Too Quick To Be True

65 0 0
                                    

It's a lovely day because it's the first day of a long weekend! Today, dadalaw ako sa hometown ko sa isang maliit na municipality sa Laguna.

"Nandito na si Karina!" Masayang pagsalubong sa akin ng mga kamag-anako ko nang bumaba ako mula sa aking sasakyan.

Napakaganda ng araw ngayon. Mataas ang sikat ng araw ngunit napaka-presko pa din ng aking pakiramdam. Iba talaga ang hangin sa probinsiya.

Kumaway ako sa mga kamag-anak ko na palabas pa lamang. Ibinaba ko naman ang iba kong gamit.

"Ako na diyan, neng." Pag-alok ng tulong ng aking pinsan na si Kuya Vincent. Nagpasalamat naman ako. Sinalubong ko ang aking mga tiyahin, tiyuhin at ilang pinsan. Beso beso.

"Aba, tignan mo nga naman at napakaganda mo ngayon ay! Pero tumataba kaya yata lalo, neng?" Pagpuna sa akin ng Tiya Tina with her Tagalog accent.

"Oo nga, aba'y magpasexy ka na. Hindi magandang tignan iyan. Wala nang magkaka-gusto sa iyo." Pag-sagot naman ng Tiya Dina.

"Ayos lang po. Hindi naman ako naghahanap ng boyfriend." Ma-kwela kong sagot na sinabayan ko ng tawa. Siyempre, medyo nakakasawa na lagi akong napupuna dahil sa weight ko. But, I just don't care kasi I am proud of my body!

"Halika na't pumasok. Alam kong napagod ka." Wika ni Tiya Tina.

Itong bahay na ito ay bahay ng namayapang grandparents ko (maternal). Dalawang palapag ng typical ancestral house. Umakyat kami sa ikalawang palapag. Sa taas ay may apat na may katamtamang laki ng kwarto. Nostalgic! Sa tuwing uuwi ako dito, hindi maiwasang gumaan ng pakiramdam ko. Nawala lahat ng stress sa trabaho! This is what home feels like.

Pumasok kami sa isang kwarto sa gawing kanan. Ito ang kwarto ko mula pa noong bata ako. Lumaki kasi ako sa grandparents ko bago ako dinala nina Mama at Papa sa Manila to study. 6 years old ako nun.

"Oh, wala kaming ginalaw dito sa kwarto mo bukod sa bedsheet at punda ng mga unan. Yung cabinet, nandyan pa yung ibang damit na iniwan mo last time na umuwi ka." Wika ni Tiya Tina. Siya at ang kanyang pamilya ang kasalukuyang tumitira dito. Inalagaan din nila ako nung bata pa ako kay sobrang close ko sa kanila.

"Cool! Salamat po." Tugon ko. Agad naman akong dumapa sa kama. Ahh, ang bango ng kama.

"O siya! Bababa na muna ako. Magpahinga ka muna diyan. Tatawagin na lang kita pag kakain na ng pananghalian." Lumabas na ng kwarto si Tiya Tina.

Tumayo ako at tumungo sa may bintana. Mula dito ay matatanaw ang isang bundok. Nasa paanan lamang kasi ng bundok ang bahay na ito. Tumingin ako sa may ibaba. Natatanaw din mula dito ang mga katabing bahay namin.

Nakita ko ang isang lalaki na naglalakad. Halos nasa edad ko lamang. Naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa itaas kung nasan ako. Nagkangitian kaming dalawa.

"Umuwi ka pala!" Sigaw niya. Tumango lang ako.

"Punta ko diyan mamaya! Mag-iinom daw kami nina Kuya Vincent at ng iba. Sama ka ha!"

Nag-thumbs up lang ako at nagpatuloy na siya sa paglalakad niya.

Siya si Peter. Isa sa mga kaibigan ko dito. Two months ago lang kami naging close ng bongga. Pero matagal na din kaming nagkakasama sa lakad ng tropa. Matangkad siya na lalaki na may tipikal na katangian ng isang Pinoy. Matangos ang ilong niya at may matipunong katawan.

Natulog na muna ako dahil madaling araw pa ng umalis ako sa Maynila.

Nagising ako sa katok sa pinto.

"Karina! Neng, gising na. Kakain na tayo." Sigaw ng Tiya Tina ko. Agad naman akong bumangon kahit nahihilo pa ako sa antok.

Binuksan ko ang pinto. "Opo, sunod na po ako baba."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEARTBREAK STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon