The decision>>>>>>>>>>>>>>>>>.
Uwian na at napagdesisyunan kung makipag-usap ng masinsinan kay Niel para maliwanagan na ang aking puso. Ilang linggo ko nang pinag isipan kung ano ang disisyun ko. Sa tuwing nasa trabaho ako ay iniiwasan kung hindi kausapin si Zach at puro kakausapin ko lang siya kung tungkul sa ipapagagawa niya sa akin.
Nasa labas na ako ng nakita kung nandoon pala si Niel at hinihintay akung lumabas ng Z squired at iyon ang naabutan ni Zach na palabas rin na sakay ng kanyang sasakyan. Kitang-kita ko ang sakit na rumihistro sa kanyang mukha. Alam kung pareho lang kaming nasasaktan pero anong magagawa ko nangyari na ang lahat.
Inaya ko nang umalis si Niel na mababakasan mo nang saya sa kanyang mukha dumiritso kami sa isang restaurant.Umurder muna kami bago ako nagsimulang magsalita ngunit pinigilan niya ako mamaya nalang daw kami mag -usap ng dapat pagusapan pagkataposkumain. Pumayag na rin ako.
kakatapos lang naming kumain.
Ahmm. Niel?
Makikipagbalikan kana ba sa akin Zenny? Napatawad mo na ba ako? mahal na mahal talaga kita.
ahmm. I'm so sorry Niel minahal kita pero mas mahal ko na ngayun si Zach noong panahon na wala ka siya ang nagpasaya sa buhay ko. Hindi mo naman siguro ako masisisi kung matutunan ko siyang mahalin. Oo masakit sayo ang disisyun ko pero makakahanap karin ng ibang babae na mamahalin mo ng higit pa sa akin.
"Naiintindihan ko Zenny.... Kahit masakit ay tatanggapin ko ang katotohanan na may mahal ka nang iba. Pero sana maging magkaibigan parin tayo at hindi mo ko iiwasan".Niel
Oo naman...Sige mauna na ako..
Ihahatid na kita
Wag na kaya ko na to atsaka may pupuntahan pa ako.
"Ok sige mag-iingat ka". Niel
Ikaw rin.
Palabas na ako ng restaurant ng may tumatawag sa cellphone ko at si Zachary lang pala. Sinagot ko ang kanyang tawag ang naririnig ko lang sa kabilang linya ay ang iyak niya.
Nakipagbalikan kana ba sa kanya? Zachary
"Ang sakit na makita kang may kasamang iba para bang nadudurog ang puso ko sa sakit na kailan man ay hindi mo ako minahal"Zachary
May narinig akung kalabog galing sa kabilang linya
Anong nangyayari sayo Zach? Nasaan ka? Pupuntahan kita.
Nasa condo lang ako nahulog ang bote ng beer na iniinum ko.
Diyan ka lang at tigilan mo na ang paglalasing.
Pumara agad ako ng taxi at nagpahatid sa condo ni Zach. Pagkapasok ko sa condo niya na hindi ini lock ay nakita ko ang maraming bote ng alak na nagkalat sa sahig may nakita rin akung dugo doon kaya nag- alala na ako hinanap ko agad siya at nakita ko siyang nakahiga sa kanyang kama linapitan ko kaagad siya at may binda sa kanyang kamay iyun siguro ang dugo na nakita ko sa sala niya.
Zach
Agad naman siyang nagmulat ng marinig niya ang boses ko.
Dumating ka. kaya ka ba nandito ay dahil sasabihin mong basted na ako. Nagkabalikan naba kayo ng lalaking iyun.
Hindi ako nakipagbalikan sa kanya dahil may mahal na akung iba at ikaw iyon.
"Talaga mahal mo ako". Zach
Oo Mahal kita at pinatunayan mong mahal mo talaga ako kaya sinasagot na kita. Sana ay huwag muna saktan ang puso ko ulit kung hindi lagot ka sa akin.
Opo mahal ko. Alam mo noong nawala si Nicole nakaya kung tanggapin na wala na siya pero nung ikaw ay nakita kung may kasamang iba ay ang sakit sakit ng puso ko at parang hiniwa na pinatakan ng kalamanse.
Hindi ko maipapangako na hindi ka masasaktan sa piling ko pero iiwasan kung ika'y masaktan dahil mahal kita.
I love you very much Zenny.
I love you too Zachary.
Alam kung marami pa kaming pagdadaanan sa buhay dahil nagsisimula palang ang lovestory namin pero pipilitin naming lagpasan ang mga ito alam naman natin na walang perpekto pagdating sa pag-ibig.
Hindi ko man masabi na we live happily ever after ay hindi ibig sabihin na hind na magiging masaya ang buhay ko. Sa mga tao na nakakabasa nito na pareho ang pinagdadaanan ko ay maging matatag kayo at makakamtan niyo rin ang inyung tunay na ligaya.
The end<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<