1

6 0 0
                                    


Ang sakit sa ulo ng mga kaibigan ko kanina ko pa tinatanong kung saan kami kakain ng lunch, Pero eto sila nagkakagulo.

"Mas masarap nga sa jollibee, ang sarap kaya ng chickenjoy nila with spaggetti pa, kaya dun tayo" Sabi ni Lina with matching irap pa.

"No way! Para sa mga bata lang ang jollibee kung ako sa inyo sa MCDO nalang ang sarap kaya ng fries nila no" Maarte na sagot naman sa kanya ni Clira.

"Parang hindi naman pangbata yung MCDO. sa sbarro nalang tayo" Sabi ni Salvi

"Seryoso ka Salvi? Tanghaling tapat sbarro? Ano kakainin natin don pasta? Lunch kaya ngayon sa Mang inasal nalang." Sagot naman ni Cleofe.

Napairap nalang ako sa kanila. Hay! Ang hirap pag my barkada ka na katulad nila nakakastress!! Mas nakakastress pa sila sa Algebra. Hay!

"Ano ba kayo! Magsitigil nga kayo. Mcdo? Jollibee? Sbarro? mang inasal? Sa bahay nalang tayo kakain bibili nalang tayo kina aleng linda ng ulam. Ang gulo niyo" Sabay walk out ni kiara.

Tama bibili nalang kami ng ulam kina aleng linda, Mura na masarap pa san ka pa?

"Aleng linda nanaman? Please lang sawang-sawa na ako sa lutong bahay, atsaka diet ako! Dapat Vegetables lang yung kakainin ko" Inarte ni clira.

Minsan talaga ang sarap sapakin ng babaeng to!

"Vegetables? My laswa dun. Kaya tara na" Hatak sakanya ni Lina.

Inirapan nalang ni Clira si lina tumawa naman kaming tatlo nina cleofe at salvi. Sinundan nalang namin si kiara sa sasakyan! Yeps my sasakyan kami!

Matagal na kaming magkasamang anim since birth, magkakaibigan kase ang mga magulang namin kaya nagkakakilala na kaming anim!

Iisang bahay din kaming anim, gusto niyong itanong kung bakit? Dahil nasa states yung mga magulang namin inaasikaso yung negosyo nila, niregalo nina mommy samin yung bahay namin nong first year kami kailangan daw namin matutong maglaba mamalantsa at Tumira ng kami lang. Wala silang binigay samin na katulong, okay rin naman samin actually nga masaya kami! Sino ba namang teenager ang hindi magiging masaya pag magkakasama sila ng kanilang kaibigan sa iisang bubong para sakin ang swerte namin. 

Hindi kami yung tipong sobrang yaman, Yung may kaya lang yung tipong pag my kailangan ka kayang ibigay sayo ng magulang mo yung kailangan mo.

Nandito na kami kina aleng linda, matagal na kaming suki ni aleng linda pag tinatamad kaming magluto bumibili lang kami ng pagkain dito.

"Hi aleng linda namimiss niyo ba kami?" Bungad sa kanya ni kiara.

"Hay nako! Kayo nanaman? Kaninag umaga lang nandito kayo ha? Ang tatamad niyo talagang magluto" Sabi ni aleng linda.

Tumawa nalang kaming anim tapos pumili na kami ng ulam namin, pagkatapos naming pumili sumakay na agad kami sa sasakyan para umuwi na sa bahay.

Pagdating namin sa bahay meron malaking truck sa katapat namin. Mukhang yata my lilipat ha? Matagal din namang tapos yang bahay. Ba't ngayon lang sila lumipat?

"Ay sa wakas, my lilipat na diyan sa blue house my neighbor na tayo" Sabi ni lina.

Wala kase kaming kapit-bahay.

"Ay! Diba matagal na yan natapos? Ba't ngayon lang sila lumipat?" Sabi naman ni cleofe.

Oo nga ba't ngayon lang? Last 2 years pa yan natapos ha? Paglipat kase namin sa bahay namin pinapagwa na yan. Nong second year kami tapos na yan!

"Alam mo kyupi, ang problemada mo talagang babae ka! Kahit hindi dapat pinoproblema pinoproblema mo! Maawa ka nga diyan sa cells mo nastrestress na sila sayo! hay nako tara na nga" Sabay bukas ng pinto ni kiara.

"Ang sungit niya yata ngayon, meron ba siya?" Sabi ni cleofe.

Tumawa nalang kaming apat. Agad naman kaming bumaba sa sasakyan! Dahil baka maging dragon naman si kiara!

Papasok na sana kami kaso biglang my tumawag samin.

"Girls" Sabi ng taong nasa likod namin.

Tinignan naman agad namin kung sino yun.

"Oy Nikki ikaw pala! Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa kanya ni Salvi.

"Nilalagay ko lang yung mga gamit sa loob!"

Agad naman kaming nagulat sa sinabi niya.

"Kayo ang bagong lipat diyan?" -Lina

"Nope! Cousin ko at yung mga barkada niya ang titira diyan, ako lang yung nagliligpit" Paliwanag niya samin.

"Ahhh! Akala ko ikaw! Girls din ba?" Tanong sa kanya ni kiara.

"Nope ulit. Boys silang lahat mga pasaway eh! Kaya pinatapon sa pinas! By the way i need to go! See you when i see you" sabay halik niya samin at umalis na.

"Ay boys? Nakakaexcite naman yun baka mga gwapo! Kailan sila lilipat? need kong magpasalon" Maarteng sabi ni clira.

I hate boys.

Binatukan naman agad siya ni kiara

"Pasok ka na nga Clira ipatapon kita sa dagat eh" Umalis naman agad si kiara.

"Che" Sabi sa kanya ni clira

"Laging nagwawalk-out sakit niya sa bangs" Sabi naman ni Lina

"Base sa readers digest once na mag walk out yung isang tao kinikilig or galit siya oh minsan naman hindi niya na kaya yung mga naririnig niya. Base sa kaso niyo galit siya! Imposible namang kinikilig diba? Atsaka lina paalala ko sayo wala kang bangs!" Sabi ko sa kanila.

"Ang daming mong sinasabi" Sabi sakin ni lina.

"Hindi madami ang sinabi ko kung ibabase lahat sa dami yung sinabi ko kon--" Magsasalita pa sana ako kaso biglang sumingit si salvi.

"Okay na? Okay? Tama na! Ang sakit sa ulo ng mga sinasabi mo." Sabi ni salvi.

Inirapan ko nalang sila at pumasok na, pagpasok namim hinanda agad namin ang pagkain namin atsaka kumain na kami!

"Akala ko diet ka? Ba't nakadalawang plato ka?" Tanong ko ky clira.

"Bukas nalang ako magdadiet ginutom kase ako sa mga sinasabi mo" Sabi niya.

Tinapunan ko siya ng tissue pero nakaiwas siya. Binelatan niya lang ako at kumain ulit!

Pagkatapos naming kumain nag tulong-tulong kaming ligpitin yung kinainan namin at pagkatapos namin ligpitin. nagusap nalang kami sa sala.

--------------------------------------------------

Hi guys! First story ko. Sorry kung medyo magulo di ko pa kase alam kung pano talaga gawing ang storya na to sana maintindihan niyo :)

@KJ

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teenage LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon