(3) "Thank you, Wrath."

739 30 4
                                    

Nagising ako sa nakakakiliting sensasyon sa may bandang leeg ko.  Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Wrath na nakayakap sa akin at himbing na himbing sa pagtulog. Paano na naman kasi, pagkarating na pagkarating namin dito ay nagshower lang siya tapos ay nagmerienda at natulog na. Nagising lang siya noong dinner na. At saka siya rin yong tumulong sa akin dahil nga napilayan ako. Nagmovie marathon kami kagabi kasama yong lima. Kaya ang labas, sikat na ang araw e tulog pa rin ang mga tao rito. Medyo masakit pa rin yong paa ko pero kaya ko naman maglakad basta dahan-dahan.

Kinuha ko yong cellphone ko sa ilalim ng unan at tinignan kung may mga messages. Wala naman so far kaya pinatay ko rin agad yon at tumunganga na lamang. Humikab ako bago ipihit ang tingin ko kay Wrath. Kainis! Bakit ang cute matulog ni Wrath? Samantalang ako, mukhang baboy kapag tulog. Ang unfair! Kinuha ko yong phone ko at kinuhanan siya ng iilang pictures gamit yon. Tawa ako nang tawa doon sa shot niya kung saan nakanganga pa siya. Yeah! May pamblackmail na ako sa kanya. Nang gumalaw siya ay bigla ako pumihit patalikod sa kanya at nagkunwaring tulog. Narinig ko ang paggroan niya at naramdaman ko rin ang pagkalas niya sa yakap.

"Fvck!" bigla niyang sabi. Umagang-umaga, nagmumura agad. Ni hindi pa nagtutoothbrush, pinarumi lalo ang bunganga. Tumayo siya mula sa pagkakahiga at binuksan yong pinto at pumasok ng banyo. Nang mailock na niya yon ay iminulat ko ang mata ko at dahan-dahan umupo. Napakagat ako sa labi ko noong sumakit yong paa ko pero namanage pa rin naman. Nagsalin ako ng tubig mula sa pitsel sa may bedside table at ininom ko yon. Ilang sandali pa ay lumabas na si Wrath sa banyo.

"Good morning pards!" bati ko sa kanya.

Umirap siya tapos ay kinuha yong maliit na towel na nakasabit sa likuran ng pinto. Hala! Bad vibes agad, umagang-umaga?

"Pards, bad vibes ka?" tanong ko sa kanya. Naupo siya doon sa higaan habang nagpupunas ng mukha.

"Yeah. Ang sakit ng katawan ko." Sabi niya.

"Why?" tanong ko naman sa kanya.

Nilingon niya ako habang nakataas pa ang isang kilay. Napamaang naman agad ako. "Yong isa kasi diyan, weak na ngang magmasahe, ginawa pa akong punching bag kagabi. Kumusta naman daw ako, di ba?"

"Oops! Sorry. Kasalanan ko bang super hot ni Mr. Grey?" sabi ko habang nakangiti pa nang matamis. Holy shit! Naalala ko bigla ang nagbabagang scenes doon sa movie na pinanood namin kagabi. Sa tuwing nazuzoom in ang mukha ni Christian Grey, lalo na yong sexy abs and biceps niya, tumitili at at kasabay noon ang sunud-sunod na paghampas ko kay Wrath. I'm also a girl so he can't blame me for being insane with Mr. Gray. He's so admirable kaya. Except for the pervert part of him. Or pwede na ring pagtiyagaan? I giggled at my own pervertness.

"Tsk. Why do girls drool over that pervert?" kunot-noong tanong niya sa akin.

"Oy pards, he's admirable kaya. My dream guy." sabi ko tapos at ngumiti pa nang matamis. Ano kayang itsura at ugali ng magiging boyfriend ko in the future? I am so excited to meet him.

"Maniac ang dream guy mo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Tumawa ako nang malakas tapos ay piningot siya sa tenga. Ang cute kasing maconfuse ni Wrath. Parang kiddo. Tinanggal niya yong kamay kong pumipingot sa tenga niya at saka sumimangot. "Ba't ba ang sadista mo pagdating sa akin? Palagi na lang ganyan. Hindi mo ba alam nasasaktan na ako nang sobra?"

Natawa ako nang kaunti sa kanyang naging monologue. "Seriously, Wrath? Hugot ba yan?"

"Tss. Totoo yong sinabi ko, a." sabi niya tapos nagkibit-balikat.

"Ay weh?" I said to him in disbelief.

"Yes. What I just said is true. May hidden grudge ako sa'yo, pards." aniya in a monotonous voice.

How to Say 'I Love You'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon