Goodnight
"sige iha, magpahinga ka na at ako'y lalabas na, kung may kailangan kapa lumabas ka lang at magtanong, kung sakali naman na gusto mong makisalo sa labas aba'y siguradong magiging masaya si engineer. Sige lalabas na ako." Hindi na ako sumagot ng umalis si manang chubby.
Maganda ang room na binigay nila sakin, malaki ang kama, may walk in closet din ako, ehh konti lang naman ang dala kong damit.
Pumasok ako sa cr para magpalit, maganda at napakalinis ng cr nila, kung tutuusin magiging komportable ang buhay ko dito. Pero iniisip ko pa lang na makakasama ko ang taong dahilan ng lahat ng pahirap sa buhay ko noong nag aaral at nagdadalaga pa lang ako diko na nanaising magtagal pa dito.
Mukhang nagkakasayaan nga sa labas kahit pa na wala doon ang pinaghandaan nila ng selebrasyong iyon, talaga namang di ako kailangan sa pagsalubong na yun marahil naghanda at nag effort lang ang bawat isa sa kanila dahil utos ni dad.
Pag iisipan ko na lang kung papaano ko masurvive ang pananatili sa lugar na ito, lugar kung saan walang makakaintindi sa akin, lugar na si dad lang kilala ng mga tao at dito sa lugar na diko naman gusto.
Sa ngayon isa lang ang pumapasok sa isipan ko, habang andito ako sisiguraduhin kong magsasawa si dad sa akin at pauuwiin din niya ako agad sa New York. Kung inaakala niyang magiging mabait at sunod sunuran ako katulad ng mga tauhan niya pwes nagkakamali siya.
I was about to go to my bed when someone knocked my door.
"Anak, inaantok ka na ba? Kakamustuhin lang sana kita."
"I'm okay."
"Yeah, nakikita ko nga, what about your room, may gusto ka bang ipa renovate? something like that?"
"I'm okay with my room naman po-"
"Alam mo kasi pinarenovate ko lang ito last year kasi alam kong darating ka, kaya lang diko na nahingi ang opinyon mo."
"Wala po akong ipapabago, okay na po ako dito tsaka isa pa po Im not planning to stay longer."
"What do you mean?, ito na ang magiging bahay mo Dilly, kaya kung may ayaw ka aalisin natin, just tell me."
"Ako po," nakita ko kung paano nagulat si dad sa sinabi ko. Gusto kong sabihin sa kanya na ako, ako ayaw ko na nandito sa bahay pwedi niya ba akong tanggalin at pabalikin na lang sa new york?
"Nakakalungkot isipin kung gaano mo kagustung umalis sa puder ko, just give me chance Dilly."
"Goodnight magpahinga ka na anak."
Umalis si Dad na may dalang lungkot, alam ko dahil ramdam ko yun, gusto ko siyang habulin at sabihing Dad gusto ko lang naman na ipaliwanag mo sa akin kung bakit mo kami iniwan 12 years ago.
I sighed as I realized that it was impossible for dad to explain his reason, kasi kung magpapaliwanag siya noon pa sana niya ginawa.
I was about to crawl in my bed ng biglang may kumatok na naman, thinking that it was manang, I open the door, and to my hilarious, it was Dad's driver at may dalang pang gatas ang mukong.
"Gatas po Miss, pinapahatid ni Manang Beni."
Medyo nagsisimula na naman akong mairita sa presensiya niya, pero kinuha ko pa rin ang hawak niyang baso.
"Dapat si Manang Chub-
Bebi na lang ang naghatid".Bago ko pa man tuluyang naisarado ang pinto, muli kong nakita ang kaninang emosyon sa kanyang mata at sa huli pa naulinigan kong.
"Goodnight , Dil-"
Dala ng pagod natulog ako ng matiwasay ng gabing yun.
BINABASA MO ANG
Refrain
General FictionI was planning to curved your heart with my name, caged your soul by my spirit, hug your psyche with all of me, be part of your future and be your last memory but I refrained. I try to lost you, I moved on from your trace but it seem you're the refr...