Chapter 3

11 7 2
                                    

Cael's POV

"Oh, ano? Ngiting aso ka na naman d'yan." Panudyong tukso ni Carol sa 'kin.

Matapos kasi nung math class ay bumalik agad ako sa room, 'di ko alam kung saan na naman nagpunta si Athena. Tuwing 2nd class wala s'ya, well laging wala rin teacher namin.

Like teacher, like student kumbaga.

"H'wag mo sirain ang magandang mood 'ko, karoling,"

"It's Carol, not karoling you filthy animal." Kinuyom n'ya ang kanyang kamao at halos magsama na ang magkasalubong n'yang kilay.

"Pikon." Pang-aasar 'ko sa kanya na kinangisi lang n'ya.

Ang ganda-ganda ng mood ko tapos sisirain lang ng karoling na 'to, pero kapag s'ya naman beast mode agad.

"Sa totoo lang, maiba tayo. Ang creepy mo kanina pa. Para kang baliw na ngumingiti mag-isa."

"Alam mo ba ang kasabihan na curiosity kills the cat?" Tanong ko rito.

"Hindi."

Pareho lang pala kami, akala ko nag-iisa lang ako na walang alam sa kasabihan na 'yun. Basta ang alam kong pusa na pwedeng patayin at kainin ay siopao.

Malay ba natin, Kung favorite natin 'yung laman loob ng pusa sa siopao.

"Alam mo kasi, Ang ma-swerteng lalaking 'to ay ininvite sa bahay ni Athena," Sabay turo sa sarili.

Oo, pinagyayabang ko 'yan!

Sa wakas makikita ko na rin ang bahay n'ya, lalong-lalo na ang kwarto n'ya.

"Ma at pa," Mabilis na sagot n'ya.

"Huh?"

"Malay ko at paki ko." Sarkastikong sabi n'ya habang umiirap sa'kin.

Kahit kelan talaga baliw kausap 'tong impaktang 'to.

Nagsimula na ang klase namin sa 2nd subject, himala 'yung pala absent naming teacher pumasok.

Bumangon siguro sa libingan ng mga tamad.

Pero akala ko lang 'yun.

"Hindi muna ako magtuturo, may seminar akong pupuntahan," Galit na sigaw ng teacher namin na si Ma'am Garing.

Parang mga presong na sobrang galak na animo'y lalaya na sa selda, daig pa ang nanalo sa Lotto kung magsi-sigaw.

"Kaya maglinis kayo rito, okay?" Umalis agad ang teacher namin at nagsimula na mag-ingay ang buong klase.

Mobile legends dito.

Wattpad doon.

Mga isip-batang naglalaro nang Chinese garter rito.

May ibang kaklase ko naman dumiretso sa canteen, food is life.

Yung iba tulog at nakahiga sa magkakatabing upuan.

"Oh, parang kanina pa 'di maipinta mukha mo r'yan?" Naka-ismid na tanong ni Carol at pinagmasdan ang ibaba 'ko.

"Tch, para kang bata. Sige na pumunta ka na, iihi lang eh." Sabay palo sa p'wetan ko na dahilan para mapa-takbo ako palabas ng silid.

Kanina pa ako pigil na pigil, akala ko naman kasi may klase sa 2nd subject, nag-announce lang pala na 'di s'ya magtuturo.

Sana 'di ka na lang pumasok, mas laking tulong.

"Ahm, ano kasi," sa isang iglap ay hindi ko magalaw ang dalawang paa ko matapos marinig ang boses na 'yun.

Athena my loves!

Sinundan ko agad ang ume-echo n'yang boses at natagpuan na may kausap sa locker room, agad akong nagtago sa likod ng mga locker at bahagyang sumilip.

Confirm! Si Athena nga, pero nakatalikod 'yung kausap n'ya pero masasabi kong babae 'to.

Paano mo nasabi?

Simple lang, naka-palda kausap n'ya. As easy as that how to deduce.

"So, ano type mo sa kanya?" Tanong nang kausap ni Athena sa kanya.

Hindi ako mapirmi sa p'westo ko, may kung anong kiliti ang gustong kumawala pero binalewala ko na lang.

"S'yempre, matalino s'ya." Pagkasabi nu'n ni Athena biglang uminit ang dalawang pisnge ng mukha ko na halos kasing pula ng kamatis.

Assumero.

"Tapos, mabait pa."

Enebe, tama na ang mga papuri. Alam kong ako tinutukoy mo.

Magpakasal na tayo!

"Ayun lang?" Pagkonpirma ng kausap ni Athena.

Dagdagan mo ng kagwapuhan pagpuri mo sa 'kin.

Biglang tumahimik sila, sumilip ako at bigla na lang nawala silang dalawa.

Tangina, nasa'n na mga 'yun? Hindi kumpleto 'yung chismis na nasagap 'ko.

Tumingin ako sa buong paligid at nahagip ng mata ko ang nakasandal na babae sa pader.

"Cael, kanina ka pa ba rito?" Usisang tanong n'ya at lumapit.

As in sobrang lapit dahil halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha namin.

Shit, baka naramdaman n'ya na may nakikinig.

"A-ano, kararating ko lang may kukunin sana ako sa locker ko," pagsisinungaling ko "Eh, ikaw?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Wala Naman," nakangiting sabi n'ya.

"Sige, mamaya na lang uli." Sabay kumindat sa 'kin bago umalis.

Napaupo ako sa sobrang pagkabigla.

Napangiti ako sa ginawa n'ya at talagang 'di ko makakalimutan 'yun.

At lalong-lalo na 'di ko makakalimutan...

Naramdaman kong basa ang pundyo ng pantalon ko.

Hindi ko na makakalimutan na nagtampisaw na pala ako sa sarili kong ihi, 'di ko namalayan na nag-adjust ng kusa ang tite ko.

Flower Beyond ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon