Sabi ng nanay ko wag daw muna akong magboyfriend dahil bata pa ako. Sixteen na kaya ako, Teenager Kumbaga ba't di pa pwede? Yung iba nga diyan nakikita ko sa plaza ang babata pa nila naghahalikan na kaedad ko pa nga yung iba, Gusto ko rin maranasan yung magmahal yung my nagmamahal sayo yung my nagaalaga sayo yung meron nagtetext sayo tuwing umaga oh my magsasabing I love you Sayo sabay kiss haaaaaay! Kailan kaya ako makakahanap ng para sakin? Ako nga pala si Salvi Villanueva ang gusto nang magkaboyfriend sa barkada.
Ako? Ako yung taong gusto lang mag-aral yung books lang dapat ang kinakusap o tinitignan ayoko ng mga lalaki allergy nga yata ako sa kanila, Ang motto ko nga sa buhay ko "Books before boys" my rason ako kung bakit ayaw ko sa mga lalaki sabi nga ng bestfriends ko baka kainin ko daw yung mga sinabi ko pag dumating yung prince charming ko! Yucks, Prince charming? Magbabasa nalang ako ng libro my matutunan pa ako. Sabi nila pag Teenager kana diyan ma daw mararanasan ang Love Infatuation at Temptation Tsk. Kaya mo rin naman iwasan yan pag gusto mo, Ako nga pala si Liza Gerona ang man hater ng barkada.
Minsan baliw minsan naman lutang ako yun kase ako yung tipo ng tao na kahit hindi dapat pinoproblema pinoproblema ko, Wala kayong magagawa ganyan ako eh! Katulad ngayon pinoproblema ko yung Teenage Life ko ano kaya ang mangyayari sakin ngayon sixteen na ako? Hmmm. Nakakakaba na nakakaexcite kinakabahan ka dahil sa mga Pagsubok na dadating sayo tapos nakakaexcite dahil Teenager kana. Ako nga pala si Cleofe Dela Cruz ang laging problemado sa barkada.
Sabi nila maganda ako, Hmmm. Totoo naman! Hindi ako maarte, hindi din ako war freak pero dependi pag inunahan mo ako pwes mag expect kana na makikita mo si satan kase dun ang bagsak mo once na inaway mo ako oh isa sa mga kaibigan ko. Katulad ni Salvi gusto ko na rin magkaboyfriend Teenager na kaya ako ayoko naman na maging lonely forever si Liza yata kaya yun. pero ako? No way. Over my dead and sexy body! Gusto ko magkaanak siguro mga isang dosena pero syempre joke lang! Ayoko maging losyang no. Ako nga pala si Clira Jane Gerald (my half ako kaya ganyan ang apelyido ko) ang pinakamaganda sa barkada *Flip ng hair*
I love music, Hindi ako mabubuhay ng walang music hindi ko alam ba't adik ako sa music siguro dahil sa lyrics? Kase yung mga lyrics my mga laman na mensahe kaya siguro gusto ko dahil parang naiintindihan ako nila parang kinakausap nila ako hindi ako baliw okay? Pero pag sa music baliw na baliw ako. Marami kayang Teenager diyan na adik din sa music pag masaya sila nakikinig sila sa music pag malungkot nakikinig parin sa music kapag nagagalit ganon din. Siguro ganyan talaga ang buhay naiikot sa musika! Ako nga pala si Lina Tan ang music lover ng barkada.
Minsan ang buhay maraming gusto gusto ng Music gustong magkaboyfriend gusto magpakasal sa libro gusto ng problema gusto ng maging maganda! Ganyan siguro ang buhay maraming gusto pero magulo. ako isa lang naman ang gusto ko yung masaya lang dapat walang dapat proproblemahin kahit alam kong proproblemahin parin yun ni cleofe. Haaay! Pero minsan sa Teenage Life natin marami tayong mararanasan Mainlove, Masaktan, Magparaya, magsakripisyo. Ganyan talaga ang buhay magulo pero kahit anong mangyari dapat natin harapin at kayanin ang lahat para sa pagmamahal. Ganyan ang Teenage Life ako nga pala si Kiara Jane Cruz ang magulo sa barkada.
Eto ang kwento ng aming TEENAGE LIFE ❤