Chapter 4

35 0 0
                                    


His Place

Totoo nga talaga na you never know the person unless you share moments with each other. Sobrang weird lang kasi di mo naman ine-expect na magiging komportable ka sa taong di mo naman lubos kilala talaga.

Ang gulo ba? Hindi ko din maintindihan ang sarili ko basta alam ko nagsimula to dahil sa Naji na yun.

Katatapos lang ng first class namin kaya nag-aayos na ako ng mga gamit ko may one hour vacant kasi kami.

"Uyy, Mika congrats ah kayo pala ni Naji?"

Kanina pa may mga nagco-congrats sakin pagkapasok ko palang sa gate, nakita siguro nila yung picture namin ni Naji.

"Naku! Hindi nga kami, kumakain lang kami nun" sabi ko kay Leika.

"Suplado kaya yun, so ibig sabihin close kayo kung hindi mo siya boyfriend ibig sabihin nililigawan palang?"

Ang kulit naman ng mga to kahit anong tanggi ko hindi naman sila maniniwala kaya mas mabuti nalang manahimik. It's hard to convince people to believe the truth when the only truth they believe in are only based on their own level of perception.

Hindi ko nalang sila pinansin. Nagtungo nalang ako sa cafeteria para bumili ng snack.

"MIKA!!" napalingon ako sa tumawag sakin.

"Oh Jake? Bakit?"

"Kayo pala ni Naji?" ngumisi pa ang loko.

Isa ding sira to eh, kung di ko lang alam na nililigawan ni Clint si Rika masasabi kong mas bagay sila. Parehong chismoso eh.

"Hindi no! Kumain lang kami" mas mbuti nang itanggi ko kaysa mag-assume sila. Mas mabuti pang marinig nila mismo sakin baka sabihin pa ni Naji na nag-eenjoy ako.

"Ano na naman yan Jake?" speaking of..

"Bro, nandiyan ka pala sige alis na ako baka may date pa kayo" pang-aasar pa ni Jake sabay takbo.

"Vacant?" tanong niya

"Yeah, kayo din?"

"Hindi, absent teacher namin"

Napatango nalang ako. Okay naman ako kahapon pero ngayon simula ng marami ng nagtatanong sa akin kung girlfriend niya ako bat parang naging awkward.

"Sige, una na ako" sabi ko sabay ngiti.

Tumalikod na ako at nakakailang hakbang palang ako ng bigla na niya akong tinawag.

"Mika! Wait!"

"Bakit?"

"May itatanong lang sana ako" sabi niya sabay kamot pa sa ulo niya.

"Ano yun?"

"I sent you a friend request, nakita mo ba?"

Oo nga pala, di ko pala sya na-accept. Sa totoo kasi nyan nagdadalawang isip ako kung ia-accept ko ba o hindi dahil unang-una baka hindi siya yun kasi wala naman sa itsura niya yung mahilig mag facebook ehh...parang ang seryoso nya lang lagi... at pangalawa nahihiya din ako sa kanya ng konti dahil dun sa picture.

"Hindi, maaga kasi akong natulog eh...sige titingnan ko" sabi ko nalang sabay ngiti. Nakakahiya naman kasing umamin baka mamaya sabihin niya pang nagmamaganda ako.

"May gagawin kaba ngayon?" tanong niya sakin.

"Wala naman, magpapalipas lang siguro ng oras hanggang matapos yung vacant namin"

"Nice, I was about to go to my place.... and I was just thinking if you might wanna come with me"

Teka.. ano daw? Bat naman ako sasama sa place niya...at kung sasama nga ako anong gagawin namin dun hindi pa naman kami masyadong close kaya bakit?

"uhm.. you mean your place? bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Well, para magpalipas ng oras?" hindi sigurado niyang sagot. Pulang pula narin yun mukha niya parang nahihiya na rin siya... nahihiya rin tuloy ako para sa kanya, pupunta daw kami para magpalipas.oras.sa.place.niya.

Ano naman kayang klaseng pagpapalipas oras yun at dun pa kami pupunta.. nako ang mga lalaki talaga ngayon sa una lang matino pero pag nakasama mo na pumupusok din.

"I know your intention but sorry to disappoint you... I'm not interested at bata pa tayo" diretsahan kong sabi sa kanya mas mabuti na yung nagkakaintindihan kami sa una palang..

Iniwan ko siya dun habang nanlalaki ang mata niya, nagulat siguro siya at diretsahan ko siyang tinanggihan... nakuu ang mga lalaki talaga pag pinagbigyan mo ng konting oras mo aabusuhin na, akala ko pa naman iba siya.

Napagpasyahan ko nalang na bumalik sa room namin para narin makaiwas sa mga babaeng nagtatanong kung kami na daw ba ni Naji. Habang naglalakad ako may biglang humawak sa kamay ko at nung napalingon ako..

"You got it all wrong" hinihingal na sabi ni Naji.

Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya at nagulat din ako dahil parang hinabol niya talaga dahil hinihingal pa siya.

"Ha?"

"Kung ano man yung iniisip mo.. that's not what I mean"

Teka.. ano ba talaga? Ba't ba kasi ang dumi ng utak ko? Sabi niya kasi punta daw kami sa place niya.. meaning sa bahay niya.

"Diba you're inviting me to your place?"

"Yeah, but it's not what you think"

Hindi ko parin maintindihan.

"What I mean is, if gusto mo bang pumunta dun sa secret place ko.. sa likod ng school diba? Kahapon?"

OHMYGOD!!! SAKSAKIN NIYO NALANG AKOOO!!!!!! NAKAHIYAAAA!!!!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

String Fated HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon