Chapter 6- Fight

9 10 0
                                    

MATAGAL na pinagmasdan niya ang makakalaban. Kilalang kilala niya ito sa buhok pa lamang nitong medyo may kahabaan na tumatakip sa madilim nitong mga mata. Hindi niya alam kung bakit ang taong to ang napili niyang kalabanin ang taong nagpakahulugan sa kaniya ng galit.

Nanginginig ang daliring pinindot niya ang start button. Sa isang iglap, nagbago ang paligid hindi na ito ang training room na pinasukan niya. Isa na itong madilim na pasilyo na may patay sinding ilaw. Pasilyong pamilyar sa kaniya. Pasilyong saksi sa mga nangyari sa kaniya noon.

"Ayumi..."

Nabaling ang tingin niya sa harapan. Umangat ang sulok ng labi ng lalaki. She gritted her teeth to stop herself. Nanginginig maging ang buong katawan niya hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang saktan ito hanggang sa matanggal ang nakapaskil na ngiting iyon sa mukha nito.

"Halimaw ka." madiin niyang wika.

Umalingawngaw ang demonyong tawa nito sa buong pasilyo. Baliw nga. Para itong baliw sa harap niya na tumatawa pero agad ding tumigil ng makitang hindi siya nasasayahan sa nangyayari.

"Masaya akong malaman na alam mo pa ang tunay mong kalaban, Ayumi."

Nanlaki ang mata niya sa narinig. May mali dito. Sinubukan kong pindutin ang cancel ngunit hindi iyon gumagana.

Paanong? Paano niya napasok ang vision?

Napaigik siya ng maramdaman ang pagdaloy ng init sa kamay niya kung nasaan ang kadena. Nang iangat niya ang tingin dito ay nagulat siya dahil sa isang iglap, nawala ito sa harap niya at sumulpot na lamang sa harapan niya.

“Kumusta? Siguro naman natatandaan mo pa to.”

Hindi siya agad nakagalaw ng sipain siya nito sa sikmura. Napapikit siya sa sakit ng tumama siya sa pader.

"Mahina! Mahina ka parin, Ayumi. Walang pinagbago. Hahaha!"

Pinilit niyang tumayo at napangiwi siya ng maramdamang masakit ang kaniyang likuran. Napakapit siya sa pader bilang suporta bago inangat ang dalawang kamay at hinayaang dumaloy ang kapangyarihan doon saka pinatamaan ng sunod sunod sa lalake. Pero imbes na matakot, nakuha pa nito siyang ngitian bago tamaan ng kapangyarihan niya. Gumawa ito ng pagyanig at pag usok sa paligid dulot ng tira. Habol niya ang hininga habang hindi inaalis ang tingin doon inaaninag niya alam kasi niyang hindi ito napuruhan pero sana man lang natamaan ito kahit isa sa pinakawalan niyang tira.

Pero nanlumo siya ng humupa ang usok at nakitang nakatayo parin si Night at tanging galos sa pisngi at pagkasira sira lamang ng damit nito ang damage na nakuha nito.

"Walang kwenta. Yun lang ba talaga ang kaya mo?"

Napakuyom siya ng kamao sa galit. Mabilis na tinakbo niya ang kinarotoonan ito saka nagpakawala ng tira at sunod sunod na suntok sa mukha nito. Pero mabilis ito at nahuli ang leeg niya at agad na naikulong sa kamay nito at parang papel na iniangat siya saka malakas na itinapon sa pader.

Napaigik siya sa sakit. Ramdam niya ang pagtulo ng dugo sa kaniyang ilong na mabilis niyang pinahid paalis. Hindi niya na maramdaman ang kaliwang balikat niya dahil sa masamang tama sa pader kanina.

"H-hindi ako susuko. Tatalunin kita."

"Talagang may lakas ka pa para sabihin yan sa sitwasyon mo ngayon. Kalokohan." he laughed evily.

She gritted her teeth bago inipon ang buong lakas sa kabilang braso. She made a weapon saka sinugod ito ng tira. Mabilis na iniiwasan nito ang galaw niya. Naging slow motion ang lahat sa kaniya ng tumalon ito sa itaas para makaiwas at sinipa siya nito sa leeg ng malakas. Nablangko ang utak niya at hindi nakadepensa agad mula sa atake nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catillon Academy (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon