Now That She's Rejected

2 0 0
                                    

"Haaa! The nerve of that asshole!" Sigaw ni Harold ng makarating kami sa rooftop.

Di na namin natapos ang lunch namin after the commotion earlier sa canteen kaya naman may time pa kaming tumambay ng malayo sa ibang estudyante. Napasandal ako sa railings at bumuntong hininga.

"Harold..." I called out to him. Napansin ata nya ang inis sa boses ko ng tingnan nya ako. His expression softened.

"Betty, sorry... Nagdilim ang paningin ko nung nalaman ko ang nangyari. Di ko napigilang magalit. Lalo ata kitang naipahiya..." He scratched his head, looking embarrassed.

"Buti naman at alam mo!" Pasumbat na sigaw ni Mindy.

"Ouch! Tsk!" Hiyaw ni Harold matapos syang hampasin ni Kaye sa likod. She threw him one last glare before facing me.

"Pero bilib din ako sayo kanina Betty. You did a great job! Di ko inakala na masasabi mo yun kay Miguel Kho! Si Miguel Kho na dinedefend mo pa just a few hours ago!" Nagthumbs up pa si Kaye. Napangiwi naman ako.

"But did you really mean it?" Puno ng concern na tanong naman ni Mindy.

"Haaaa... I know what I said. At alam ko din ang implications ng mga sinabi ko... Kilala nyo naman ako, sinabihan man akong stupid ni Miguel, alam ko sa sarili ko na may limit pati kagagahan ko."

Walang sumagot sa kanila. At alam ko naman kahit walang confirmation from them, they just know me too well. Pero tiningnan ko pa rin isa isa ang reaksyon nila. Mindy and Kaye shares a concern look, while Harold harbors a frown.

Unlike Mindy and Kaye na kaibigan ko na since Junior High, Harold became my friend just last year. Actually, he confessed to me halfway of the first term nung first year kami. But I rejected him. At hindi gaya ng rejection na natanggap ko, I took in consideration ang feelings nya gaya ng tinuro sa akin ng mga magulang at Auntie ko. That's why we were able to become friends.

Kaya siguro may bitter resentment ako kay Miguel, with the way he rejected me. Ngayon ko lang narealize how different we are...

"Betty..." I came out of my reverie sa pagtawag sa akin ni Harold. He looks somewhat emotional.

"Naaalala ko pa ang binigay mong reason why you rejected me and si Miguel yun..."

" Harold... I—"

"I know, Bet... Wala talaga akong pag-asa may Miguel man o wala and besides we clicked more now na friends tayo... " He offered me a smile. Nginitian ko rin sya, grateful for his words.

"Ang sa akin lang, now that the Miguel arc is over... Give time to more important things na sasaya ka naman." Natawa ako. Naalala ko bigla ang suggestions nila Kaye kaninang umaga.

" So your telling me to give others a chance. Is that what you mean?" Nakangiti kong tanong.

Nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin sina Kaye at Mindy. Hopeful.

" Yes! Naalala mo pinag-usapan natin kanina??? Definitely do that!" Kaye exclaimed, scooting over sa tabi ko.

Mindy came over as well, linking our arms. "Finally!" Mindy giggled bago bumaling kay Harold.

"Harold! Eto na yun! Sa wakas!" Confused naman kaming tiningnan ni Harold.

"What? What?" Tanong nito, di nakakasabay sa usapan.

Kaye grinned fiendishly. "Harold, ilabas mo ang listahan!"

Ako naman ang napakunot ang noo ng ngumiti ng malawak si Harold.

"Yes!" Hiyaw ni Harold, mukhang nagets na nya ang topic.

"Teka, teka... Anong listahan??" Naguguluhan kong tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unbreak My Stupid HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon