Chapter 11: Clue Part 2

747 89 33
                                    

*Kristine's POV*

"Bakit ako ang tinatanong mo ng ganyan?  Hindi ako ang nagsimula." Sagot ni Elyssa kay Leon at matatag na sinalubong ang tingin ng huli.

Mabilis naman akong tumayo at nilapitan sila. 

"Leon,  wala siyang kasalanan." Pagsisimula ko pero dagli rin akong natigil ng bumaling sa akin si Leon.

"Sinaktan ka niya." Sabi pa niya.

Mabilis naman akong umiling.  "Hindi niya sinasadya.  Ako itong nangungulit sa kanya." Sabi ko at bumaling kay Elyssa. "I'm sorry.  Pero talagang kailangan ko lang malaman ang sagot mo sa itinanong ko."

Sandali akong tiningnan ni Elyssa bago siya nagsalita. 

"Gaya ng sabi ko kanina.  Sagutin mo muna ang tanong ko bago ko sagutin ang tanong mo." Sabi naman niya.

"Krisitine." Bulong sa akin ni Leon. Naramdaman ko din ang marahang paghawak niya sa braso ko. Napatingin ako sa kanya at sinalubong ang nagtatanong na mga mata niya. "Anong nangyayari?" Mahinang tanong pa niya.

Ibinuka ko ang bibig ko para sana sagutin siya ngunit agad din akong natigilan ng mangibabaw ang pag-aalinlangan sa loob ko.

Napatingin din ako kay Elyssa.  May bakas pa din ng pag kainis sa mga mata niya pero laking pasasalamat ko na tahimik pa din siyang naghihintay sa sasabihin ko.

Mukhang nakita ni Leon ang pag-aalinlangan ko. Kaya marahan niyang pinisil ang braso ko para muling kunin ang atensyon ko. 

Ng tumingin ako sa kanya ay halos tumalon ang puso ko ng kumilos siya para lumapit sa akin. Hinawakan din ng isa pang kamay niya ang balikat ko at marahang hinila ako.

Napansin kong ipinusisyon niya ang katawan niya sa pagitan namin ni Elyssa.

Ng humakbang siya ay automatikong humakbang naman ako paatras.

Halos napigil ko din ang hininga ko ng ilapit niya sa akin ang mukha niya at muling magsalita.

"Anong nangyayari?" Paguulit niya.  Halos bulong lang iyon. "Tell me."

Napatingin ako sa mga mata niya.  Hindi ko alam kung anong meron sa mga iyon pero tila unti unting nawala ang pag aalinlangang nararamdaman ko.

"May iniwan kasing Clue ang dating Source para sa akin. Na siyang makapagtuturo sa kinaroroonan ng susi.  Nung una ay hindi ko alam iyon.  Pero ng marinig ko ang musikang tinutugtog ni Ely,  saka ko lang narealise ang "Clue" na tinutukoy ng dating Source. Parehong pareho iyon sa musikang narinig ko ng magpakita sa akin si Nathalia. Kaya tinatanong ko siya kung kanino niya natutunan ang musikang iyon. Pero tinanong din niya ko kung bakit ko gustong malaman. Hindi ko siya magawang sagutin kaya nagsimula siyang umalis.  Pinigilan ko siya kasi... Kasi nauubusan na ko ng oras.  Kailangan kong malaman ang sagot niya.  Pinipilit ko siya kaya nangyari ang nakita mo." Mahina ang boses na paliwanag ko.

Nakita kong bahagyang kumunot ang noo ni Leon ng marinig ang sinasabi ko. Sandali rin siyang natahimik.  Waring pinoproseso ang mga narinig niya. Maya maya ay muli siyang nagsalita.

"Sigurado ka bang  parehas na parehas sila?" Pagkaklaro pa niya.

Mabilis na tumango ako.  "Sigurado ako."

Muling pinakatitigan ni Leon ang mga mata ko. Pagkatapos ay nakita ko siyang tumango.

"Then tell her. " sabi niya sa akin. 

Napamaang naman ako sa kanya. "Huh?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Alam kong hindi madaling sabihin sa iba ang tungkol sa misyon mo.  Pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, kung hindi mo sasagutin ang mga tanong niya ay sigurado akong hindi niya rin sasabihin sayo ang mga bagay na gusto mong malaman mula sa kanya. Isa pa, ang sabi mo ay nauubusan ka na ng oras." Sabi pa niya.

Wrath of Air (Book 5 Of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon