Chapter 3:

156 5 0
                                    

MICHIKO

"Bwisit 'yang hayop na Prix na 'yan! Ang tapang ng hiyang iwanan ako doon. May paltos na nga ang mga paa ko, pinaglakad pa akong malayo. Manager ko pa! Buhay nga naman." Niirita kong reklamo sa harap ng salamin sa kwarto ko. Ang daming nangyari ngayong araw. Hindi ko rin inaasahang makikita ko ang ex ko. Mas lalong hindi ko inaasahan ang pagtaas ng social status niya.

Marami akong hindi maintindihan. Paano niya naging ama ang CEO ng Vineyard Hotel? Bakit sobrang lamig na ng pakikitungo niya sa akin? Samantalang tatlong beses pa siyang lumuhod sa akin para balikan ko siya. Tumingin ako sa bintana. Sabagay, talaga ngang lalamig ang pakikitungo niya dahil sa mga ginawa ko. Ang taong walang ginawa kung hindi mahalin ako, sinaktan ko lang. Ipinagpalit ko sa taong inakala kong magpapasaya sa akin.

Hinawakan ko ang pisnging hinagkan ni Prix. Bigla akong napangiti. Hindi ko mawari sa sarili ko kung bakit. Parang thriller-romance-comedy ang genre ng muli naming pagkikita. Thriller dahil biglang kumabog ang dibdib ko sa gulat. Romance dahil bumalik ang alaala ng nakaraan namin. Comedy kasi ginagawa nalang yata niya akong katatawanan.

Muli akong humarap sa salamin. Sinipat ko ang sarili ko. "Mataba na ba talaga ako?" Bumaba ang tingin ko sa bandang tiyan. Hinipo ko ito. "Hindi naman kalakihan ang tiyan ko, ah." Nang-aasar lang talaga ang Prix na 'yon. Nagulat ako noong biglang may pumaswit sa bandang likuran ko. "Ay, multo!" Napasigaw ako. Pagtingin ko, nakita kong ngumingisi si Louisse. "Ikaw lang pala."

Hindi pa rin mapigilan ni Louisse ang pagtawa habang lumalapit sa akin. "Anong ginagawa mo? Kanina ka pa hinahanap sa office."

Humarap ako sa kanya. "Louisse, mataba ba ako sa paningin mo?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Tingin ko, hindi ka mataba. Ang sexy mo nga, e. 'Yon nga lang, mukhang mapapagalitan ka mamaya kapag hindi ka pa umakyat. May mali yata sa inencode mo."

Ayaw ko pa sanang umakyat kasi makikita ko na naman si Prix pero naalala kong nasa trabaho nga pala ako. Hindi uubrang mag-maktol ako. Professionalism is a must. Sabay na kaming umakyat ni Louisse. Sumilip muna ako para tingnan kung nandoon si Prix bago ako tuluyang pumasok sa opisina. Buti naman at wala.

Sinabihan ako ni Lynette tungkol sa maling na-encode at pinatama ang mga iyon sa akin. Kailangang mai-email agad 'yon sa iba't ibang department para malaman nila ang arrangements and amendments na napag-usapan para sa function na gaganapin bukas. Madali ko lang natapos iyon. Sinabihan na rin ako tungkol sa mga bagay na kailangan kong matutunan sa loob ng isang linggo. Pakakawalan na kasi ako bilang isang event coordinator pagkatapos ng training. Bring it on!

Nagulat ako noong may isang babaeng pumasok. Hindi ako pamilyar sa kanya dahil mukhang hindi siya nagtatrabaho sa department na ito. "Good afternoon." Bati niya sa lahat. "Si Prix?"

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nothing special. Mas matangkad, mas maganda ang hubog ng katawan, mas maganda, at mas sagana nga lang siya sa hinaharap kaysa sa akin. Teka, sino naman siya?

"Ma'am Vine, Sir Prix is not here as of the moment." Nakangiting sagot ni Liam.

"May I know where he is?" Nag-aalala nitong tanong. Nanay ba?

"He's in the meeting right now with other managers." Linapitan siya ni Liam. "Gusto mo, ma'am, dito mo nalang hintayin si sir. Chismisan muna tayo." Nagtawanan silang dalawa.

"Liam, nasa work pa. Alam mo naman 'yong manager mo." Inabot niya kay Liam ang box na hawak. "Anyway, here's my pasalubong for all of you."

"Wow!" Sabay-sabay na napasigaw sina Liam, Louisse at Lynette. Tumayo sina Louisse at Lynette sa kinauupuan at lumapit na babae. Nagkwentuhan ng kaunti tapos pinapasok na nila sa opisina ni Prix. Palaisipan pa rin sa akin kung sino siya.

HELLO, MY EX! (very slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon