"Manong pabili nga po" nakangiti kong sabi Kay manong na nag bebenta ng kalamares sa parke
"Mag kano ba ineng?" Tanong saakin ni manong
"Mag kano poba?"
"Tatlo lang sampo"
"Sige po bente pesos lang po" sabay abot ng bente pesos bali anim na piraso Kulang toh tumusok ako ng anim na piraso syempre
Favorite ko kaya toh dzuhh kahit ito lang kainin ko araw araw ayy nako sulit dzaiii
"Salamat po" naka ngiti kong ani Kay manong bago umalis at dumiretso sa swing at doon nilantakan ang pagkain ko Walang masyadong tao dito kaya wala masyadong magulo
Natapos ko ang aking pag kain at itatapon kona dapat sa basurahan ng may bumangga saakin
P*tek natapon sa akin yung suka, yung sawsawan ang Asim pa naman nito, ano bayan pag lingon ko sa bumunggo saakin isang lalaking naka jacket na itim halos lahat ng suot niya at puro itim naka mask din sya
"Ano ba di kaba tumitingin sa daan kuya? Ani ko at kumuha ng panyo upang punasan ang suka na natapon sa damit ko
"Hindi kaba sasagot kuya?, Kuya may nag tatanong sayo noh Ikaw patong nakabangga Ikaw patong ayaw mag salita, manghihingi kalang ng sorry, jusko, ano pala pangalan mo?" Inis na sabi ko sa kanya aba ang Asim at lagkit kaya neto nih
Bumuntong hinga siya at sumagot ng mahina sapat na ito upang marinig ko siya "talisha" sabay alis, hahabulin ko sana siya pero di ako makagalaw, naninikip ang dibdib ko at unti unting dumidilim ang paningin ko bakit niya ako kilala... Pero bakit ganto ang epekto madami naman silang tumatawag sa akin na "talisha" pero sa kanya ay Iba na sino kaba?