Ashyna
IT was pass 4am when I woke up from a dream. My heart is racing rapidly that makes it hard for me to breathe. Mabilis akong bumangon sa aking kama. Kumuha ako ng bottled water mula sa mini ref na nandito sa loob ng kwarto ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko pagkatapos ay kumuha ng sweater mula sa closet at isinuot ito.
Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa terrace para magpahangin. Niyakap ko ang aking sarili, dahil sa malamig na hangin na sumalubong sa akin. Nililipad din ng hangin ang mahaba kong buhok na nakalimutan kong itali kanina. Ang sarap sa pakiramdam ng bawat pagdampi ng hangin sa balat ko.
Tumingala rin ako sa kalangitan kung saan nakikita ko pa roon ang milyon-milyong mga bituin na nagkikinangan. Alas kwatro pa lamang ng madaling araw, kaya medyo madilim pa. Mamayang alas singko o alas sais pa ata liliwanag. Hindi nawala ang tingin ko sa kalangitan nang umupo ako sa mahabang sofa dito sa terrace.
Bumilis ulit ang pagkabog ng dibdib ko nang maalala ang panaginip ko kanina. It was a bad dream. I dreamed about something like this for several times already, but this is the first time I vividly remembered my dreams.
I can still remember it clearly right now, and I think it's really weird. Palagi ko naman kasing nakakalimutan ang mga panaginip ko at ngayon lang ulit hindi.
Someone was bumped by a running truck in front of me. I saw it with my two naked eyes. I saw how he flew after being hit by the truck. Not only that, I didn't do anything to save him from being hit. Actually I did, but someone stopped me.
I remember everything, excluding his face. Unfamiliar guy appeared in my dreams again. Something suddenly popped into my mind that made me stopped. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang iniisip ito. Was that the faceless guy? Ang lalaking palaging dumadalaw sa panaginip ko? Siya rin ba 'yon?
"R-rounin,"I suddenly mumbled and shook my head afterwards. The possibility that it was him is still making me crazy. I held my chest when I felt my heart throbbing again. Hindi pwedeng si Rounin ang lalaking 'yon.
Napansin kong nanginginig na rin ang mga kamay ko ngayon. Hinayaan ko lang ito dahil hindi ko naman kayang pigilan 'yon. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang nanindig ang mga balahibo ko.
Bakit nararamdaman kong may mangyayaring masama? Si Rounin? Hindi maaari!
Hindi ako dapat magpaapekto sa panaginip na 'yon. Hindi naman siguro mangyayari 'yon sa totoong buhay di'ba? Mas lalong hindi si Rounin ang lalaking 'yon. Baka kung sino lang 'yon, na gusto akong dalawin sa panaginip ko.
Sabi nga nila, "Kabaliktaran ng panaginip ang mga nangyayari sa totoong buhay." 'yan na lang ang paniniwalaan ko. Hindi ko na kailangang mag-alala dahil wala namang masamang mangyayari.
Tama! Wala lang naman 'yon! Masyado lang akong pagod kaya masama ang napanaginipan ko kanina. Walang meaning 'yon, Ashyna. Kalma ka lang, okay?
Pilit kong pinakalma ang sarili at winaksi muna sa isip ko ang panaginip na 'yon. Ilang beses din akong huminga ng malalim hanggang sa tuluyan na akong kumalma. Bumalik ako sa loob ng kwarto at humiga sa kama para ipatuloy ang naudlot kong tulog kanina.
***
MATAAS na ang araw nang magising ulit ako kanina. Alas dose na ng tanghali ngayon at kasalukuyan akong nagbabasa ng libro sa terrace ng kwarto ko. Naging daily routine ko na talaga ang pagbabasa rito. Bukod kasi sa pagtulog, mahilig din akong magbasa ng mga libro. Hilig ko na talaga 'to simula pa lang noong bata pa ako kaya nadala ko na hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
24/7 DREAMER
Teen FictionAshyna Medina, finds dreaming as her way of escaping the reality when her parents separated. She's been living a lonely and boring life until she met an unknown guy in her dreams. He made her feel the comfort and happiness she's longing to feel in r...