Naji
"CLASS LISTEN!" Sabi ng teacher namin habang pinapalo ang desk. Every year ganito talaga ang eksena paano ba naman ang ingay ng classmates namin isama mo pa yung taga ibang section. Malapit na kasi ang Intramurals namin at by year level daw kaya kailangan magmeeting bawat year level. Grade 9 na nga pala kami.
"Mik, anong sasalihan mo?" tanong ni Rica kaibigan ko.
"Ano pa ba? Eh sa badminton lang naman ako magaling" sabi ko sabay tawa
"Oo nga hahaha, pero balita ko may LITMUS din daw sasali ka ba?"
"Hmm depende, siguro.. ewan" sabi ko nalang hindi din kasi ako sigurado baka mag conflict sa schedule ng practice. Pero marunong naman ako sumayaw baka sumali ako pag di conflict.
Kasalukuyang nag a-assign na sila ng mga participants. Hindi nalang ako masyadong nakinig wala rin naman akong naintindihan ang ingay kasi.
"Uy Mik, Badminton ka parin?" tanong ni Clint habang nakangiti. Ang lakas talaga ng dating nito kaya Crush ko to eh. Napatitig nalang ako sa kanya.
"Mika okay ka lang?" hindi pala ako nakasagot, ano ba yan nakakahiya. Malanding Mika!
"Ah hehe, okay lang. Sorry may iniisip lang"
"Mukha nga ang lalim eh, ano bang iniisip mo?"
"Ikaw" pabulong kong sabi
"Ano yun?"
"Wala sabi ko, ano nga ulit yung tanong mo?"
"Ahh oo, sabi ko kung Badminton parin ba ang sasalihan mo"
"Oo, ikaw? Volleyball?"
"Oo hahaha gusto ko nga sanang i-recruit ka kasi may mix daw this year at balita ko magaling ka rin"
"Naku hindi ako masyadong magaling tsaka nakapag-usap na kami nila Cykie nung isang araw eh fixed na yung team. Sorry"
"Ganun ba? Hindi okay lang next time na lang. Sige mauna na ako" sabi nya habang nakangiti pa rin
"Sige" napangiti na rin ako nakakahawa yung ngiti nya eh.
"HOY! Kung makangiti ka diyan Crush mo si Clint noh?" biglaang sabi ni Rika. Nandito parin pala to.
"Hindi ah, atsaka kung crush ko man yun di ko sasabihin sayo hindi mapagkakatiwalaan yang bunganga mo" sabi ko sa kanya, totoo naman eh. Baka asarin pa ako ng asarin nito kay Clint baka hindi na ako kausapin non.
"Si Mika ma'am" sigaw ni Cykie. Naglilista na pala sa Badminton.
"Mika set A ka" sabi ni Ma'am
"Okay ma'am"
"Okay since kumpleto na lahat ng participants may announcement akong sasabihin kaya makinig ng mabuti"
Napaayos ako ng upo at handa ng makinig. Ganun din ang mga kaklase ko.
"So kahapon nagmeeting kami kasama lahat ng teachers sa faculty" panimula ni ma'am
"At napag usapan namin na magkaroon ng Mr. and Ms. Southway High"
Nag-ingay yung mga classmates ko puro mga excited. Nakakaexcite nga naman parang yun yung nilo-lookforward namin last year kaso di nangyari kaya ang saya.
"Ma'am sino po ang participants natin?" tanong ni Michelle
"Yan nga ang pag uusapan natin, sino ba sa tingin niyo?"
"Si Rika nalang po ma'am" napatawa ako ng bahagya at napatingin sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Sama ng ugali mo" sabi niya, maganda naman si Rika morena siya, maliit din ang mukha niya, matangkad at maganda ang katawan pwedeng pwede nga siyang sumali pero yun naman siguro ang initial reaction mo pag kaibigan diba, ookrayin mo muna.
"Pangit mo hahaha" sabi ko sa kanya na lalong nagpatalim ng titig niya.
Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sila sa amin dahil na rin kay Rika.
"Pwede si Rika, payag ka ba Rika?" tanong ni ma'am
"Okay lang po" sagot naman niya
Confident naman si Rika kaya baka maipanalo niya to.
"Okay meron na para sa Ms. Southway High partner na lang" sabi ni ma'am at tumingin tingin sa class parang sinusuri kung sino ang pwede. Actually marami naman pogi dito sa amin kaya siguro hindi din mahirap humanap ng representative.
"Naji? Ikaw nalang pwedeng pwede ka iho" sabi ni ma'am habang nakangiti. Kaya napatingin din ako kay Naji.
Hmm pwede nga, gwapo rin naman siya. Hindi kami close niyan pero nagkakasalubong din naman kami sa campus hindi nga lang kami nagpapansinan. Balita ko rin sobrang oc niyan, at maarte daw. Well, mukha ngang suplado yan sa tindig palang eh.
"Ano Naji, payag ka ba" tanong ni ma'am na nakangiti parin parang bet talaga ni ma'am isali to ah, sabagay parang bagay naman sila ni Rika.
"Ayaw niya daw po ma'am kasi nahihiya siya sa crush niya" biglang singit ni Jake bestfriend yata ni Naji yan palagi silang magkasama eh.
Nagtawanan ang mga kaklase namin. Napatingin ako kay Naji, at nagulat ako dahil nakatingin siya sakin nag iwas din naman ng tingin o baka assuming lang ako hahaha
"Uyyy, si Naji Del Mundo may crush!? sino kaya dito yun" asar pa ng ibang boys.
"Iho dapat nga magpabilib ka jan sa crush mo, sumali ka na" pagkukumbinsi pa ni ma'am.
"Wala po akong crush ma'am at focus po ako ngayon sa chess si Jake na lang po" sabi ni Naji
"Hoy anong ako? Si..sige po ma'am ako nalang" sabi ni Jake sabay kamot sa ulo matapos pandilatan ni Naji natawa na lang ako sa kanila.
Natapos din ang meeting kaya sabay kaming lumabas ni Rika.
"Mik, mauna ka na may dadaanan lang ako saglit kita na lang tayo sa canteen" sabi ni Rika
"Sige, mauna na ako" naglakad na ako patungong canteen ng makita ko si Clint parang papunta sa may CR at dahil curios ako sinundan ko siya. Dahan dahan lang ang lakad ko at di ako masyadong lumapit sa kanya dahil baka mahalata ako. Pero kita ko parin naman siya.
Teka si Rika ba yon? May relasyon sila? Omg, bakit hindi sinabi sakin ni Rika to. Crush ko lang naman si Clint hindi naman ako magagalit kung sila, ibig sabihin ba nito hindi niya ako pinagkakatiwalaan? Nalungkot ako sa naisip ko kaya napayuko ako at tumalikod nalang naglalakad ako ng nakayuko nalulungkot talaga ako. Crush ko pa naman si Clint pero okay lang yun mabait naman si Rika. Nagiisip parin ako ng malalim at hindi ko namalayan na nabangga na pala ako.
"Naku! Sorry, hindi ko sinasadya" mukhang natapakan ko pa yung sapatos niya. Marumi na tuloy. Lagot ako, pag angat ko ng tingin mas nagulat ako dahil si Naji ang nabangga ko doble malas, ang arte pa naman nito.
"Naku! Sorry talaga Naji may iniisip lang kasi ako kanina" naiiyak kong sabi nakakatakot daw kasi to magalit lalo na pag nadumihan mo ang gamit niya. At sa kamalas malasan sapatos pa talaga niya ang natapakan ko.
"It's okay just be careful next time" tipid niyang sabi.
Napatanga ako, akala ko kasi magagalit siya ng sobra. Well, baka mabait talaga siya ine-exagerrate lang ang kwento tungkol sa kanya.
"Ahmm sige thank you, sorry ulit" yumuko pa ako
Maglalakad na sana ako ng bigla siyang nagsalita ulit.
"Mika, pwede ba kitang imbitahan" napakunot ang noo ko, san niya ako iimbitahan? Hindi din naman kami close.
"San ba? At bakit ako?" sagot ko
"Kasi may lakad si Jake parang may briefing daw sa kanila ni Rika" nalungkot ulit ako ng marinig ko ang pangalan ni Rika
"Oh tapos?"
"Hindi kasi ako sanay kumain mag isa kaya sabay nalang sana tayo" napaisip ako dun, total hindi din naman yata si Rika makakarating sa canteen, mas mabuti siguro sabay na kami ayaw ko din naman kumain mag isa.
"Sige, wala rin naman akong kasama"
BINABASA MO ANG
String Fated Harmony
Teen FictionECLIPSE SERIES #1 Mika Saldua is one of the most popular artist in her time. She's a member of the famous band Eclipse. She had everything. Stable career, supportive family, huge fan base, and a loving boyfriend. But she did something in the past an...