Prologue:

388 10 4
                                    

Magkahalong saya at kaba ang narmdaman ko habang tinitingnan ang singsing na aking hawak. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kapag inabot kong ito kay Michiko. Tama bang will you marry me na agad? O, baka naman kailangan munang my palabok – konting ligoy at matamis na salita. Sigurado naman ako sa isasagot niya pero kinakabahan pa rin ako.

Napabuntong hininga akong malakas. "Matagal na rin naman tayo. Alam mo namang mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Michiko, will you marry me?" Napakamot ulo ako. "Ang sabaw naman! Mahirap palang magpropose." Naiirita kong bulong sa sarili.

Patuloy lang akong nag-isip ng magandang linyang sasabihin mamaya kay Michiko. Hindi nagtagal, may natanaw akong pamilyar na mga mukha sa hindi kalayuan. Lalapitan ko sana sila pero natigilan ako nang masaksihan kong magyakap at maglapat ang mga labi ng dalawa. Dali akong tumakbo para magtago sa hindi kalayuan. Nagsuot ako ng shades at sombrero upang hindi makilala. Umupo ako sa isang bench malapit sa inuupuan nila para marinig ko ang pag-uusap ng dalawa.

"Anniversary niyo ngayon, 'di ba?" Tanong ni Gavin kay Michiko.

"Oo." Tipid na sagot ni Michiko.

"Anong plano mo? Sabi mo makikipaghiwalay ka doon sa Prix na 'yon?"

"Mamaya. Humahanap lang ako ng tiyempo. Mahirap din kasing sabihin kasi mabait naman 'yong tao kahit walang kapanga-pangarap na umangat sa buhay. Ayoko siyang masaktan."

Mabilis ang kabog ng dibdib ko kasabay ng panginginig sa sobrang galit dahil sa mga narinig. Hindi ako makapaniwala.

"Mas iniisip mo pa ang nararamdaman niya kaysa sa akin? Sino ba ang mahal mo sa aming dalawa?" Naging mas seryoso ang tono ni Gavin

Mariing hinawakan ni Michiko ang kamay ng lalaki. "Ikaw. I won't take the risk if I don't love you in the first place."

Napakagat labi nalang ako sa mga narinig. Hindi ko inasahang niloloko lang pala ako ng girlfriend ko. Sa apat na taong pagiging magkasintahan namin, hindi ko naramdamang nanlamig siya sa akin. Hindi ko man lang napansing may namamagitan pala sa kanila ni Gavin. Ang tanga ko dahil napaikot nila ako sa mga kamay at salita nila.

Sabagay, kung ikukumpara naman ako sa kanya, talaga namang mas mayaman at mas mataas ang pinag-aralan niya. Nararamdaman kong may iba sa mga tingin niya kay Michiko dati pero hindi ko pinagtuunan ng pansin iyon dahil akala ko hawak ko na ang kamay ng girlfriend ko. Kamay lang pala at hindi ang puso.

Hindi ko na ginusto pang marinig ang usapan nila. Mabilis akong umalis sa park. Gusto ko pa ring maging maayos para sa date naming dalawa ni Michiko mamayang gabi. Gusto ko pa ring magpropose. Gusto kong ikasal sa kanya dahil kapag nangyari 'yon, tali na siya sa akin at walang magagawa si Gavin. Baka ako talaga ang totoong mahal kasi nagtagal naman kami. Baka nabored lang siyang konti at humanap ng thrill kaya niya nagawa iyon. Hindi ko makita ang sariling hindi siya ang kasamang tumanda.

Naligo ako at masinsinang inayos ang sarili. Sinuot ko ang pinakadisente kong damit. Gusto kong kahit na sa pagkakataong ito lang, mas angat ako kay Gavin. It's turning to a competition anyway and Michiko is the plaque of victory.

Maaga akong nagpunta sa paborito naming restaurant. Nagulat akong makitang naroon na si Michiko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Iyon din ang suot niyang damit noong Makita ko silang magkasama ni Gavin sa park kaninang makapananghali. Hindi man lang siya nag-abalang mag-ayos.

"Ang aga mo naman. Happy anniversary." Pinilit kong ngumiti. Agad akong naupo sa harap niya. Hindi ko nagawang lumapit at humalik tulad ng nakasanayan dahil nakaramdam ako ng pandidiri. Yung tipong nalawayan na ni Gavin tapos hahalikan ko pa. Naisip kaya niyang magtoothbrush bago pumunta dito o hindi?

Ngumiti si Michiko. Hindi ko na alam kung totoo pa ang mga ngiti niya o ay bahid panloloko tulad ng ginagawa nila ni Gavin. "Happy anniversary. Apat na taon na pala tayo. Ang bilis lang ng panahon."

"Oo nga, eh." Ipinasok ko sa bulsa ng pantalon ko ang aking kamay at hinawakan ang singsing. Napaisip ako kung itutuloy ko pa ang proposal. Naguguluhan ako.

Tumawag si Michiko ng waiter. Alam na niya ang mga paborito naming kainin dito sa restaurant. Siya na rin ang umorder noong makalapit ang waiter. "Tahimik ka yata." Pagsita niya sa akin.

"Mahal mo ba ako?" Seryoso kong tanong.

"Oo naman." Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Dahil doon, alam kong nagsinungaling siya.

"E 'di, handa kang magpakasal sa akin kung nagkataon." Dugtong ko.

Natigilin siya sa tanong ko. Tila hindi niya alam ang isasagot. Let the silence talk. Noong mga panahon na iyon, alam kong hihindi siya pero hindi pa rin ako nagpatinag. Inilabas ko ang singsing sa bulsa ko ay ipinakita ito sa kanya. "Will you marry me, Michiko?" Tiningnan ko siyang mataman. Gusto ko siyang umoo.

Umiwas siya ng tingin. "Prix, hindi natin kailangan umabot dito. May kailangan kang malaman."

Nadismaya ako sa sinagot niya. Oo, sinubukan kong ihanda ang sarili ko kung hindi siya umoo. Pero masakit pala lalo na kapag sa bibig na niya mismo nanggaling. "Ang ano? May relasyon kayo ni Gavin?"

Mabilis siyang napatingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata sa gulat. "Paano mo nalaman?"

"Anong akala mo sa akin, tanga?" Tumawa ako ng mapait habang napapailing. "Kailan pa?"

"Mag-iisang taon na."

"Bakit mo nagawa sa akin ito?" Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko kahit na sa loob-loob ko ay gusto kong magwala.

"Hindi na kita mahal." Napayuko siyang may pagyukom ng palad.

"Lang" Hindi ako kuntento sa sagot niya.

"Para ka kasing walang patutunguhan. Kuntento ka na diyan sa pagiging barista mo. Wala kang pangarap. Iyan, may plano ka palang pakasalan ako. Ano? Maluluhuan mo ba ako? Maipagpapatayo ng bahay? Mabibilhan ng kotse? Hindi. Ang gusto ko, ang mapapangasawa ko, mayaman tulad ni Gavin. 'Yong maipagmamalaki. Sorry, Prix. Hindi ikaw 'yon. Maghiwalay na tayo.

HELLO, MY EX! (very slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon