Chapter 1:

188 12 0
                                    

"Shit!" Hindi ko napigilang mapasigaw nang madulas ako sa rampang dinaanan. Hindi ko inakalang madulas pala iyon. Kung nasa tamang wisyo naman kasi talaga ako, hindi ako lalakad doon habang nakasuot ng four-inches high heeled shoes habang malakas ang buhos ng ulan. Mukha tuloy akong kawawa dahil putik-putik na ang suot kong damit. Napagtawanan pa ako ng mga tao sa paligid ko. Mga kulang sa aruga! Wala man lang tumulong sa akin. Pailalim kong tiningnan ang mga tao sa paligid lalo na ang mga tumawa. "Oh, ano? Kaya niyo? Ako lang ang may kaya no'n!" Kinuha ko ang payong ko at akmang tatayo na noong mapansin kong naputol pala ang takong ng kaliwa kong sapatos. Napapalatak ako sa inis. "Lintik na buhay 'to, a! Ang happy!" Tinanggal ko ang mga sapatos na suot ko at hinagis sa gilid ng daan. No choice! Sino naman ang magtinong babaeng mukhang tangang maglalakad suot ang sapatos na may sirang takong.

Tumingin ako sa relong suot ko. Dalawampung minuto nalang, malelate na ako sa trabaho. First day ko pa naman. Gusto ko sanang magpabibo sa bago kong boss para maranasan ko naman kung paano ang mapromote. Puro sila nalang? Nang dahil sa kung anong kamalasan na dala ng araw na ito, sira ang mga plano ko.

"Nako, hija, ayos ka lang ba?" Tanong ng isang matanda.

Napalingon ako sa direksiyon niya. May mukhang uugod-udog na matandang babae pero naghahanap buhay pa rin dahil nakabantay siya sa isang ukay-ukay. "Opo." Mahinahon kong sagot. Bigla akong napangiti noong mapagtantong nasa harap ako ng murang bilihan ng mga damit. "Ukay-ukay!" Napasigaw ako sa sobrang tuwa. Kung uuwi pa kasi ako sa bahay para lang magpalit ng damit, aabutan ako ng siyam-siyam at baka masisante agad sa trabaho.

"Masyadong maputik 'yang damit mo. Baka kailangan mong pamalit. Halika, mamili ka." Paanyaya niya sa akin. Lola, you're such a blessing!

"Kailangang kailangan ko po kasi malelate na po ako sa trabaho ko." Agad akong pumasok at naghanap ng pinakadisenteng damit at sapatos. Nang makapili na, nagpalit ako kaagad at binayaran ang pinamili sa matanda.

Mabilisang takbo ang ginawa ko papunta sa Vineyard Hotel. It is one of the most popular five-star hotels in the Philippines because of its luxurious facilities and great service. It's like a haven of escape in the middle of the city. It is also one of the prime choices for grand events like product launches, concerts, debuts, and weddings.

Nakatakda akong magtrabaho doon bilang isang event coordinator. Habang naglalakad ako sa rampa papunta sa employees' entrance, napatingin ako sa relong nakasabit sa guard house. Late na ako ng labinlimang minute. Naglog ako sa logbook. Papasok na sana ako sa entrance noong may makabunggo akong lalaking nagmamadali. Nalaglag tuloy ang mga folder na hawak niya. "Hindi nag-iingat." Singhal ko habang tinutulungan ang lalaki sa pagpulot ng mga iyon. "Heto, oh. Sorry, nagmamada---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong makita ko ang mukha niya. Para akong nakakitang multo. Hindi ko siya inaasahang makita dito. Isa pa, matagal na akong walang balita sa kanya. "P-Prix." Mautal-utal kong banggit sa pangalan niya.

"Ikaw pala." Kinuha niya ang mga folder mula sa akin. "Salamat." Akmang lalampasan niya lang ako.

Huminga akong malalim kasabay ng pag-iling para magising ako sa reyalidad. Inasahan kong kakausapin ako ni Prix na parang noong dati pero bigla kong naalala lahat ng kagagahang nagawa ko kaya siguro malamig ang pakikitungo niya sa akin. "Anong trabaho mo dito? House keeper? Barista? Wala ka talagang asenso." Tumawa ako ng malakas at dumeretso ng paglalakad papunta sa HR office.

Pagkatapos akong pagalitan at bigyan ng nameplate at locker, hinatid na ako sa Events and Celebrations Department. Doon ako nagkaroon ng briefing para maintidihan ang standard operating procedures at mga responsibilidad ko bilang isang empleyado.

Maya-maya, natigilan ang lahat noong biglang may pumasok sa opisina. "Good morning, sir." Bati ng lahat sa kanya. Napatitig ako sa kanya. Bakit sir ang tawag sa kanya? Mataas ang posisyon niya? Hindi ako makapaniwala sa nakita't narinig. Hindi ako sanay makita siyang naka-coat and tie habang ayos na ayos ang buhok niya dahil sa hair styling wax na inilagay. Parang hindi siya ang lalaking nakilala ko ilang taon na ang nakalipas. "Prix." Hindi ko makapaniwalang bulong sa sarili.

HELLO, MY EX! (very slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon