Dear Miguel,
Hi! I hope you're doing fine while reading this. Ako nga pala si Betina Isabelle Librada, Betty for short. Nagtataka ka siguro kung para saan tong sulat na to, pero knowing you... Matalino ka naman so alam kong alam mo na kung para saan to! Hahah! Ang gulo ko ba? Pasensya ka na, nakakanerbyos lang talaga sulatan ka.
Bakit ba kasi ang perfect mo? Haaaay! Unang beses pa lang kita nakita noong Opening Ceremony nung batch natin last year, tinamaan na ako sayo. YES! GUSTO KITA! I like you from that day na umakyat ka sa stage at nagspeech. ❤️❤️❤️ Napakamature mo tingnan and yung sobrang seryoso mong mukha talaga ang unang una kong nagustuhan sayo.
Naglakas loob na akong sulatan ka para magconfess kasi alam ko naman na di mo ko makikilala man lang at hindi pagtatagpuin ang landas natin kasi langit ka at lupa ako. Literal! Hirap ng magkabilang dulo ang classrooms natin, ni hindi magkrus man lang ang landas nating dalawa.
Pero hindi bale, ngayon alam mo na kaya wala na akong pagsisisihan. I know naman na suntok sa buwan na magustuhan mo din ako, ang wish ko lang naman eh malaman mo yung feelings ko, at kung pwede tawagin mo ako sa pangalan ko maski isang beses lang. Pretty please??? 🥺🥺🥺
Ayun lang and sana maging successful ka sa lahat ng gagawin mo sa buhay mo in the future. Thank you sa pagbigay ng oras para basahin to. At promise ko sayo kahit anong mangyari, ikaw pa din ang first love ko. 🥰😍
Sincerely yours,
Betty 💃💃💃°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Napatili ako sa kilig matapos kong basahin ng makalimang beses ang love letter na sinulat ko. Hindi ko din maiwasan mag-daydream kung anong mangyayari bukas. Napapabuntong hininga kong inilapag ang sulat ko para kay Miguel. Naglibot pa talaga ako sa lahat ng school and office supply stores dito sa amin para lang makapili ng maganda at mukhang mamahaling papel. Lahat ng the best basta para sa lalabs ko!
Maingat ko itong tiniklop at isinilid sa matching envelope nito. Hindi ata ako huminga hangga't hindi ko ito nailalapag ng safe at naisisilid sa pouch ng bag ko.
This is it! Excited na akong makita ang reaksyon niya bukas.
Gaya nga ng sabi ko sa sulat, hindi ako kilala ng crush ko. Paano ko nasabi? Eh kasi naman,ilang beses na ata kami nagkasalubong sa canteen man o sa hallway sa pang-iistalk ko sa kanya pero never pa nya akong tiningnan man lang.
Actually sa totoo lang, wala naman atang ibang kinakausap yun kundi mga kaibigan nya. Syempre given na ang mga teachers and classmates nya pero halatang may boundary sya, may wall kumbaga and ang nakakatawid lang dun ay yung tatlo nyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Unbreak My Stupid Heart
Teen FictionBetty was lively while Miggy was cold. Miggy likes to keep to himself, while Betty was an open book. Betty was average in school, while Miggy was at the top. Betty likes Miggy, but Miggy hates her guts. They said opposite attracts, at yun din ang pa...