Hazel's POV
Nagkaroon ng reunion Kaming magbabarkada. Sa Restaurant malapit sa bahay nila Kent kami pumunta kasama sila Ynna, Kent, Daisy, at Mike . Kasama nila mga sari-sarili nilang bf at gf na sina Gabriel, Carlo, Eden.
Lahat sa bakada ay may sari-sariling love life na at ang natitira na lang ay kami ni Kent.
Nakakagulat dahil sa may pagka-foreigner ang dating niya, maputi, gwapo, at makisig ang dating. Siya yun hinahangad ng mga babae. Kaya naman ang pagkakakilala ko kay Kent ay lalaking hindi marunong mag-seryoso. Inanabuso niya ang bigay ni Lord para paglaruan at magpalit-palit ng babae.
PERO KAHIT SYA NA LANG ANG NATITIRANG LALAKE SA BUONG MUNDO AY HINDING HINDI NA AKO MULING MAGKAKAGUSTO SA KANYA !! DAHIL YUNG SA GINAWA NIYA NOoNG 4TH YEAR PALANG KAMI.
4 years na nakakalipas pero hindi ko parin nakakalimutan
*Flash Back 4 years ago*
"Magkasama na naman si Hazel at Kent oh!"
"Di sila bagay..."
"OO nga girl eh! Sayang naman ang gwapo ni Kent para mapunta kay Hazel.
"Kung si Hazel lang naman payag na ako. HAHA!"
Nang marinig ko ang kanilang mga sinabi hindi ko alam kung magagalit ba ako sa pangiinsulto nila o hahayaan ko lang. Kaya naman natuwa ako nang biglang tumalikod si Kent. Akala ko ipagtatanggol niya ako ngunit.
"Etong baboy magugustuhan ko? Ano kayo nagpapatawa? I will never fall for a piggy girl like her. Tanga lang ang magkakagusto sa babaeng katulad niya. "
Pasigaw niyang sabi."Oo nga naman itong payatot na ito magugustuhan ko? HAHAHA Nakakatawa." Sinabi ko iyon ng may tapang at sabay pa kaming tumawa.
Masakit....
Nakakaasar....
Ngunit kahit anong gawin ko bestfriendzone lang kami. Pilitin ko mang tumawa hindi parin iyon matatago ang katotohanan na alam ko sa puso ko hindi lang bestfriend ang turing ko sa kanya kundi special someone ko.
*Continuation*
Dahil sa sobrang galit ko nang maalala ko ang ginawa niya sakin, bigla bigla akong napatayo at nahulog ang upuan ko. Tinginan ang lahat. Napahiya na naman ako at hindi ko mawari ang tingin ng mga taong nasa paligid ko nang araw na iyon.
"Let's play Spin The Bottle,"ang sabi ni Kent. Ito ang kumuha ng attention ng lahat.
dagdag naman ni Ynnah,
"Sige game kami dyan, wag Kill Joy! Lalo ka na HAZEL ha!"Alam na alam ni Ynnah na pagdating sa mga ganyang laro ay hindi talaga ako sumasali pero dahil nga ngayon lang ulit kami nagkita-kita at dahil din sa pangungulit nila Ynnah at si Eden na girlfriend naman ni Mike.
"Sige game... Walang KJ, sabi niyo eh. Basta huwag niyo lamang ako pahihirapan!" ang sabi ko naman sa kanila na may pabirong titig ng galit.
Umikot na nga ang bote, pagka-ikot. Napakaswerte nga naman ng na unang tumapat ng bote. At hulaan mo kanino tumapat ang bote...
OO saken. Pero dahil sa sinabi ko sa kanila na huwag ako pahihirapan. Sana hindi nila ako pahihirapan. Nag-usap usap pa sila Daisy, Eden, at Ynnah kung ano ang gagawin ko.
"Halikan mo ang lalaking naka-grey sa table na yun." ang sabi ni Eden.
"WHAAAAAAATTTTTTTTTT !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!?"
"Madali lang naman iyon Hazel" ang sabi ni Daisy
"O Kahit na sinong lalaki dito." Dagdag naman ni Ynnah.
Pinaglololoko ba nila alo? Trip ba nila ako? Alam naman nilang wala pa akong first kiss. Sabagay Dare ito kailangan itong gawin.
"OO nga naman Hazel! Malay mo matulad ka samin ni Daisy . Dahil sa Kiss konainlovesiya saken." sabi ni Gabriel
Nang dahil sa sinabi nila napansin ko ang pagbago ng ngiti ni Kent. Ibang klase ang ngiti nya ngayon, yung tipong may kalokohan nanaman siyang iniisip.
"BAWAL ANG KJ!"
Sapilitan na sana akong itatayo nang bigla na lang akong halikan ni Kent. Nagulat ako. Sinampal ko sya ng malakas na malakas. At nag tinginan ang mga tao sa paligid. Napahiya na naman ako. Lagi na lang niya ako pinapahiya. Nakakaasar!
"Ano ba! Nakakadiri ka naman! " ang sabi ko sa kanya Bakas sa muka ko ang pamumula sa galit. Aalis na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Kent.
"Ayaw mo yon? Hindi mo na kailangang humalik sa iba?" painsultong sabi ni Kent
"Dude bakit hindi mo pa kasi ligawan?"
"Dati ka namang in love sa kanya ... Hazel ?"
"Ako Magkakagusto sa tabachoy na yan?"
"Maghihilamos muna ako!" Sabay sabay silang nagsalita... Hindi ko sila maintindihan pero ang tanging narinig ko lang ay ang tabachoy na sinabi ni Kent. Pagkatapos ng salitang iyon ay tumakbo ako. At aksidenteng nabasa ako ng waiter sabay basa ng damit ko. Napahiya na naman ako at iyon ay dahil na naman kay Kent!
Kent's POV
Nang tumakbo si Hazel hindi ko alam pano magsosorry ayoko na kasing mawala si Hazel sa buhay ko. Syempre best friend ko sya kaya mahalaga sya sa buhay ko. Ginawa ko lang naman iyon dahil alam kong wala pa siyang first kiss. Susundan ko sana sya nang bigla akong pinigilan ni Ynnah.
"Teka magusap tayo!"
Dugtong pa ni Daisy. "Oo nga anong nangyari? Friendzone parin pala kayo?"
"Hindi Bestfriendzone kami" ang sabi ko sa kanila.
"Aminin mo na, na type mo sya!"
"Nagpapatawabakayo?Kahitkailanhindiakomagkaka-gusto dyankay taba!" Sinabi ko iyon sa kanila ng may paniniguradong iyon ay katotohanan. "Ganito kasi yan!May mga babaeng bine-bestfriend at may mga tao ding gine-girlfriend sa kalagayan namin hanggang bestfriend lang talaga sya"
"Ang sabihin mo lumabas lang ang pagkatorpehan mo sa kanya!"Ang sabi ni Mike.
Hazel's POV
Tumakbo ako papunta ng C.r nang matamaan ako ng isang waiter.
"Miss are you okay?" ang tanong niya.
"I'm fine, I just have to." Habang sinasabi ko iyon, bigla na lang may lumabas na luha sa mata ko.
Kaya naman nang lumabas ang luha sa mata ko pumasok na ako sa Restroom hindi ko na siya tinignan pa sa mata. At dali dali akong naghilamos. Nakakapagod na. Umasa na ako ng matagal sa kanya alam ko naman hanggang best friend lang kami pero bakit kailangan pang mangyari yun? Bumabalik na naman ba ang nararamdaman ko sa kanya?