(17) "Sorry. Hindi ko sinasadya."

514 29 15
                                    

Dalawang araw. Dalawang araw pa ang lumipas. Hindi naman ako nagmukmok sa bahay ng dalawang araw. Matapos ang insidenteng nangyari sa Council room ay parang ang lifeless ko na. At nasasaktan pa rin talaga ako sa tuwing naaalala ko 'yon. Who wouldn't, right? I was expecting him to follow and comfort me, and say sorry because he didn't mean it, that day, but he didn't come. Lalo akong nanlumo. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko at nangyayari ito ngayon. Sheez! My best bud is like dumping me.

Ayun nga, pumasok naman ako the following days, kaso para akong zombie. Hindi ako masyadong nagsasalita. I was heart-broken. Though wala naman kaming relasyon ni Wrath, nasaktan pa rin ako doon sa mga tweets niya. And he wants me out of his life, then I'm giving it to him. Tsaka hindi na ako sumali doon sa dating booth. Pinagsabihan ako ni ate JC na dapat daw ay tumawag or nag-text ako sa kanila, kasi worried daw sila sa akin. Hay.

And since it's the last day of this friggin' school fest, there will be a party later, in the evening. Nag-rent sila ng isang ballroom sa isang prestihiyosong hotel. At half day na lang kami sa school para daw may beauty rest. Closing na rin ng mga booths ngayon. I was considering not to attend the party, though. Anong gagawin ko doon? Tutunganga sa kawalan? And besides, I am not feeling well. Tinatrangkaso kasi ako.

"Hey, Pia!" I turned my back to see who the caller is. Yeah great. Siya na naman. Si Aiken na naman. Napansin ko lang na these past few days ay palagi siyang lumalapit sa akin. Nakakairita. But somehow, his presence makes me forget that I was brokenhearted. Broken heart courtesy of my malanding best bud.

"Ano? We're busy, Aiken. Bumalik ka na doon sa booth n'yo." Pagtataboy ko sa kanya.

"Grabe ka naman. Magku-close na rin ang booths after a few hours. Tsaka kakaunti na ang tao." Nakanguso niyang pahayag. Kainis. Nagpa-cute pa ang loko.

"Don't pout. You look like a duck." Sabi ko naman, bahagyang natawa.

Naupo siya sa harapan ko tsaka ipinatong ang baba sa kanyang kamay na nakatukod sa mesa. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at tinitigan ako nang mata sa mata.

"So, are going to the party later?" Tanong niya habang nakangisi.

Umiwas ako ng tingin. "Uh, I think not. I'm tired so, maybe, I'll just sleep."

"Ano ba 'yan, kill joy." Anang lalaki habang umiiling. Sumandal siya doon sa upuan at tinignan ako habang nakataas ang kilay. "Seriously, Pia. Mag-unwind ka naman. Dahil stressful ang mga nakaraang araw, dapat ay maglibang ka. Drink. Dance. Party."

"Ayoko nga, sabi. Ikaw na lang, since hindi ka naman pagod." Sabi ko na may kasamang pag-irap.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko. "Please, Pia. Please come for me."

"What?!" Sigaw ko tsaka siya hinampas sa balikat. "Ang bastos mo, a!"

Kumunot ang kanyang noo tapos ay natawa rin nang malakas. "Shit! Wrong choice of word. Pucha! Napansin mo pa 'yon? Akala ko, sasabihin mo 'sige na nga'."

I rolled my eyes. "Gago." Mahina kong sabi habang umiiling.

"But, Pia. Sige na, please. Pwede naman kitang sunduin. Ipagpapaalam kita kina Tito at Tita." Aniya. "I'm worried about you. Hindi ka na masyadong nakiki-hang-out. Baka malaman na lang naming nag-suicide ka na pala."

"Shut up. I'm stressed, but I love my life. Hindi ko sasayangin ang buhay ko, 'no." Sabi ko habang inaayos 'yong mga cups doon sa counter. "I won't commit suicide, if that's what you're worried about."

"Come on, Pia. You're on too much stress." Sabi naman niya. "I've heard what happened to you and Cortez."

Napairap ako. Tss. Chismoso. "So, what?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to Say 'I Love You'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon