Last

20 0 0
                                    

Hindi natanggap sa pagiging sales lady si Liz pero naging Promo Girl siya ng isang Hotdog Product...

Liz: Good afternoon ma'am sir, Try our new product "Coldcat Hotdog" available in different sizes. And very affordable with 10% discount per pack.

Lalaki: Liz?

Liz: Ui!! Shin. Gusto mo? Hotdog.

Lalaki: Kung bibili man ako niyan, yun ay dahil maganda ang nagtitinda.

Liz: (Kilig) HAHA. You talaga. So! Mabiro. J

Lalaki: Labas tayo minsan ha?

Liz: Oh sure! Just call me.

Manager: Ehemm! Ehemm!

Liz: yes sir? Try our new product.

Shin: J No thanks. I have to go ;)

Pauwi na si Bea galing sa kaibigan. Umaasa siya na makatabi niya ulit ang kanyang Ideal Man. At ang bilis ma-grant ang wish niya. Nakatabi niya kaagad.Namumula naman siya at hirap huminga.

Lalaki: Ma'am, aba! Magkasakay naman tayo ha?

Bea: Ha eh? Oo nga J. Meant to be siguro este tamang timing lang.

Lalaki: Ako pala si Rafael and you?

Bea: Bea, Bea Rehas.

Lalaki: Nice name.

Manghuhula: Aba! Nakita mo na ang hinahanap mo.

Bea: (gulong-gulo) Ha? Nakita ang hinahanap?

Manghuhula: Oo, katabi mo lang... Manong para!

Bumaba ang manghuhula pero hindi pa rin magets ni Bea ang sinabi niya. Yun ba ay tungkol sa DESTINY niya? Ayiieee...

Lalaki: Ma'am, baba na ako sa susunod na kanto, pwedi ko bang makuha ang number mo? Sakaling di tayo magkatabi sa jeep, matatawagan pa rin kita.

Bea: Sige ba J (binigay ang number)

Lalaki: Thank you very much, til' next time po magandang binibini.Ingat.

Bumaba na si Rafael.

Lunes, pero hindi pumasok si Rhea. Niyaya kasi siyang magdota, hindi naman siya makatanggi sa barkada kaya nagcutting classes siya.

Matthew:Ui! Rhea.

Rhea: Oh, Ikaw pala Matthew.

Matthew: Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?

Rhea: meron kaso may tournament kami ng Dota.

Matthew: Ha? Magcucutting classes ka, para sa dota? Hindi yata tama yun. Oh sige, kapag natalo mo ako sa dota, hahayaan kita pero kapag nanalo ako hindi na kita ulit makikita dito na magcucutting classes.

Rhea: sus! Malabo yan! Mananalo ako.

Naglaro sila ng Dota.Makalipas ng Ilang Minuto.

Rhea: Oh! Shit! Talo ako?

Matthew: Yes! Talo ka! Ang deal tandaan mo. I keep on eye on you J.

At umalis si Matthew, napaisip si Rhea bakit kaya ang concern niya? May gusto ba siya kay Rhea? O illusion niya lang yun.

Gabi sa bahay ng mga Rehas...

Si Rhea lumalakad na parang zombie. Ang isip ay nasa Ulap.

Liz: Uy! Bruha, ba't tulala ka jan?

Rhea: Eh kasi ate... Yung crush ko, concern na concern sa future naming este ko.

Liz: Aba!! Lumalovelife ka na din?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maling Pag-ibing Bigay ni KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon