Chapter 1

5 1 1
                                    


I am Liam Gutierrez and I have feelings for this Girl named Yennie Mendoza. Nakilala ko siya nung Grade 12 ako, kaklase ko siya yes. Ang ganda niya, ambait atsaka matalino. Masayahing tao at higit sa lahat siya ang gusto kong makasama habang buhay.
Hindi ako close sakaniya, Were just friends, pero palagi kaming mag kaklase although this year ibang section siya. But thats okay, I still get to see her pagkatapos ng klase. Plano ko siyang ligawan kaso mahiyain akong tao at baka ma reject lang ako. Nabalitaan korin na shiniship siya sa ibang mga lalaking gwapo dito sa paaralan, ung mayayaman tas bad boy. Pero nung niligawan siya ni-reject niya lahat, ako nga hindi gwapo tas mahirap lang, Sa tingin mo Sasagutin ako nun? Syempre hindi! Mukhang mataas ang standards nun, Pero malapit na. Onting pag titiis nalang liligawan na kita, Yennie.

"Manong! jan lang sa may university." "andito na tayo nak, baba kana." "Salamat po. Eto po ung bayad, salamat ulit!" Tumakbo ako papunta kay Yennie dahil wala ung mga kaibigan niya, sinabayan ko siya mag lakad. Tinabihan ko siya at nagulat siya. "Liam?" Tinanong niya. Watdapa- dimoko kilala? Di niya ata alam na dito rin ako nag aaral ibang section nga lamang. "Oo bat? Liam Gutierrez. Dati mong kaklase sa highschool." Grabe. Gento bako ka walang kwenta? Kinakalimutan niyo nalang ako? MAY AMBAG AKO DITO SA MUNDO NOH! Ang gwapo ko kaya, sussss.. feeling amp*ta.

"Tagal mong di nag paramdam Liam, actually hinahanap nga kita e. Need ko kase ng kaibigan ngaun, Iniwan ako ng mga yun." WEEEE? OMAYGAD GUYSSSSSS, Sh-she's asking me to be her friend?!!! AYOKO NA SA MUNDOO

"What happened? Tawagin mo lang ako kung kailangan moko, Section Iromore."
"Ofcourse, the smartest section. Well, They didn't wanna be friends with me and I was okay with that."
"Yen, kung kailangan moko eto number ko oh. Makapal rin kase mukha ko pero kailangan kona umalis may klase pako bye!" Sige Liam napaka t*nga mo. Wala naman telaga akong klase, kinikilig na telaga ako ng sobra as in!!!! Pero naawa ako sakaniya, Iniwan siya ng mga kaibigan niya. Tsaka nga pala, p*tang*na BINIGAY KO NUMBER KO SAKANIYA? Ayos ah, di naman niya tinanong eh? Napaka kapal ng mukha mo telaga LIAMMM!










Next day~







"Pa, mauna nako." "Sige anak, mag iingat ka ha? Aral mabuti." Lumabas nako at sinara ung gate namin, Mag lalakad na sana ako kaso may nakita akong kotse na dumaan, Huminto ito sa harapan ko.
Nag bukas ung bintana ng kotse.

"Liam! Sabay kana sakin, tutal sa school din naman tayo pupunta. Sakay na." Teka bat alam niya address ko? Atsaka, Pre? Seryoso? Yennie naman ehhh, masyado mokong pinapakilig syempre tatanggi ako-

"Ah sige, Salamat." Guys marupok telaga si Liam pag pasensyahan niyo na, gento telaga ang buhay. Oh? Ngiti ngiti mo diyan? Marupok karin dine.
Tahimik kaming pumunta sa school, di kami nag usap o kaya nag katinginan. Hanggang sa huminto na ung kotse. Andito na kami, bumaba nako sa kotse at bumaba narin si Yennie. Pumasok na kami sa loob ng paaralan at pag pasok namin, nag tinginan lahat ng istudyante samin. May delawang babaeng lumapit samin, at tatlong lalake.

"So who's this? Yen?"
"Omg, is he your boyfriend? Ang low naman ng standards mo! You rejected the richest boys and then you say yes to someone who's poor? What a shame."

Grabe, eto ba ung kaibigan niya? Ex-friend? Sa totoo lang napa isip rin ako. Andami namang babae o lalaki dito sa paaralan pero napili niyang makipag kaibigan sakin. Ganun bako kabait? Ano ba yan binobola ko sarili ko. Nagulat ako ng bigla niyang sinabing "Oo, Boyfriend ko. I'd rather choose a guy Who's worth loving rather than a play boy." Owshiii, baka Yennie yan HAHAHAHHA. Umalis na kami, hinila niya ako paalis, siguro nahiya rin siya kase andaming tao nung sinabi niya yun. At di ako naniniwalang totoo ung sinabi niya dahil sa totoo lang ang taas nga ng standards neto e.

"I'm sorry about earlier, I had to say such a thing. Pero hindi naman telaga tayo in a relationship so don't think about it so much." Awts peyn, pighati, akala ko naman mag fafake relationship kame tas magiging totoong mag jowa kagaya sa mga nababasa kong story HAHAHAHAHAH, Yan wattpad pa kalakaki mong tao. Mas babae pako sa babae e, hula kona bakla telaga ako. "Di, okay lang. hahaha. Pero dimo naman kailangan gawin yun." Sus, gustong gusto naman niya ih. Ang akward telaga makipag usap sa crush mo no? HAHAAHA.

"Its just an excue, I don't want them bullying you anyways. Punta kana sa klase mo Sorry I made you late." Ay g*go 8:34 na pala! Late nako sa klase! Tumakbo nako papuntang classroom namin, pag bukas ko ng pintuan ay nagulat ako dahil wala ung guro. Nag kekwentuhan lang ung mga kaklase kong burat, tas ung iba nag papaganda sige make up pa pumangit sana kayo mga demonyo.

Umalis ako ng classroom dahil Wala pala first sub namin tas ang susunod dun ay Recess kaya nag lakad ako papunta sa candelaria sa tabi tabi at kumain dun. Di kasi masarap ulam sa canteen, maalat minsan maasin o kaya matabang. Diko alam kung nag luluto ba sila o gusto mang lason e, Nadedemonyo ako sa mga nag luluto sa canteen hayop.

Habang kumakain ako may tumabi saakin, pag tingin ko si Y-yennie?!!! Anong ginagawa ng malditang ito dito?! "Bat andito ka?" Tinanong ko na parang galit kase nga ansarap sarap ng kain ko mag isa tas biglang may tatabi, Anoka lamok? "Wala, nakaka sawa na rin kumain mag isa sa canteen e. Kaya sinundan kita dito." Gagi pre, ngumiti pa siya sakin omaygaddd HAHAHAHA.
Pinabayaan kona lang siyang kumain kasama ako, syempre si crush yan pero kung ibang babae yan napa layas kona siguro. Good boy ako e, mapili ako sa babae enebee HAHAHAHA.

"May klase kapa mamaya?" Owsheyt nag pers move si tanga. "Hmm, ikaw?" Anong klaseng sagot yan?! Siya tinatanong tas isasagot sakin tanong? Aba, maldita ka ah. "Ikaw nga tinatanong e." Cold yarn? Eh, bat kase. Di purket crush kita pwede monang gawin kat anong gusto mong gawin depunyeta ka. Ano ka gold? Diamond? asin kalang ih.

"Meron, Swimming classes I guess sorry Hahaha."
P*tang*na bat ang cute mo tumawa? Marupok telaga ako noe? Parang hindi lalaki e, mas matino pa babae sakin sa totoo lang. talo ako sa mga babae ngaun, kung pumorma kala mo lalaki. Baka gusto niyo mag palit willing ako. Kung un lang ang way na maka lapit kay Yennie charot HAHAHA.

I loved you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon