Fifth Heartbreak

8 1 0
                                    

"Sam bago ata 'tong phone mo ah?"

I was surprised when Sheena, my roommate, asked that question while holding my new phone. Sheena is not just my roommate but also my bestfriend since we're in highschool. We agreed to stay on the same apartment when we reached college. And now, we're already on our 3rd year.

Since roommates kami and bestfriends, sabi niya dapat walang secret sa isa't isa and whenever we are having problems, dapat iopen up sa isa't isa para makapagtulungan. We got each other's back.

"Ah, diba sabi ko sayo may part time job ako? Napag-ipunan ko yan, sira na kasi yung dati kong phone so ayan i bought a new one."

Aside from being open to each other, dapat din daw maging honest kami. No secrets para maiwasan ang away at pagtatalo. She's very aware about my life, alam niyang nahihirapan ako sa pagtustos ng pagaaral ko. May pamilya ako, pero minsan lang sila nagbibigay ng pera para sa pagaaral ko samantalang yung dalawa kong kapatid ay lubusang inaalagaan at lahat ng luho nila ay binibigay ng mga magulang ko. At ako? Ito nagpapakahirap para mabili ang mga gusto ko at para makapagtapos. Obligasyon naman siguro nilang pagaralin ako diba? Pero hindi e, hihingi lang ako ng pera para mabayaran ko ang tuition fee ko, hirap na hirap pa silang magbigay. Iniisip ko nga minsan kung anak pa ba talaga ang turing nila sa akin.

"She, una na ako ha? May trabaho pa ako e, uuwi din ako pagtapos. Bye!" paalam ko sa aking kaibigan bago lumabas.

I was peacefully walking when my phone suddenly beeped and it revealed a message from Nelson.

From Nelson:

Where are you babe? Andito ako sa labas ng apartment mo.

To Nelson:

Doon na lang tayo sa malapit na restaurant magkita, baka may makakita sa atin.

Binilisan ko ang aking paglalakad papunta sa restaurant at agad ko namang natanaw ang sasakyan niya. Pumasok agad ako dito.

"What took you so long?" tanong nito at kinuha ang kamay ko para halikan.

"Ah sorry, natagalan lang ako sa pag-aayos."

Nelson is already 50 years old, he's a businessman, matagal nang namatay ang asawa niya at hindi sila nagkaanak. Hindi halata sa kanyang itsura ang pagiging matanda, makisig pa rin ito. Nakilala ko siya sa isang bar at doon kami nagkausap. There, he knew that I'm struggling financially. Inalok niya ako kung pwede niya daw ba akong maging girlfriend at ibibigay niya lahat nang pangangailangan ko. It took me weeks to think if I will accept his offer or not. At dahil na rin sa hirap na dinadanas ko, tinanggap ko ito at ngayon ay halos tatlong buwan na ding ganito ang set-up namin.

For that 3 months, he gave all my needs and he's also the reason why I got my new phone and also the reason why I can pay for my expenses. Siguro ito yung sinasabi nilang "sugar daddy" I agreed to be in a relationship with him kapalit ng mga ibibigay niyang luho at pera.

Another 3 months had passed and my relationship with Nelson went smoothly. I already had the chance to visit his house and condo.

From Nelson:

Hey babe, send me a picture of your body.

I immediately sent him a picture of me wearing a dress. And of course she bought that dress for me.

From Nelson:

You're really pretty with that dress but can you send me a picture without that dress?

To Nelson:

You mean naked?

From Nelson:

Yes, please?

Nagdalawang isip ako kung magsesend ako pero naisip kong kailangan ko pa siya kaya nagsend ako. Hanggang sa lumipas pa ang ilang buwan at lagi na siyang nagpapasend ng mga maseselan kong larawan. Nangako naman siyang hindi niya ito ipapakita sa kung sino man.

Minsa'y naririnig ko ang usapan ng mga kablockmate namin na may sugar daddy daw ako pero ni minsan ay hindi nagtanong si Sheena about 'don. Plano ko nang sabihin sa kanya pero hindi ko pa rin alam kung paano.

It was already 10 pm but Nelson called me and by just listening on his voice, you can already notice that he's drunk. I immediately go to his condo to check him.

I was surprised when he opened the door and kissed me. At first I responded to his kisses but when he started touching my sensitive part I stopped him. Pinilit kong kumawala mula sa mga halik niya pero hindi ko magawa dahil masyado siyang malakas.

"Papayag ka o ikakalat ko ang mga nudes mo?" pilit ko siyang itinutulak habang sinasambit niya ang mga iyon.

Droplets of tears started to roll down my cheeks. Natatakot ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. With my full force, I pushed him and kicked his sensitive part. I immediately stormed out on the room and I called my bestfriend.

"Hello, Sam?"

"S-sheena, help me. Please help me." I cried while saying those words to my bestfriend.

"Ha? Anong nangyari sayo? Nasaan ka?"

"Itetext ko sayo yung location ko." sabi ko at agad na tinext sa kanya yung location ko.

I'm still shaking and crying, I can't imagine that, that thing will happen to me. Nakakatakot, ayoko nang maulit iyon. Sana inisip ko muna ang mga ito bago ko pinasok ang landas na ito.

That night, I just cried. Hindi ko alam kung paano ito ikukuwento kay Sheena. Hindi ko alam kung paano ko pa maisasalba ang sarili ko mula sa maling landas na pinasok ko. Kinabukasan, ikinalat na nga ni Nelson yung mga nudes ko. Kumalat iyon sa buong school at nakarating din sa mga magulang ko.

"Hindi ganon ang itinuro namin sayo! Gaga ka!" my mother slapped me while saying those words. Tinignan ko siya gamit ang mga mata kong namumugto na dahil sa kakaiyak.

"Dahil sa inyo. Dahil 'to lahat sa inyo! Kung itinuring niyo akong anak, hindi sana 'to mangyayari. Ginawa ko 'to para sa sarili ko at sa pangangailangan ko na dapat kayo yung nagbibigay! Ni minsan hindi ko naramdaman na may pamilya ako e, o kung pamilya niyo ba talaga ako! Ma, nasasaktan na ako ngayon oh nahihirapan na ako pero pinili niyo pa ring saktan ako diba? Salamat ma ha? Salamat sa never ending na sakit na idinulot niyo sa buhay ko." sinabi ko ang mga salitang ito at lumabas na sa apartment namin. Hindi ko na alam kung saan ako tutungo basta gusto ko nang pumunta sa lugar kung saan wala nang sakit, sa lugar na mamumuhay ako ng tahimik at payapa. Ayoko na dito, pagod na ako.

Hindi ko namalayan na nasa kalsada na pala ako pero patuloy lang ako sa paglalakad.

Until a loud sound from a vehicle filled my ears.

"Sam!" my bestfriend shouted and a strong impact of something bumped my body that made me lose my consciousness. Right after that, everything went black.

Instead of regret and sadness, my feelings were replaced with relief. And it was weird, for I thought what happened to me was for the better.

---------------------------
<88

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Collection of HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon