Sabado ngayon at walang pasok. Kung sa iba ay pagpapahinga, sa akin ay hindi. Hanggang sa bahay ay nag-aaral pa rin ako.
I was reading my notes in creative writing while I was chewing a gum. Nandito lang ako sa study room, nakaupo.
I was actually not reviewing because Lassy was texting me. I didn't reply. Hindi rin naman ako papayagan sa paanyaya niya.
I sighed and flipped the page. I was about to read the first sentence when someone knocked on my door. Kumunot ang noo ko at binalingan ito.
"Who's that?" I asked and closed my notebook.
"Si Manang mo ito," narinig kong sambit sa labas. "Dinalhan kita ng meryenda, hija!"
"You can open the door. Hindi iyan naka-lock, " sabi ko at binalik ang sarili sa pagbabasa.
Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Si Manang Lourdes ay yaya ko mula bata pa ako. Siya minsan ang pinagsasabihan ko sa problema ko kapag pini-pressure ako nila Daddy.
I looked at her when she put the plate on the side of my table. She smiled at me and looked at my notebook.
She sighed. "Nag-aaral ka na naman?" She caressed my hair. "Pahinga ka naman. Hindi na iyan normal. Matalino ka naman, eh!"
I made a sad face. "Manang, alam mo naman ang parents ko, 'di ba? They want me to strive hard. I did my best and I got a good grade, but it was not enough for them."
Naghila si Manang ng upuan at tumabi sa akin."'Yong marka ng anak ko, hindi man kasing laki ng sa iyo pero proud ako sa anak ko, hija..." Ngumiti siya sa 'kin. "Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ng magulang mo sa 'yo. Kahit ano pa ang magiging marka mo, secure na ang future mo lalo na't mayaman ka."
I slowly nodded. "Kuntento na ako sa grades ko, Manang. But Dad wants me to be the valedictorian at the end of the school year...or he will marry me off to someone."
My voice trembled as I said it. Natatakot ako na baka hindi ko makuha ang gusto nila. I don't want to get married. I want to, but not at an early age. Marami pa akong gustong gawin.
"Bakit hindi mo subukan na mag-open sa parents mo, Hija?" Manang suggested. "Baka naman makikinig sila sa 'yo."
"I tried once!" pag-amin ko. "I tried! I told them back then! But then..."
"Rason mo lang iyan kasi hindi mo kayang talunin ang mga kaklase mo, Princess," mariing sambit ni Dad nang sinabi ko sa kanya ang tungkol sa hinanakit ko.
Napapikit ako nang maalala ko iyon. Pagkatapos no'n ay hindi na muli akong naglakas-loob.
May kumatok muli sa kwarto ko kaya sabay kaming lumingon ni Manang.
"Ma'am Princess, pinapababa po kayo nina Ma'am at Sir," narinig kong sambit ng isa pang katulong namin.
I sighed and looked at Manang. I shook my head and stood up. Ano na naman kaya?
Sinuklay ko muna ang buhok ko bago ako bumaba. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang tatlong tao sa sala. Hindi ko nakita ang kausap nila dahil natabunan siya ng malaking flower vase but his posture is familiar.
"Don't tell me..."
"Oh, my daughter is here! Come here, Hija!" Mommy said happily.
Nang tuluyan na akong nakababa ay binalingan ko ang lalaki. Naistatwa ako nang nakita ko si Joseph. He turned to me and smiled. He even waved his hands on me."
"Hija, halika rito!" si Dad namin.
Tinotoo talaga ang sinabi nila? Why is he here? Hindi ba at may trabaho siya? Ano ang ginagawa niya rito at paano niya nakilala ang parents ko?
BINABASA MO ANG
Hostile Hearts
Teen FictionStarted: July 5, 2021 Ended: September 20, 2021 Book cover from Canva