"Hindi, kailangan ko itong pigilan!" Ang sabi ko sasarili ko na tila nababaliw. Naghilamos ako para mahimasmasan naman ang aking kalooban. Binuksan ko ang purse ko at saka nag-foundation at naglipstick.
Nang lumabas ako nakita ko ang Waiter na nabangga ko kanina. Matangkad at gwapo siya.
"Smiling makes you looked more beautiful." He smiled at me.
"I'm flattered." Ang sagot ko naman sa kanya.
Nag-offer sya ng shake hands at sabay sabing "I'm sorry to be rude, I'm Max nga pala." At nagshake hands kami. Ang laki ng kamay niya para syang si Papa.
"Hazel?"
Sabay kaming napatingin ni Max kung sino ang nagsalita. Si Kent pala iyon.
"Kent uuwi na ako, pakisabi na lang sa kanila." Ang sabi ko kay Kent, kumunot ang muka ni Kent at sinabing, "Kanina pa kami naghihintay sayo tapos andyan ka lang pala nakikipaglandian?"
"Dude, sino ka ba para pagsabihan sya ng ganyan? Respeto naman babae yan!" Ang sabi ni Max.
"Best friend niya ako, alam ko ang nakakabuti sa kanya, kaya pwede lumayo ka na bago pa magkaskandalo Dito" Ang sagot naman ni Kent na tila naghahamon ng away.
Ayoko ng feeling na ganito, yung may nagaaway dahil sa iyo. Kaya naman napasigaw ako sa kanila.
Pwede ba magsitigil na nga kayo! Para naman kayong mga bata! Kent alam kong bestfriend kita kaso ang weird mo minsan! Pati ba naman sa mga ganitong mga bagay pakikielaman mo? Uuwi na ako, pakisabi na lang sa kanila." Nanginginig kong sabi sa kanila.
"Wait miss, can I get your number?" ang sabi ni Max sabay bigay ng phone sa akin. Hindi ako ka-agad agad nagbibigay ng number ko lalo na sa mga hindi ko naman gaanong kakilala.
"I'm sorry I don't memmorize my number." Ang sabi ko kay Max sabay pakita ng cellphone ko. "Plus it's drain."
"Umuwi ka na nga." Ang sabi naman ni Kent.
"Here's the deal, if we met again by chance I'll give you my number." Binulong ko iyon sa kanya at sabay ngiti sa kanya.
"Oh akala ko ba uuwi ka na?" Ang pangungulit na tanong ni Kent. Kaya naman nagpaalam na ako sa kanila. at dumeretso na ako sa Apartment na tinutuluyan ko. Hindi man kasing laki ng bahay namin sa probinsya pero okay na din ito, may sarili akong kusina, may isang kwarto sa taas. at may maluwag na harapan kung saan naman pwede akong maglaba. Bagama't mahirap mamuhay ng magisa kakayanin ko para sa kapatid kong nagaaral sa highschool.
"BEEP BEEP!"
May tumatawag sa Cell phone ko. Dahil unknown number siya sinagot ko kasi baka emergency.
"Hello, Sino po sila?" ang tanong ko.
"Nakakapanibago ka umayos ka nga! Haha! Ang galang mo naman!" ang sabi niya. Sa boses pa lang at sa pananalita alam na alam ko na na si Kent yun kaya naman pinatay ko ang phone at sinave ang number niya. Tumawag siya ng ilang beses ngunit hindi ko parin sinagot. Hanggang sa nakatanggap ako ng text galing sa kanya.
"Hazel ano ba sumagot ka naman na! Si Ynnah hindi makahinga ng maayos anong gagawin ko?" Nagulat ako sa sinabi niya dali dali akong tumawag sa kanila.
"Ha? Anong nangyari, nandyan pa ba kayo sa Resto?" Ang dali dali kong tanong sa kanya.
"Bigla na lang siyang hindi makahinga, pagdating namin sa dating tambayan. Pumunta ka na lang kaya dito!" ang pasigaw niyang sabi.
"Sige sige pupunta na ako dyan, maghanap muna kayo ng paper bag duon niyo pahingahin tapos paupuin niyo sya para magexpand yung lungs niya." ang sabi ko sa kanila. I grab a taxi and went sa dating tambayan namin. Nagulat ako wala namang katao tao duon, ang weird. May dati pa ba kaming tambayan?
Sa may gilid may nakita akong puno, isang malaking puno kung saan anduon si Ynnah, nakahiga kasama ng boyfriend niyang si Gab. "Buti naman nandito ka na." ang sabi ni Gab. "Grabi naman kayo! Alam niyo na ngang hindi makahinga hindi nyo pa talaga sinugod sa hospital." ang sigaw ko sa kanila. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong nakakatawa at tumawa sila.
"Easy ka lang, hindi ako makahinga dahil sa nakita ko." Tinuro niya ang puno at may naka-ukit dun. " Bestfriends forever 'Kent and Hazel'"
Nagulat ako sa nakasulat duon bagong ukit pa lang iyon sapagkat nasa bandang baba pa lang iyon ng parte ng punk, hindi ko alam kung anong emosyon ba ang nararamdaman ko. Naiinis, nagagalit, halo halo kasi ang emosyon. Hindi ko alam anong sasabihin ko hangang sa nakita ko na si Kent na kumakanta.
"Sorry na, kung nagalit ka.
Hindi naman, sinasadya.
Nagawa ko lang iyon dahil sa iyo
para naman hindi mo na ikiss ang hindi mo kilala
sorry na talaga kung iyon ay first kiss mo...."
Nagtawanan kaming tropa sa ka-cornihan ni Kent. Hindi ko alam bakit ang sweet sweet minsan ni Kent minsan ang weird na ewan. Basta ang alam ko ngayon ang corny niya. Binigyan niya ako ng Favorite kong naming chocolate at may binigay din nyang letter na ang nakalagay ay, "SORRY I'M YOUR FIRST KISS! HAHA!". Hugis lips yung pinaglagyan niya at bigla niyang sinabi. "Huwag mong kalimutan na ako ang first kiss mo ha!" ang sabi niya kaya naman sinampal ko sa kanya ang letter niya.
"Uhhhh!"
"Owww!"
ang sagot ko naman sa kanya " Wag mo ding kalilimutan gaano kalakas ang sampal ko sayo kanina ha."
"Alam niyo hindi niyo bagay maging mag bestfriend lang."
