it right away. You know how busy I am."
"Busy? Na kahit ayusin ang problema mo between you and your friends ay hindi mo maasikaso?"
Now what? Ano bang gustong palabasin ng lalaking ito? Pinapunta ba siya para sermunan?
"Look Ryker-" He cut her off.
"Gusto nilang matuto ka sa pagkakamali mo Rebecca. Ikaw lang ang inaalala ng mga kaibigan mo pero binalewala mo ang mga sinabi nila. I know, we are not really that close and sino nga ba ako sa buhay mo? Co-model? Right. But like them, I just want you to be happy. I want you to be free from this bullshits..."
Nanatili lamang nakinig si Rebecca sa mga sinasabi ni Ryker. Napatitig siya sa binata habang may kakaibang pintig siyang naramdaman sa loob ng dibdib na hindi niya maipaliwanag.
"I want to give you your freedom," seryosong wika nito at walang paalam na hinawakan ang kamay niya.
"I have my own freedom Ryker.." sagot niya at hinayaan lamang na magkasugpong ang mga kamay nilang dalawa.
"Gusto kong maging malaya ka sa taong iyon," ani Ryker sabay may itinuro mula sa likuran niya. Nagsalubong ang mga kilay niya habang dahan-dahang nilingon ang tinuro ng binata.
And there he was.
Her ex-boyfriend Grayson Luxembourg and his wife with their one year old daughter.
"Now tell me, babalikan mo pa ba ang lalaking iyan?"
Sa halip na sagutin ang katanungan ni Ryker ay lakas loob na tumayo si Rebecca at mula sa pwesto niya ay mabilis siyang humakbang sa kinauupuan ni Grayson at ng asawa nito.
Ang herodes! Ang kapal ng mukhang makipagbalikan sa kanya iyon naman pala ay gagawin na naman siyang isang mistress.
"Grayson." Buong tapang na sambit niya sa pangalan nito. Kita niya ang pagkagulat sa mukha ng lalaki samantalang isang ngisi ang sumilay sa mukha ng asawa nito. Napatayo ito at akmang hahawakan siya sa braso ngunit mabilis niyang pinalis iyon.
"Don't you dare touch me. You liar."
"Rebecca let me explain-"
Mabilis na pinadapo niya ang palad sa pisngi nito. Lumikha iyon ng ingay sa buong lugar sa lakas ng pagkakasampal niya sa lalaki. Napatayo naman ang asawa ni Grayson na akmang aawat ngunit pinigilan ito ni Ryker na sumunod pala sa kanya.
"You! Explain? You dumbshit. Hindi na ako magpapaloko sa isang katulad mo. Tandaan mo iyan." Galit na wika niya bago hilahin si Ryker at talikuran ang mag-asawa at lumabas sa lugar na iyon.
Malamang na bukas ay nasa headline na siya ng mga dyaryo.
Rebecca Allison Brandt, the gorgeous super model is a mistress.
Great. Just great.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐎 𝐅𝐀𝐋𝐋 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍 [epistolary]
NouvellesRebecca Allison Brandt, a young fashion model and writer who suffered from an ultimate heartbreak when she broke up with her long time boyfriend. She recently found out that he was already married and has a children. Rebecca Allison promised herself...