I was rejected big time.
Hindi ko naman inaasahan na instantly magkagusto din sa akin si Miguel. Hindi naman ako ganun kaambisyosa, pero hindi ko din naman ineexpect na ganun ang magiging reaksyon nya.
Akala ko kapag dinaan ko sa sulat ang confession ko, I was being considerate para hindi naman nya maramdaman na cornered siya and he needed to respond right away. Sa ganung paraan at least kahit hindi nya tanggapin yung feelings ko ay maging friends man lang kami. Pero mukhang nagkamali talaga ako ng pagkakilala sa kanya.
"Betty!" Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman kong may yumakap sa akin. Saka ko lang narealize na nakaupo pa rin pala ako sa sahig ng lobby at nasa tabi ko na ang dalawang best friend ko.
"Napakasama naman pala ng ugali nung Miguel na yun! Walang konsensya! Insensitive, kala mo naman kung sino siya para manakit ng kapwa niya tao!" Halata ang inis sa boses ni Mindy. Hindi ko tuloy naiwasang mapaiyak ulit.
"Y-yung... sulat ko... pinunit nya..." I tried telling them in between sobs. Natatahimik na yumakap silang pareho ng mahigpit sa akin at hinayaan akong ilabas ang sama ng loob ko.
Makalipas ang ilang minuto ay inalalayan akong makatayo ni Kaye. "Hindi ka kasi nakikinig sa mga chismis, ayan tuloy nabiktima ka ng pagkanotorious nya." Malumanay ng saad ni Kaye. Tumango-tango naman si Mindy.
"Anong mga chismis?" Naguguluhang tanong ko.
Mindy sighed. "Ayan na nga ba ang sinasabi sa hula eh. Hindi mo naman kasi sinabi sa amin na may balak kang magconfess, edi sana napayuhan ka namin at napigilan."
I felt guilty. Hindi ko kasi talaga sa kanila sinabi ang plano ko. "S-sorry na..." I instantly apologized.
Matapos noon ay tahimik kaming naglakad hanggang makarating sa designated classroom namin ngayong taon. Wala ng ibang pagala-gala sa hallway at mangilan-ngilan na lang ang nakatambay. Malamang nasa stadium na ang karamihan ng estudyante at mga teachers.
"Sorry ulit... Pati kayo nakamiss ng assembly dahil sa akin."Detention ang aabutin namin nito pag nalaman na wala kami sa assembly.
Kaye rolled her eyes. "Ano ka ba, mas gugustuhin naman naming damayan ka dito at madetention kesa naman di kami makapagpigil at masaktan namin yang Miguel na yan sa Assembly."
"Thanks girls..." Napakaswerte ko pa rin talaga dahil may mga kaibigan akong gaya nila.
Tinaasan ako ng kilay ni Kaye. "Ano ba kasing nakain mo at bigla-biglang may pa-love letter ka dyan? Hindi ka pa sa amin nagsabi, edi sana natulungan ka namin mag-isip ng mas magandang strategy."
Namumugto ang mata kong yumuko. "Naisip ko kasi na malapit na ang graduation and hindi na kami magkikita kasi for sure hindi papasok ang genius na kagaya niya sa school ng mga average people gaya natin. Kaya gusto ko lang sana malaman niya man lang na nag-eexist ako, na may isang Betty Librada na dumaan man lang sa buhay niya."
Mindy clicked her tongue disapprovingly. "Gets naman namin na gusto mo mag-confess, ang hindi lang namin maintindihan ay kung bakit hindi mo sinabi sa amin? Wala ka bang tiwala sa amin ni Kaye?" May halong pagtatampo sa boses niya.
"No!" Mabilis na tanggi ko. "May tiwala ako sa inyo siyempre. Since junior high magkakasama na tayo at magkakaibigan kaya walang dahilan para di ko kayo pagkatiwalaan." Paliwanag ko pa.
Nangingiti namang napailing si Kaye. "Ayun naman pala, eh bakit nga di mo sa amin sinabi? Nahihiya ka ba?"
Napayuko ako ulit. Feeling ko biglang uminit ang mukha ko sa hiya. Hinampas naman ni Mindy ang balikat ko. "Ay nako, Betty! Sa amin ka pa nahiya, at ngayon pa" Natatawang aniya. "Samantalang since day one natin dito sa St.Mary Academy eh wala ka nang ibang bukangbibig kundi si Miguel ay ganito, si Miguel ay ganyan. Kaya expected na namin na one of these days maiisipan mo magconfess!"
BINABASA MO ANG
Unbreak My Stupid Heart
Teen FictionBetty was lively while Miggy was cold. Miggy likes to keep to himself, while Betty was an open book. Betty was average in school, while Miggy was at the top. Betty likes Miggy, but Miggy hates her guts. They said opposite attracts, at yun din ang pa...